5-12-4-14-33-44's Farm
eat and live, live and learn, learn and survive, survive and enjoy, enjoy life's greatest blessing! Let's GO
Search for Me
Wednesday, 26 August 2015
Thursday, 9 May 2013
And they call it FATE
Escape the so-called FATE.
All you have to do is get a needle and a thread.
Chin up and start weaving your own Destiny.
Be brave.
Decide.
Act.
- IamMe -
5-12-4-14-33-44
Monday, 29 April 2013
Oasis
Nang bumanat si Boyet ke Girlie;
Boyet: Alam mo bang pag kinumpara ko ang mga taong nakilala ko sa mga subjects na na-take ko noong nag-aaral pa ako, maihahalintulad kita sa CEM 525 - Construction Inspection and Site Supervision.
Girlie: Bakit naman?
Boyet: Kasi sa dinadami ng nakilala ko, SA'YO lang pala ang BAGSAK ko. :) BOOMMMM!
Girlie: K.

Sunday, 17 March 2013
Haler!
Antagal-tagal na nung huli kong post.
Inaagiw na naman ang aking bukid. Time to do the Linis linis mode.
Linis
Linis..
Linis...
Andaming agiw.
Linis....
Linis.....
Ayan, malinis na ulit. Back to Tulog. Zzzzzzzzzzzzzz..........

Saturday, 26 January 2013
Bell's Palsy
Super late na balita para sa super busy bata.
Grabe ang nangyaring adventure sakin sa Visayas Region. Pagkatapos ko sa labin-dalawang araw ng pag si-site visit at paglalagalag sa iba't-ibang sulok-sulok ng Visayas, pag-akyat sa tore, at pagpapahukay sa kayamanan ng mga Hapon, ako ay bumalik na ng Maynila via Tacloban City Airport. Okay naman ang airport nila. May kaliitan nga lang. Bitbit ang dalawang mabibigat na mga maleta, danggit, matamis na kakanin at isang sakit na hindi ko malaman kung san ko nakuha, ako ay muling sumakay ng eroplano at natulog sa byahe. Nang makauwi na ako sa Maynila ay agad-agad akong nakipagkita sa mga kaibigan ko at napansin nga nila ang kakaibang itsura ko. Umitim ako at parang nangiwi ang kanang bahagi ng mukha. Naisip ko tuloy, madali lang palang maging 5'6", dark and uhhmmm...., handsome(?) sa probinsya. Echos!!
Dahil sa mga komento ng nagmamalasakit na kaibigan kahit di sila napasalubungan, at sa kabang umaalon na sa dibdib, nagpakonsulta ako sa Doctor (makaraan ng 24 na oras pagkatapos kong mag-update sa Facebook na nasa Maynila na ako uli!)
Aking napag-alaman mula ke Doc ang; Dyandyananan!! BELL'S PALSY: Resulta ng Stress, infection at kung anu-ano pang gawain na hindi maganda sa katawan.
Bell's Palsy (Ayon kay pareng Wikipedia) - is a form of facial paralysis resulting from a dysfunction of the cranial nerve VII (the facial nerve) that results in the inability to control facial muscles on the affected side. Several conditions can cause facial paralysis, e.g., brain tumor, stroke, and Lyme disease. However, if no specific cause can be identified, the condition is known as Bell's palsy. Bell's palsy is the most common acute mononeuropathy (disease involving only one nerve) and is the most common cause of acute facial nerve paralysis.
Oh diba? In short, di ko syempre naintindihan yan. As usual, English ehh. Basta ang nalaman ko ke Doc;
1. "Di yan nakamamatay"
2. "Don't worry, babalik sa dati ang mukha mong kinauumayan after 2-4 weeks kahit walang gamot".
Pero dahil sa mabait akong bata, nagpa reseta nalang ako ke Doc ng gamot para sa mas mabilis na pag galing at pagbalik sa trabaho. Set ng anti-biotics, B vitamins, pampawala ng maga ng nerves at small dosage ng steroids ang binigay nya. Bilhin sa suking Mercury drug store at gumamit ng suki card para di masayang ang points. Araw-arawin ang pag-inom para malaman na agad ang resulta. Araw-araw ngunit pakonti ng pakonti ang inom. Pa bawas ng pa bawas hanggang sa maubos. Iwasan ang stress, matulog daw ng maaga at iwasan ang mga nakakalasing na inumin para maging deretso ang paggaling. Kapag may naiwan kasing bakas na hindi na kayang tanggalin ng gamot eh mangangailangan ka na ng isang ekspertong Physical Therapist para sa theraphy sessions upang manumbalik muli ang mukang kinababaliwan ng mga kababaihan. Natakot ako sa sinabi ni Doc. Natakot din ako sa dagdag gastos kaya di na muna ako nagpasaway.
Makaraan ang halos dalawang linggong pag-inom ng gamot, okay naman ang naging resulta. Magaling na ako ngayon. Wala ng bakas yung Bell's palsy na yun. Balik normal na ang lahat. Masaya na ulit ako kase pantay na ulit ang aking smiles at hindi na ako nakangiwi. Buti na-agapan dahil kung hindi, sayang ang pes kong kinauumayan ng karamihan.
Sabi ng mga nagdodota sa likod ng station ko "SWAP MO, SWAP MO.. Tang**a BOBO mo! Slow hands!". Wala lang.

Sunday, 30 December 2012
Para sa lahat ng Pogi at Magaganda
Bago pa maubos ang oras at magpalit ng kalendaryo, babati na muna ako sa lahat ng isang high-note at naglalagablab na:
Sana puspusin pa kayo ng mas maraming biyaya sa susunod na taon tulad ng mas masayang buhay, lovelife na matindi, family life na ayos, work environment na walang tsismosa, mataas na grades sa klase, mabait na teacher, kaibigang malakas manlibre, kumpletong daliri, galanteng boss, madaming subscribers, bagong cellphone, bagong kotse at higit sa lahat panibagong lakas para magsimula ulit ng bagong taon.
Yahoo para sa ating lahat!
God bless us and may we have a great 2013! Lezz keep rockin'. Mehel ko keyo. Enjoy this holiday season!
HAPPY HAPPY NEW YEAR!!
Sana puspusin pa kayo ng mas maraming biyaya sa susunod na taon tulad ng mas masayang buhay, lovelife na matindi, family life na ayos, work environment na walang tsismosa, mataas na grades sa klase, mabait na teacher, kaibigang malakas manlibre, kumpletong daliri, galanteng boss, madaming subscribers, bagong cellphone, bagong kotse at higit sa lahat panibagong lakas para magsimula ulit ng bagong taon.
Yahoo para sa ating lahat!
Friday, 30 November 2012
Conclusions :)
The conclusions of my Negros-Cebu-Tacloban-Samar Trip:
1. Ang pinaka-makapangyarihang phrase kapag bumabyahe sa Visayas Region ay hindi “excuse me po” kundi, “tagalog lang po. Please??”.
2. May mga taong sadyang friendly lang. Wag masyadong umasa. Diba Miss Mercury drugs? Kung nasan ka man sana maging masaya ka sa napili mong Papa.
3. Nakakatawa pero karamihan ng tao sa Escalante city, Negros, kapag tinanong mo kung alam nila ang bahay nila James Yap, sasagot sila ng OO. Pero ang favorite team ng karamihan sa kanila ay Barangay Ginebra. Ay ewan.
4. Ang San Juanico bridge ay mahaba at maganda.
5. Totoo ang travel advisory na “travel lightly”. Kaya, travel lightly.
6. Ang pinaka sikat na kanta sa Visayas ay hindi Payphone ng Maroon5 o Sirena ni Gloc-9 kundi kantang pinamagatang “Pusong Bato”. Promise!
7. Cebu is Wow! Cebuana? is WOW-er!!!!
8. Travelling alone? More fun in the Philippines. More fun when single.
9. Pag naglalakbay, isa lang ang golden rule: Magtanong, wag maging tanga. :)
10. Trabaho + Travel + draft = 1 month hiatus :) hihihihi
Friday, 26 October 2012
Salamat ng Marami!
Makaraan ang isang taong pamamalagi sa Blogger.com at pagsusulat ng kung anu-anong bagay sa blogsite na ito, eto ang mga nangyari pagkatapos ng isang taong eksperimento;
- Kasalukuyan akong may sampung followers. At lahat sila pwera sa isa ang hindi nakaka-kilala sa akin ng personal. Sa lahat ng nagbabasa at nagtatyaga sa'kin kahit wala akong maipakitang mukha, Maraming Salamat!
- May 1571 (and still counting) na mga naligaw sa aking munting bukid. Pwera ang mga kapamilya at mga barkada kong hindi alam na nagsusulat ako sa blog site na ito. :) marami akong utang, kaya hindi ako nagpapakita. Hahaha. Maraming salamat ulit sa inyo!
- Gusto kong mabago ang pangalan ng blogsite ko for personal reasons pero nag-iisip padin ako kung tama bang palitan ko pa. Mga walong buwan ko nang pinag-iisipan to. Something na mabango. How bout, Rosas?
- Mayroon na akong dalawanpu't pitong mga entries (and still drafting) na nai-publish. At madalas ko padin silang binabasa ng paulit-ulit. Salamat sa mga nagbabasa padin!
- Madami na akong drafts. Hahaha. Pwera dito, mayroon pa akong siyam na pending. Hindi ko magawa dahil kulang ang pitong araw sa isang linggo. Pag ako naging Presidente ng U.N., magpapadagdag ako ng isa pang araw. At tatawagin ko itong "FUNDAY". From the root word, DAY.
- Hindi padin ako nakikipagkita ng personal sa kahit kaninong blogger. Wala pa akong lakas ng loob. Mahiyain ako sa personal ehh.
- Dalawa sa mga entries ko ay lumagpas na ng mahigit sa isandaang views. Nakakataba ng puso at nakakakilig. Hindi ko padin maipaliwanag yung satisfaction na natanggap ko matapos kong makita ang status ng mga views ng entries ko. Maraming Salamat!!
- Hindi ko inaasahang mas dadami pa ang views ng http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/r-13-usapang-binyagan.html kesa sa paborito kong entry na http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/anything-under-ng-araw.html dahil WALA akong natatanggap na FEEDBACK/COMMENTS sa entry tungkol sa binyagan. Ang wierd nga ehh.
- Iniiwasan ko pading maging isang personal diary ang blogsite na ito sa maraming kadahilanan. Gusto ko lang magsulat at maipahayag ang nilalaman ng makulit kong isipan, solve na ko dun.
- Gusto kong magpasalamat sa lahat, kahit ang unang balak ko sa blogsite ko na ito ay itago at gawing personal drawback ng mga emosyong hindi mabanggit sa Facebook, marami padin ang dumalaw at nakisawsaw sa trip ko. Parang toyomansi lang. Nakakataba talaga ng puso. From the bottom of my heart, MARAMING-MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!
- Huwag po sana kayong magsawang bumisita sa aking munting bukid. At sana mag-enjoy kayo gaya ng pag-eenjoy ko sa pagsusulat ng kung anik-anik. Hanggang sa muli, Paalam!! Mwah mwah, tsup tsup.
Subscribe to:
Posts (Atom)