Search for Me

Saturday, 26 January 2013

Bell's Palsy

Super late na balita para sa super busy bata.

Grabe ang nangyaring adventure sakin sa Visayas Region. Pagkatapos ko sa labin-dalawang araw ng pag si-site visit at paglalagalag sa iba't-ibang sulok-sulok ng Visayas, pag-akyat sa tore, at pagpapahukay sa kayamanan ng mga Hapon, ako ay bumalik na ng Maynila via Tacloban City Airport. Okay naman ang airport nila. May kaliitan nga lang. Bitbit ang dalawang mabibigat na mga maleta, danggit, matamis na kakanin at isang sakit na hindi ko malaman kung san ko nakuha, ako ay muling sumakay ng eroplano at natulog sa byahe. Nang makauwi na ako sa Maynila ay agad-agad akong nakipagkita sa mga kaibigan ko at napansin nga nila ang kakaibang itsura ko. Umitim ako at parang nangiwi ang kanang bahagi ng mukha. Naisip ko tuloy, madali lang palang maging 5'6", dark and uhhmmm...., handsome(?) sa probinsya. Echos!!
Dahil sa mga komento ng nagmamalasakit na kaibigan kahit di sila napasalubungan, at sa kabang umaalon na sa dibdib, nagpakonsulta ako sa Doctor (makaraan ng 24 na oras pagkatapos kong mag-update sa Facebook na nasa Maynila na ako uli!)

Aking napag-alaman mula ke Doc ang; Dyandyananan!! BELL'S PALSY: Resulta ng Stress, infection at kung anu-ano pang gawain na hindi maganda sa katawan.

Bell's Palsy (Ayon kay pareng Wikipedia) - is a form of facial paralysis resulting from a dysfunction of the cranial nerve VII (the facial nerve) that results in the inability to control facial muscles on the affected side. Several conditions can cause facial paralysis, e.g., brain tumor, stroke, and Lyme disease. However, if no specific cause can be identified, the condition is known as Bell's palsy. Bell's palsy is the most common acute mononeuropathy (disease involving only one nerve) and is the most common cause of acute facial nerve paralysis.

Oh diba? In short, di ko syempre naintindihan yan. As usual, English ehh. Basta ang nalaman ko ke Doc;
1. "Di yan nakamamatay"
2. "Don't worry, babalik sa dati ang mukha mong kinauumayan after 2-4 weeks kahit walang gamot". 

Pero dahil sa mabait akong bata, nagpa reseta nalang ako ke Doc ng gamot para sa mas mabilis na pag galing at pagbalik sa trabaho.  Set ng anti-biotics, B vitamins, pampawala ng maga ng nerves at small dosage ng steroids ang binigay nya. Bilhin sa suking Mercury drug store at gumamit ng suki card para di masayang ang points. Araw-arawin ang pag-inom para malaman na agad ang resulta. Araw-araw ngunit pakonti ng pakonti ang inom. Pa bawas ng pa bawas hanggang sa maubos. Iwasan ang stress, matulog daw ng maaga at iwasan ang mga nakakalasing na inumin para maging deretso ang paggaling. Kapag may naiwan kasing bakas na hindi na kayang tanggalin ng gamot eh mangangailangan ka na ng isang ekspertong Physical Therapist para sa theraphy sessions upang manumbalik muli ang mukang kinababaliwan ng mga kababaihan. Natakot ako sa sinabi ni Doc. Natakot din ako sa dagdag gastos kaya di na muna ako nagpasaway.

Makaraan ang halos dalawang linggong pag-inom ng gamot, okay naman ang naging resulta. Magaling na ako ngayon. Wala ng bakas yung Bell's palsy na yun. Balik normal na ang lahat. Masaya na ulit ako kase pantay na ulit ang aking smiles at hindi na ako nakangiwi. Buti na-agapan dahil kung hindi, sayang ang pes kong kinauumayan ng karamihan.

Sabi ng mga nagdodota sa likod ng station ko "SWAP MO, SWAP MO.. Tang**a BOBO mo! Slow hands!". Wala lang. 

7 comments:

  1. nyahaha... sasabihin ko pa sana get well soon! parang andami na ngayon nagkaka bell's palsy... nagpapasikat ata ang sakit na yun..

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you padin sa concern. :) oo nga madami nang tinatamaan ng sakit na yan ehh. karamihan nga sa kanila eh artista. karamihan. artista. karamihan. hahahahaha artista.

      Delete
  2. Paulit ulit lang sa artista?, baka nga artista ka lang nung mga panahong may sakit ka nun? hahahha. .no joke, mahirap magkaroon ng bell's palcy dahil bukod sa hindi alam kung anong pinanggalingan ay hindi rin alam kung paano maiiwasan. Ang pinka magandang gawin lang ay wag kang pasaway na bata ka.

    ReplyDelete
  3. wag ka na pasaway para di na bumalik sa pareng bell. okay dear? stay happy and healthy! :)

    ReplyDelete
  4. Sir, pede ba malaman kung saan, sino, at anong expertise ba na duktor ang tawag sa gumagamot ng may Bell's Palsy? I need it po badly. Thank you.

    ReplyDelete
  5. anong gamot po yung iniinum mo?

    ReplyDelete