Search for Me

Friday, 26 October 2012

Salamat ng Marami!

Makaraan ang isang taong pamamalagi sa Blogger.com at pagsusulat ng kung anu-anong bagay sa blogsite na ito, eto ang mga nangyari pagkatapos ng isang taong eksperimento;

  1. Kasalukuyan akong may sampung followers. At lahat sila pwera sa isa ang hindi nakaka-kilala sa akin ng personal. Sa lahat ng nagbabasa at nagtatyaga sa'kin kahit wala akong maipakitang mukha, Maraming Salamat!
  2. May 1571 (and still counting) na mga naligaw sa aking munting bukid. Pwera ang mga kapamilya at mga barkada kong hindi alam na nagsusulat ako sa blog site na ito. :) marami akong utang, kaya hindi ako nagpapakita. Hahaha. Maraming salamat ulit sa inyo!
  3. Gusto kong mabago ang pangalan ng blogsite ko for personal reasons pero nag-iisip padin ako kung tama bang palitan ko pa. Mga walong buwan ko nang pinag-iisipan to. Something na mabango. How bout, Rosas?
  4. Mayroon na akong dalawanpu't pitong mga entries (and still drafting) na nai-publish. At madalas ko padin silang binabasa ng paulit-ulit. Salamat sa mga nagbabasa padin!
  5. Madami na akong drafts. Hahaha. Pwera dito, mayroon pa akong siyam na pending. Hindi ko magawa dahil kulang ang pitong araw sa isang linggo. Pag ako naging Presidente ng U.N., magpapadagdag ako ng isa pang araw. At tatawagin ko itong "FUNDAY". From the root word, DAY.
  6. Hindi padin ako nakikipagkita ng personal sa kahit kaninong blogger. Wala pa akong lakas ng loob. Mahiyain ako sa personal ehh.
  7. Dalawa sa mga entries ko ay lumagpas na ng mahigit sa isandaang views. Nakakataba ng puso at nakakakilig. Hindi ko padin maipaliwanag yung satisfaction na natanggap ko matapos kong makita ang status ng mga views ng entries ko. Maraming Salamat!!
  8. Hindi ko inaasahang mas dadami pa ang views ng http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/r-13-usapang-binyagan.html kesa sa paborito kong entry na http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/anything-under-ng-araw.html dahil WALA akong natatanggap na FEEDBACK/COMMENTS sa entry tungkol sa binyagan. Ang wierd nga ehh.
  9. Iniiwasan ko pading maging isang personal diary ang blogsite na ito sa maraming kadahilanan. Gusto ko lang magsulat at maipahayag ang nilalaman ng makulit kong isipan, solve na ko dun.
  10. Gusto kong magpasalamat sa lahat, kahit ang unang balak ko sa blogsite ko na ito ay itago at gawing personal drawback ng mga emosyong hindi mabanggit sa Facebook, marami padin ang dumalaw at nakisawsaw sa trip ko. Parang toyomansi lang. Nakakataba talaga ng puso. From the bottom of my heart, MARAMING-MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!
  11. Huwag po sana kayong magsawang bumisita sa aking munting bukid. At sana mag-enjoy kayo gaya ng pag-eenjoy ko sa pagsusulat ng kung anik-anik. Hanggang sa muli, Paalam!! Mwah mwah, tsup tsup.

Wednesday, 10 October 2012

50% friends, 50% tablado

Sa isang umpukan ng barkada nagkabiruan tungkol sa highschool friend kong na-FRIENDZONE ng isa ko pang highschool friend. Habang ang apat sa amin ay naglalaro ng pusoy, ang iba ay kumakain at nag-aasaran. Naungkat sa usapan ang balitang pagkaka-friendzone ng barkada ko. Tawanan ang lahat sa asaran at biruan tungkol sa libreng t-shirt, nawalang pag-ibig at ilangan sa pagitan ng dalawa. Lahat tumatawa, PWERA sa KANYA. At dahil isa kong tunay na kaibigan, naki tawa din ako pero pigil lang. Hehehe. At dahil dyan, napagpasyahan kong hanapin kung ano ang tinutukoy nila sa mga asaran. Curious eh. Nakita ko din sa wakas, sa tulong ni Google. Starring Ramon Bautista, Tales From The Friendzone. Programang nagbibigay ng nakakaloko at masasakit sa tengang mga payo (ala Maalaala Mo Kaya)sa mga sumulat na naging biktima ng mapanakit na friendzone at isang limited edition na t-shirt(one-size lang). Mafe-feature ang masaklap mong kwento featuring a very hot girl and a not-so-very-hot guy. Nakakaaliw ang tema, pero ano nga ba ang "FRIENDZONE"?

Para sa mga walang youtube, walang google, walang sipag at para hindi na humaba masyado;

Mga bata? Parang ganito daw yan. 
Ito ay yung katangi-tanging pagkakataon kung kelan gumusto ka o nagpahayag ka ng intensyong manligaw sa napupusuan mo ngunit, subalit, shit na malagkit, sa kakatwang rason ay kaibigan lang ang maio-offer nya sa'yo. Wala kang appeal sa mga mata nya. Kahit manligaw ka pa ng ilandaang taon. Ayyy how sad naman no? Hindi ito limited sa mga kalalakihan. Applicable din sa mga babae, tibo at bakla. Pero malaki ang kaibahan ng na-BASTED sa na-FRIENDZONE. 
Pag nabasted ka, ibig sabihin hindi ka gusto ng niligawan mo dahil sa maraming dahilan, tulad ng hindi nya trip ang itsura at hininga mo. In short, TABLADO KA at AYAW NIYA SA'YO! Pag nafriendzone ka, pwede ka pading maging ABANGERS. Maging casual kayo sa isa't-isa, magtext, mag hang-out padin katulad ng ibang kaibigan nya at mag abang, hanggang sa magkaroon ng isa pang pagkakataon or til the end of time.

Saktong-sakto sa naging kaso ng kaibigan ko. Tawa kami ng tawa sa kinasapitan n'ya. S'ya naman ay hindi maipinta ang mukha. Mga senyales na kami ay mga tunay na kaibigan. Pagtatawanan ka sa mga problema mo pero tutulong padin at magpapayo. Nag palipad-hangin sya at sa kasamaang-palad ay nakatikim ng tinatawag nilang "PRE-EMPTIVE SUPALPAL". Same circle of friends eh. Hindi na rin naman sya tumuloy sa balak nya kasi alam din siguro nyang wala din syang mapapala. Ayun, nakuntento din sa pakikipag-kaibigan na lang. Malungkot nga lang kase nagkaroon sila ng gap at ilangan factor. 


Napa-isip ako. Ang totoong buhay ay talagang marahas at hindi tulad ng nakagawian nating ending ng bawat pelikulang love story na napapanood natin. Cheesy at kahit anong mangyari, magunaw man ang mundo, magkakatuluyan at magkakatuluyan ang mga bida. Isa sa mga kasinungalingang hinahabi ng bawat pelikula sa ating mga "hopelessly romantic" na utak. Sa tunay na mundo, kahit pa bespren mo na yung popormahan mo, hindi ka padin makakatiyak na makakakuha ka ng matamis na "OO"!. Malaki pa din ang tsansa na sya pa ang makakapanakit sa damdamin mo. Kahit di sinasadya, masasaktan ka pa din. Isang patunay na malayo ang kwentong sine sa totoong buhay. Hindi lahat ng kwentong pag-ibig sa totoong buhay ay may happily-ever-after na ending. Hindi to katulad ng "One More Chance" nila Popoy at Basha bagkus ay halos katulad ng pelikulang "500 Days of Summer". So pano ka makakaiwas na masaktan? Simple, "WAG KANG UMIBIG". Dahil ang pag-ibig ay parang isang double-edged sword, ito ay hinahawakan lang ng matatapang na tao. Alam nating lahat na hindi ito puro tamis na tulad ng koton kendi. Love is a complex thing. Being in love with your friend who can't love you back is a more complex thing. So, kung handa kang masaktan at maging masaya, pwedeng-pwede kang ma-inlove. Kahit kelan, kahit saan, kahit kanino.

Na-enjoy ko ang program ni Sir Ramon. Madami din akong napulot na aral at mga quotes. Ang pinaka-matindi pading quote ay ang parting words ng program na: There's more to life than love. Na-friendzone ka nga, me T-Shirt ka naman. Congratulations!!

*Thought to ponder*

"Napakalaki ng mundo. Kung na-friendzone ka man, meron at meron padin dyang mahilig sa panget" RamonBautista - Tales from friendzone ep. 4

Heto ang link, ctrl+C and ctrl+V lang. panoorin nyo! http://www.youtube.com/watch?v=6R28RgWfT2k&feature=relmfu



***************
Boy: Uhm, Girlie wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko sa'yo. Matagal ko nang gustong sabihin 'to pero natatakot ako. Uhmm, pwede ba tayong maging more than friends pa. You know?

Girl: Alam mo, okay na tayo sa ganito ehh. Wag na nating gawing komplikado ang lahat. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Parang kapatid. Walang malisya. Sana maintindihan mo. I'm sorry. Atsaka isa pa, may nagugustuhan na ko ehh. I'm sorry talaga.
Boy: NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

NAPATINGALA s'ya. Kami naman, TUMATAWA.