Search for Me

Friday, 13 April 2012

Kapangyarihan!

Antok ka na ba?
pinipigilan pero di makaya?
Gusto mo na bang yumuko at ipikit ang mata pero may nakatinging iba?
Gusto mo ba ng kapangyarihan?
Kung magkakaron ka, anong pipiliin mo?
Tsk tsk tsk.
Ang hirap naman kasi pag nasa bahay ka hindi ka inaantok, pero kapag nasa eskwelahan dun ka naman antok na antok. Kapag nasa bahay ka, movie marathon at surf to the max sa facebook. Wala kang pakelam kahit bukas finals na pala sa paborito mong subject ( ie: calculus ) at may tatapusin kang project na dapat tinatapos ng isang bwan. Pero dahil masipag ka at mtyaga tatapusin mo yan ng dalawang araw. Cramming to the max. Mastery level 10. Kinabukasan, Lunes, hikab ka ng hikab, mangungulit ka ng ibang tao. Iinom nang sandamakmak na kapeng mainit ( kung sosyal ka, malamig). Pero syempre hindi ka padin mag rereview, bakit pa, matalino ang katabi mo, malinaw ang mata mo. Solb! Yan lang minsan ang kelangan para pumasa ka sa pinaka mahihirap na subjects sa college, ang matalinong kaibigan at pinagpalang mata na sagana sa kalabasa. Pero mas maganda kung yung kaibigan mo, magkalapit kayo ng apelyido, Tipong letter C sya, D ka naman. Cruz sya at ikaw ay lets say, Davide. Pero pumapalpak yan, lalo na kapag sa classroom niyo, apat ang may apelyidong Cruz. Maniwala kayo nang yayari yan. Nangyari yan sa isang subject namin sa college. 4 na Cruz. Hulaan nyo kung anong nangyari sa D ung apelyido? Tama, Lumipat sya ng upuan.
Minsan naman nag iisip ka palang kung pano magsisimula sa gawain mo tapos pagkita mo pa lang sa gagawin mo napapalunok kana. Mamumutla at mahihirapang huminga. Magsisimula ka na pero bigla kang dadalawin ng katam. hayyyy. Ansarap matulog! Kainis! Madaming kape ang uubusin at maraming pansit canton ang kakainin para magkaron ka uli ng ganang gumawa, mag review at mag babad sa pagtetext tapos review uli tapos text tapos review. Kinabukasan, bangag ka kasi nagpilit kang magpuyat. Pinilit tapusin ang dapat tapusing basahin o kaya sulatin. Pero pagdating mo ng klasrum may magbabalita
"Wala si sir! Nag text. Absent daw sya!" Yahoo!
Iyak-tawa ka. Sayang ang puyat mo, asar talo ka pa. Sayang, natulog ka na lang sana. Sayang yung effort mong magpakapagod, magkunwaring nag-aaral at kabahan.
May kaklase ako dati sa college na matindi ang premonition sa mga ganyang bagay, madalas talaga pag hindi sya nagreview o kaya umabsent sya, hindi natutuloy yung klase, either uulan ng malakas, aabsent yung prof o kaya magkaka biglaang meeting. Hahahaha. O diba? Masarap isipin na kaya mong makita ang mangyayari sa hinaharap, kahit pa 10 minutes bago mangyari ung isang event pwede na yun. Isipin mo malaking bagay ang sampung minuto. Sampu. Minuto. Malaki nga. Kaya mong makapag ligtas ng masasagasaang tao/pusa/aso/baka/kambing bago pa yun mangyari. at syempre marami pang iba. Kung susubukan mo namang tumaya sa lotto kasi akala mo tatama ka pag nalaman mo yung kumbinasyong lalabas, wag ka nang sumubok subok pa. Kelangan mo ng time extension para dyan. Kung bakit, alamin mo nalang.


Isipin mo, kung bibigyan ka ng pagkakataong mabigyan ng kapangyarihan, anong kukunin mo?


Ako?
..
..
..
..
rawwwrrrrr..
























INVISIBILITY padin atsaka Chakra Manipulation :))







3 comments:

  1. hahaha. nice post! back reading mode ako =). gusto ko teleportation. mahal na kasi ng gasolina at pamasahe. hahaha. at hindi ka malalate sa work o sa klase. o yeah! hehehe. ganun talaga nung college. mag-aaral ka taz iba nmn lalabas sa exam kaya mas ok na hindi kana nag-aral. hehehehe. sa Eng'g maka 3.0 ka feeling mo parang naka uno kana rin!

    ReplyDelete
  2. hahahaha tama tama. ang frustating talaga sobra non. Yung naligo ka pa ng malamig na malamig para lang makaabot sa first class schedule mo tapos walang prof? ay ang Epic. hahaha.

    engineering din ba ang field mo? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko din ng invisibilty tska kung meron mang kapangyarihan na itigil ang oras kapag kasama mo ang taong mahal mo pwede na rin. hahahaha.. ang cramming ay parte n ng buhay ng lahat ng Engineer man o Architect. ang sarap lang kasi ng feeling na matatapos mo xa in a short period of time, na-practice mo na ang multi-tasking at ang kabilisan mo gumawa, e nka-petiks ka pa before that, pero kung di ka matatapos, ay shete, frustrated at galit ka sa sarili mo non.

      Delete