Search for Me

Saturday, 21 April 2012

Press and Hold (L1+L2+R1+R2+Select+Start)

Sa loob ng dalawampu't apat na taon kong pamamalagi sa mundong ibabaw, siguro 15 years sa 24 years na yan, humahawak ako ng controller at naglalaro ng video game. Mapa-playstation man yan, Gameboy, o laro sa personal computer (hindi pa uso ang mga 3d games at Kinetics noon, dance revolution palang). Mas madaling sabihing adik ako sa mga video games. Mula pagkabata, nakahiligan kong magpipingger ( pindot) ng maliliit at cute na cute na buttons bukod sa paglalaro ng luksong baka at pagbababad sa kalsada.
Ang kadalasan kong nilalaro? Mga RPG o role-playing games, karamihan ay mga series tulad ng Final Fantasy, Gran Turismo, Tales Series, Chrono, Valkyrie, Harvest Moon, Suikoden, NBA, Digimon, Pokemon at kung anu-ano pang madalas kong nilalaro sa Playstation at Gameboy.
PLAYSTATION tm


Ibang usapan kapag online games na. Medyol hard core ako sa ganun, gusto ko yung gastusan. Ilan sa mga nalaro ko, Ragnarok Online, RF Online, Ran,  Grand Chase, Flyff at Gunbound. Yung iba nalimutan ko na dahil madalang na rin akong makapag online. Mahal na bisyo. Bukod sa mahal, kapag nag simula kang mag-online game, hindi pwedeng itigil tigil yung laro lalo at gusto mong magpalakas talaga. Obligado kang magpuyat, magpagutom at mag adik ( hindi illegal drugs ha. Bad yun ), dahil kung hindi mahuhuli ka sa level tsk tsk tsk. Masasayang ang mga na-invest mo na.
Kadalasang tumatagal ka ng 5-22 hours sa harap ng PC depende kung gaano mo gustong mag grind ng level at item hunt. 5 = moderate gamer, 22 = hardcore gamer.


Kung ayaw mo ng ganyang trip dahil sa tingin mo masyadong kumplikado at magastos ang renta sa internet shop at load (hindi pa uso ang free-to-play system ng online games), pwe-pwede mo din namang subukan mag offline games sa PC. Mas inter-active 'to dahil nakikita mo kung sinu-sino ang kalaro mo at ang mga dapat mong konyatan/tiryahin kapag napipikon ka na sa asaran. Weak! Hehehe. Tandaan lang pumili ng pagtitripan ha? Ang mga sikat nung panahon ko? Counter-Strike, Battle Realms, Warcraft., Red Alert, Diablo at DOTA. Napupuno ang mga computer shops dahil sa dami ng mga estudyanteng nag aarkila ng computer. Akala mo may tinatapos na project pero maririnig mo nalang bigla yung sigawan, murahan at tawanang akala mo wala ng bukas. Bonding mode sa mga kabataan ang ganitong oras eh. Dito mo din mahuhuli ang madadalas mag cut ng klase.


Sa katulad kong pinanganak sa panahong usong uso pa ang playstation 1, lagi kaming updated sa mga games at series na bagong labas. Inaabangan ang mga susunod na kabanata. Alam namin kung panong pinadadali ng paggamit ng mga walk through ang buhay namin at syempre yung ibang mga tamad maglaro eh alam kung pano mag encode ng mga cheats sa gameshark. Kanya kanyang payabangan ng magagandang save files na kalimitan eh naka-save sa isang memory card kung tawagin lalo na at RPG ang pare-parehas niyong nilalarong magkakabarkada. Medyo mas lonesome nga lang yung ganitong trip kasi hanggang 2 players lang ang kadalasang pwedeng maglaro. Lalo na kapag isa ka sa katulad kong mahilig sa RPGs. Mas malamang e single player yan (ie: Final fantasy series). Gagawin mo yung mga quest at susubukang i-conquer, i-master yung laro at gawin lahat ng secret side-quests. Masaya naman, fulfilling naman para sa part ko pero sa iba, pag aaksaya lang daw to ng oras eh. Ok lang, opinyon nila yun.


Kung di mo trip yang mga "lonely games" na yan, marami ka pa rin namang pagpipilian. Tawagin mo na si kuya, ate, pinsan, kapit-bahay, barkada. Hiraman kayo ng controller at game, Jamming na. Ang mga pagpipilian; Tekken, NBA, Motal Combat, Dragonball, Crash Team Racing, Marvel vs. Street fighter, Dance Revolution, Gran turismo at madami pang iba, basta fighting, racing at sports ang genre ok yan. Kadalasan para makapag laro ang lahat ng players, ang rule ay dalawa lang: 1.) Change the loser 2.) No cheat. Fair game lang. Lahat makakalaro kung pare-parehas ang skills ng players. Kung hindi, no choice kundi ang mag alternate player na lang. :) Bonding and enjoyment. Ayos!
FINAL FANTASY CHARS. :)




Ngayon, kung mahilig kang maglaro ng final fantasy series sigurado akong alam mo kung kelan at saan ginagamit ang L1+L2+R1+R2+Select+Start. (Babala: Hindi yan cheat code hehehe ) Sa lahat ng FF, ang naging all-time favorite ko ay FF7 at FF10. Magandang story-line at character development. Ayos! Nagsimula akong maglaro ng mga FF series noong grade 5 ako. 11 years old, parang masyado pang maaga sa pag-aadik sa mga video games. Madami ding naitulong/naituro sakin ang maaga kong pagkahilig sa mga ganyang klaseng laro (nang 'di sinasadya). Nakakilala ako ng iba't-iba at sari-saring mythological characters tulad nina Odin, Bahamut, Shiva, Ifrit at Ramuh. Natuto akong magbasa at umintindi ng malalalim ng english sa batang edad at mag-isip ng malalim sa bawat puzzles na gustong i-reveal ng laro para makausad ka sa gameplay. Natuto ako ng tamang spellings. Natutong mag-enjoy noong bata pa. At higit sa lahat, natutunan ko na sa buhay natin hindi pwedeng basta nalang mag-reset (lalo at hindi ka pa nakakapag save sa mga itinalagang save points).
Pwede kang mag-edit at magsenti sa buhay mo. Baguhin ang mga pangit na desisyon sa buhay, itama ang mga mali, punan ang mga pagkukulang pero hinding hindi mo na mababalik yung panahon, damdamin at taong nasayang o nawala na sayo. Isang malaking kaibahan sa paglalaro ng video-games na kadalasan, maiisalba ka ng reset button at save files mo. Sa mga RPG games, maaari mong maibalik yung mga pinamemorableng scenes sa loob ng laro halimbawa ay ang pinaka nakakakilig na eksena ng bidang lalaki at babae. Mga corny lovee-doovey scenes at mga linyang pwedeng-pwede mong i-quote sa status update mo sa facebook (ie: wark! Kupo! ). Pwede mo pa silang balikan at enjoyin ulit yung feeling, ulitin mula simula o kaya tapusin uli para makita pa yung ibang ending na hindi mo pa naeexplore. Masaya, pero ibang-iba sa totoong buhay.


Mag-enjoy sa paglalaro at mabuhay ka sa totoong mundo nang nag-eenjoy sa mga bagay na gusto mo at sa mga taong mahal mo at mahal ka, para wala kang dapat balikan at pagsisihan na minsan sa buhay mo, nakapagsave ka sana sa nadaanan mong save point. Para wala kang ma-miss at manghinayang na hindi mo na nakita yung iba pang ending ng buhay mo. Be it an Ending A, Ending B, Ending C, Good Ending, Perfect Ending, o wag naman sanang Bad Ending.


Magsisimula ka sa [New Game]
Walang [Options]
Walang Save Points
Walang [Power Ups]
Maraming Secrets/Side-quests/Hidden Boss
Puro [Continue] at Action buttons.
At sana sa bawat pindot mo sa Action button at continue, madami kang makuhang EXP points para mag Level-up ka ng mag Level-Up at hindi ka agad mag- [GAME OVER]
 Dahil sa buhay natin, pag [GAME OVER] ka na, wala nang [New game +] na option ang lalabas.


Wag maingay, concentrate na. Let's Play. Enjoy!


[ Press Start to Continue ]


Pink para mataray!

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. namis ko gawin to! Namis ko na maglaro ng God of War at Prince of Persia, pati narin ang Tekken Tag, at Tekken5, isama mo na ang Marvel vs Capcom. Ayoko lang ng games na ginagastosan at pinagpupuyatan (online games or level up games ika-nga). nakakaubos ng pera at oras. hahaha. mahirap lang pag na adik ka. hehehe. sana maka laro ako ulit. =)

    ReplyDelete
  3. hahahah i agree. pero nakakatuwa din kase ang online games. very challenging yung gameplay. :) naadik na ako. nakapag balik-loob lang. wahahahah

    ReplyDelete