Yung pakiramdam mo, ikaw ang pinaka malakas tumawa sa barkada, pero deep inside umiiyak ka.
Araw-araw kang namamatay pero hindi mo pwedeng ipakita
kasi gusto mong maging malakas sa harap nila.
Hindi nila alam, kasi ayaw mo ring ipaalam.
Nasasaktan ka pero pinipilit mong maging masaya.
Pero lagi kang dinadalaw ng lungkot.
Lungkot na itinatago sa likod ng mga ngiti at lakas ng tawa.
Kailangan ka kaya ulit sasaya?
Damn.
eat and live, live and learn, learn and survive, survive and enjoy, enjoy life's greatest blessing! Let's GO
Search for Me
Thursday, 31 May 2012
Wednesday, 30 May 2012
Maghanda, Maligo at Mag-DEO..
Minsan darating sa buhay mo 'yung isang taong hindi mo kayang TIISIN. Maihahalintulad s'ya sa isang sunog dahil manggugulo s'ya sa tahimik mong mundo sa 'di inaasahang pagkakataon, panahon, o lugar (bukod sa Hot sya!). Pwede mo rin naman syang ihalintulad sa diarrhea para COOL. Basta isang beses sa buhay mo, siguradong darating s'ya. At tulad nang sa sunog/diarrhea, kailangan handa ka palagi at mag-ingat para maging ligtas.
Mga palatandaan:
- Ngiti pa lang nya, ulam mo na. Kasama pati merienda.
- Kahit corny, basta magkasama kayo, feeling mo walang ibang tao. Pero feeling mo lang yun.
- Kakaiba yung enjoyment kapag kayo ang magkasama. Akala mo tuloy me fireworks kung saan-saan.
- Palaging naiisip mo. Nangingiti ka pag naiisip sya. S'ya din ang taong pinaka madali mong ma-missed.
- Bumababaw kaligayahan mo sa kanya. Kahit fishball lang ulam niyo basta kasama mo s'ya, solve!
- 100% sure akong may ilang kanta (more than 5) sa mp3 player mong makakapag-paalala sa kanya.
- Magaan ang loob mo kapag nag-uusap kayo. Hindi ka nahihiya at lumalabas kung sino talaga ang totoong ikaw. Walang pagkukunwari.
- Pag nagtext, tumawag o nag PM sa'yo, nanginginig ka pa tsaka natataranta. Magpapaload ka pa para lang maka-reply.
- Isang sorry nya, papatawarin mo. Minsan nga kahit di pa s'ya nagso-sorry, tapos na ang boxing.
- Pag may hiniling sa'yo, kahit imposible na, gagawa ka pa din ng paraan.
- Kapag humingi ng second chance, pagbibigyan mo.
- After ng second chance, pwedeng maraming chance pa ang hingin n'ya pero lahat ng yan eh pagbibigyan mo.
- Patatawarin gaano man kabigat ang kasalanan.
- Kapag naiiyak sya, mauuna ka pang umiyak.
- Lulunukin mo lahat ng pride na meron ka para lang sa kanya.
- Pag nagtatanong s'ya sayo kung mataba na s'ya, kahit oo, sasabihin mo padin "Hindi ahh. Sakto lang yung ganyan. Malaman"
- Iispoil-in mo, hanggat kaya, SA LAHAT NG BAGAY.
- Kahit di na kaya, magbibigay padin.
- Kahit walang matira, sisige pa din.
- Pinipilit maging manhid kahit ang sakit sakit na.
- Kahit matalino ka, nagpapaka TANGA ka.
- Ang pinaka mabigat? kahit pagbali-baliktarin ang spelling ng Mississippi, MAHAL MO padin. Mula ulo hanggang sa pinkish na sakong.
S'ya ang susubok kung hanggang saan ang kaya mong ibigay sa ngalan ng pag-ibig.(uh-ohh)
Dalawa ang magiging epekto n'ya sa buhay mo, sasaya ka ng husto o masasaktan ka ng todo. Darating s'ya at kukulayan ng rosas ang paligid mo pero pag umalis s'ya sa buhay mo, well, Shit will happen. And you'll be doomed. Gugulo ang buhay mo at parang trip mo nalang mag laslas ng pulso o kaya eh manuntok nalang ng taong makakasalubong mo. Feeling mo lahat ng kulay sa crayon box, may shade of black. Dark red, dark green, dark blue, dark orange, dark pink, dark brown, dark black tsaka dirty white.
MINSAN DARATING SA BUHAY MO 'YUNG ISANG TAONG HINDI MO KAYANG TIISIN. KAPAG DUMATING SYA, MAGIGING MASAYA KA. YAKAPIN MO ANG BAWAT SANDALI NA MAGKASAMA KAYO. HANGGA'T KAYA MO, 'WAG MO S'YANG PAKAWALAN AT IPAGLABAN HANGGANG KAMATAYAN KASI ALAM MO NAMAN NA SA KANYA KA PINAKA-MAGIGING MASAYA. Higit sa lahat, mabuhay kang masaya sa bawat umagang kasama s'ya dahil hindi mo naman alam kung hanggang kelan lang s'ya sa tabi mo. Masakit marinig pero iyan ang katotohanan ng buhay. Maaaring dumating na s'ya sa buhay mo, dadating palang o naka-alis na. Maghanda ka lang, maligo araw-araw at mag deodorant.
Ayan na s'ya, magdodoor bell na. Patutuluyin mo ba?
*Ding-Dong*
Monday, 28 May 2012
[R-13] Usapang "Binyagan"
Pasukan na naman ng mga bata. Tuwing magpapasukan, talagang excited ang mga bagets sa pagbabalik eskwela. Kanya-kanyang payabangan ng bagong notebook, pantasa, ballpeng nailaw, mabangong pambura at palakihan ng baon. Kwentuhang walang katapusan na naman tungkol sa mga nangyari noong bakasyon. Andyan yung mga kwento tungkol sa pagpunta s probinsya, mga na-miss na crushes, nanganak na pusa, at swimming na nai-upload na sa facebook.
Pero ang pinaka malupit paring kwentuhan after ng mahabang bakasyon ay yung kwentuhan at payabangan tungkol sa pagpapa-TULE. Yup, uso sa mga kalalakihan ang kwentuhang tuli. Hindi ako nakasabay sa kwentuhang yan noong grade 6 ako dahil before 1st year high school ako nagpa "binyag". Ang kaso, yung mga kabarkada ko nung elementary, grade 5 ng summer palang nagpa tuli na. So madalas kapag nag-uusap sila, nao- OP ako tsaka nakayuko lang. Tapos mang-aasar na yung mga damuhong kaibigan ko ng "Ayyy, supot supot supot!!". NAKAKA-ASAR! Kung alam ko lang, siguro kanya-kanyang iyakan yung mga yun nung tinutuli sila. Hehehe. Dahil dyan, hindi ako natakot na magpatuli ng sumunod na bakasyon. At highschool na ko nakipag kwentuhan tungkol sa topic na yan. :)
Iba-iba ang karanasan ng mga bata sa larangan ng "binyagan".
Yung iba sa de-pukpok na tuli. Pupunta sila sa suking albularyo at dun gagawin ang ritwal. Ayon sa aking mapagkakatiwalaang source, una sa lahat, ngunguya ka ng dahon ng bayabas, maghuhubad ng shorts, tapos ipapatong daw yung *too-toot* sa labaha (pang-ahit ata to sa patilya pag nagpapagupit) tapos pupukpukin ni manong yung labaha na pinagpapatungan ng balat ng *too-toot* ng maliit na kahoy. Presto! Tuli ka na in less than a minute. Ibubuga mo yung nginuyang bayabas sa *too-toot* at itatali yung balat saka tatakpan ng tela tapos papatalunin ka sa ilog. Hindi ko sigurado yung part na papatalunin ka, siguro iba-iba naman ang trip nila dyan. Dahil sigurado naman akong hindi lahat ng ritwal ng "pagbibinyag" eh nagaganap malapit sa ilog. Tama? Tama!
Yung iba ko namang kakilala eh sa mga medical mission ng barangay nagpunta. Mahaba daw ang pila tapos mainit. Kaso ang masama nyan, after mong matulian, tatatoo-an ka sa *too-toot* ng ganito: "A quality medical project of Governor Blah-blah-blah with partnership of Mayor Blah-blah-blah and the Councils". Ansaya. Kadalasang makikita mong may mga nakasabit na banners ang mga munisipyo pagdating ng bandang Marso hanggang Mayo. Ang mga banners ay karaniwang titled: OPERATION TULE.
Kapag medyo may pera kang panggastos, sa mga doctor ka pupunta. Sa halagang Php.500-1200 meron ka nang German Cut o kaya eh Normal cut (na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pagkakaiba). Matindi ang anesthesia, airconditioned ang room, well-lighted ang room at may sounds pa. Chillax. Sa doctor ako nagpatuli noon. Ok naman. Napanganga nga si doc eh. Hindi ko alam kung bakit. Pero habang tinutuli ako talagang pinipilit kong tingnan kung anong nangyayari sa sarili ko. Ayokong mamintis na masaksihan yung isang parte ng buhay kong hindi ko na mauulit at mababalik pa. Ok naman, enjoy ako. Gusto ko nga ulitin eh. :)
After ng tuli, isa ka nang ganap na binata. Iyan ang pinaka matinding sign na ang isang bata ay papunta nang pagkabinata. Ritwal para sa mga Pilipino yan. Hindi mahalaga kung pano mo na-achieve, ang mahalaga lang, Tuli ka.
Yun yon! Makakapag-share ka na ng kwento mo sa kapwa kalalakihan at hindi na mao-OP. Pumili lang nang paraang hiyang sa'yo at enjoy-in ang experience na yan.
You can now stand up and hold your head up high. Isigaw mo ng may pagmamalaki (habang sumisinghot-singhot ng sipon).
"TULI NA AKO! BWAHAHAHA"
Ikaw? Tuli ka na ba??

Wow, how sweet naman :D |
Ikaw? Tuli ka na ba??
Thursday, 24 May 2012
Kung Pipili ng "the Best" Partner, dapat..
Medyo magiging matigas na ang muka ko sa pagbibigay ng payo kung anu-ano ang batayan sa pamimili ng "the best" na partner in life. Pero para sa kwentuhang masaya, magbibigay ako ng ilan.
Mga Pamantayan sa pagpili ng partner ayon sa AKIN. Maaaring medyo gasgas na pero effective parin naman. Kalimitang base on experience yan.
(Note: Ang mababasa mo ay nasa men's perspective)
1.Dapat Single!
Pinaka-importante sa lahat. Huwag manlandi ng babaeng may BF na. Masama ang gawaing yan. Maraming dalagang single, sa kanila ka mamili. Sa panahong 1:5 ang ratio ng lalaki sa babae, wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa me syota na. Bukod sa naninira ka na ng relasyon ng may relasyon, kapag nagtagumpay kang agawin sya hindi ka din naman patatahimikin ng konsensya mo at agam-agam na baka gawin nya din sayo yan pagdating ng araw. Hindi ka rin magiging masaya promise.
2. Pumili ng mabuting partner.
Gasgas na ang number 2 pero tingin ko isa padin yan sa pinaka-importante. Totoong madaling ma-fall ang kalalakihan sa itsura at katawan, pero ang pinag-uusapan natin ay "the best partner" at hindi panandalian/panlandian lang. Huwag pumili ng babaeng seseryosohin base sa kulay ng mata, braces, vital statistics, nakakahalinang samyo at nakakalibog dumila. Maniwala ka, hindi din kayo magtatagal ng kahit tatlong buwan kung ganyan lang ang basehan mo.
3. Humanap ng babaeng may sense kausap.
Isa pa sa importanteng dapat hanapin sa isang partner. Masarap ba syang kausap? Nakakasabay sa mga usapan? May mga sense ba yung opinyon nya tungkol sa mga isyung napapanahon? Kahit masakit marinig, walang mas nakaka turn-off sa babaeng maganda at sexy nga pero walang sense kausap. Para kasi sakin, mas madaling mapalapit sa puso ng isang babae kung enjoy kayo sa pakikipag-usap sa isa't-isa. Yung tipong hindi kayo magpapahanginan lang at mag-uusap ng tungkol sa mga magagarang koleksyon mo ng sasakyan o mga jewelry sets nya. Para kapag dumating na kayo sa puntong sawa na kayo sa paglalambingan/tweetums/sex/gimik/lakwatsa, uupo nalang kayo at mag-uusap over a cup of coffee and cookies. Promise, darating yan, kaya paghandaan mo. :)
NOTE: Panatilihin ang eye-to-eye contact at iwasan ang eye-to-boob connection pag nag-uusap kayo, mahiya ka naman huy!
4. Dapat meron kayong Common Interest and common hobby.
Para sa mas masayang pagsasama nyo ng iyong partner, kailangan meron kayong interes na magkapareho. Halimbawa ay religion, paboritong flavor ng pancit canton, mga lugar na gustong puntahan, sports, pelikula, artista, kanta o paboritong banda. Hobbies tulad ng pagjojogging, pagtoma, pagtulog, pagbabadminton, hiking, pag reresto-hopping, at pag bubungee jumping. Bonding moments para sa inyong dalawa para hindi magsawa sa amoy ng isa't-isa..
5.Hangga't maaari, pumili ng.. (Isnabera o Mataray)
Hindi dahil sa thrill na binibigay ng babaeng may ganyang attitude. Wala lang, gusto ko lang ng mataray. Para hindi masyadong masakit sa ulo. :)
Tip: Masarap magmahal ang mga isnabera at mataray. Malambing yang mga yan. Yun bang sa iba mataray sila pero sayo sobrang sweet nya. Mga ganyang tipo. Pwede ding ipalit sa number 5 yung katangian ng babaeng hinahanap mo talaga. Depende sa'yo. Ikaw naman makikisama eh. Kung gusto mong mahinhin, wild, kulot, nerdy, tomboyish, bookworm, emo, masayahin, tahimik, o hip-hop, nasa sayo na yan. Palitan lang yun naka parenthesis.
6.Faithful.
Hindi ko alam kung pano malalaman kung ang pipiliing partner eh magiging faithful sayo o hindi. Pakiramdaman mo nalang. Ipatawas mo(hindi yung kili-kili ha?!). Mararamdaman mo din yan kung yung partner mo magiging seryoso at faithful sayo pero suklian mo ng faithfulness din. Para ka namang tanga nun na hinihiling mong faithful sayo pero ikaw nambababae. Oo, gwapo ka at feeling na feeling mo talaga pero poota naman umayos ka. Wag nang dagdagan pa ang mga lalaking sakit sa ulo. May tip ako uli sayo: Kung hindi mo matiis ang kati, magpakamot ka sa Ermita. P250.00 lang.
7.Marunong magluto
Dahil ang pinakamabilis na daan papuntang puso nating mga lalaki ay nasa tyan nyong malalaki, maghanap na agad ng marunong magluto para hindi na mapagastos sa pagpapa-enroll sa culinary schools na napaka-mahal. Hindi naman kailangang magaling magluto agad. Matututunan nya din yan, praktis makes perpek. At least interesado sya sa kusina. Karamihan ng babaeng magaling sa kusina ay magiging magaling na ina at mapagmahal na misis. Kapag dumating ang araw mag-asawa na kayo, wala ng tatalo sa umagang amoy tapsilog at misis na amoy bagong ligo.. Hmmm.. Sana araw-araw Linggo noh?
8.Friends kayo.
Hindi ko masyadong rekomendado to. Kadalasang nagagamit ang friendship na pantakip ng maitim na balakin. Hindi naman sa nilalahat ko pero ganon madalas ehh. Personally, kapag close friend ko yung babae hinding-hinding-hinding-hindi ko sya lalandiin. Kung friend ko, hanggang dun nalang talaga. :) Malay mo sayo gumana. Iba rin kasi ang relasyong nanggaling sa pagiging magkaibigan. Basta malinis ang intensyon mo, mas tumatagal ang relasyon. Kahit naman siguro saan. Tsaka maraming babae na aloof sa lalaki kung wala kayong common na friend. Baka mahirapan kang maka first move. :D
9.Mahal MO??
Kaya huli to sa listahan ko kasi para naman sakin napapag-aralan ang pagmamahal eh. Dapat nga tanggalin na to ehh. Basta maganda ang naging foundation niyo ng girlfriend mo, tutuloy-tuloy lang yan. Ma-fafall ka din sa kanya at sya din sayo. Wag kang masyadong maghanap ng spark AGAD, makukuha mo din yan pagdating ng panahon pag nakilala mo na sya ng lubos. Basta sa una, mag-enjoy lang kayo sa company ng isa't-isa. Isang araw magigising nalang kayo na in love na pala kayo. :) naks
*Actually, masweswerte ang lalaki dahil meron tayong liberty na pumili at ligawan ang babaeng tingin natin eh mahal natin o swak sa panlasa natin. Kaya pumili ng maayos, magmahalan kayo at maging tapat sa isa't-isa. Siguradong magiging masaya ka for the rest of your life kasama ang babaeng pangarap mo.

Saturday, 19 May 2012
Anything Under Ng Araw
Bukod sa mga Math quiz bee, Spelling bee, EPP, Hekasi, damath, Tulong dunong, mga workshops, na nasalihan ko mula Prep hanggang grade 6, may isa pa kong hindi malilimutang nasalihan nong bata pa ako. Ito ay ang. *drum rolls*.
Grade Five ako noong mapasali sa Journalism team ng eskwelahan namin. Hindi ko alam ang trip ni mam bakit nya ko napili. Basta ang alam ko, bago ang nangyaring selection ng participants na ilalaban sa Journalism Contest eh mga isa't kalahating buwan siguro kaming pinapasulat ng kung anu-ano. Mula sa maiikling kwento hanggang sa mga tula. Bandang huli, pito kaming napili para mag-represent ng eskwelahan namin. Hindi ko din naman alam kung anong meron nun. Susulat lang daw kami at magkakaroon ng maraming maraming free time at free foods. Doon ako naengganyong sumali talaga. Madaming categories ang sinubukan naming tirahin. Creative Writing (Filipino and English), News writing(Filipino and English), Sports writing(Filipino and English) atsaka Photo Journalism. Titingnan ni teacher kung san ka pinakamagaling o pinakabagay sa tingin nya at dun ka nya ilalagay bago kami isalang sa ibang planeta. Para umikli ng konti ang kwento ko sasabihin ko nang napunta ako sa News Writing english category. Pero hindi dahil magaling ako sa english o sa mga ganyang klaseng panulat (obvious ba?) kundi magaling lang akong manguha ng balita (noon), magrephrase tapos isulat uli. Instant work. Copy-Paste mode lang. Okay na ang mga participants. Nagbibigay na si mam ng mga pointers. Mga do's and dont's habang ngumunguya kami ng nilagang saging at umiinom ng malamig na Jolly juice. Nagsimula ang "training" at natapos ng tatlong linggo. *Ting* Ting* LABAN!!
Ganito ang buod ng pangyayari:
Nakalimutan ko na kung anong eksaktong naging structure nung competition pero dalawang beses akong nakatsamba. Isang 6th placer(Round 1) tapos isang 4th placer(Round 2). Bawat isang round, sampu ang pinipili. Yung pangatlo, ayun laglag. Biruin mo yung swerte? Iba rin kung tumama eh.
Hindi ko rin naman inaasahan kasi talagang mas trip ko yung creative writing. Bago yung 1st round nagkaroon pa ng parang qualifier. Entitled lahat ng contestants na magparticipate sa kahit anong category nilang matripan. Gumawa ka lang at magpasa. Kapag nagustuhan nila ang gawa mo makakapasok ka sa Round 1(without the round girls). Dun ko Pinaghusay talaga. Capital pa ung letter "P" dyan. Wapakels nga ko sa tunay na category ko eh. Ang kaso, nung nasa competition for creative writing na kami, ang bilin nung judge, "Write anything under the sun". Pucha, kahit alam ko kung anong ibig sabihin ng "anything under the sun" na yan, nagulantang padin ako. Masyadong malawak yun. Parang Karagatan ng Pacific. Wala talaga kong maisip na isusulat non. Parang tinangay din ng alon yung utak ko. Dapat makatapos na kami sa loob ng dalawang oras pero parang isang oras mahigit ata akong nag-isip ng magandang topic pero walang nag-hello sakin. Habang yung ibang contestants puspusan yung pagsusulat at pagrerevise na ng final works, ako magsisimula palang.
Natapos din ang dalawang oras na delubyo at sa awa ng Diyos eh may nasubmit akong gawa. Nagpasa ako kahit alam ko na kung anong resulta nung akin. Isang malaking "SCRATCH PAPER". Sayang. Sa sobrang desperado kong makatapos ng obra, naging TAE yung gawa ko. Sabagay, yung topic kasi na naisulat ko tungkol sa Septic Tank. Siguro nabahuan sila. Dapat pala nag kwento nalang ako ng tungkol sa sarili ko o mga bubuyog o kaya yung crush ko dati o mga taong malalakas humilik. Nanalo bilang 1st place yung kaklase kong babae at ang kwento nya tungkol sa mga aswang. Tapos sumali uli ako sa dalawa pang category ( News Writing ) na kung tutuusin eh parehas lang, kasi yung isa sa Filipino tapos yung isa sa English.
Pagkatapos ng mahigit sampung taon, nagpilit ulit akong magsulat. Gumawa ng blog tungkol sa mga iba't-ibang bagay sa mundo at mga kwentong alang wenta.
Binabasa mo na ngayon ang scratch paper ko.
Alam mo na ang dahilan kung bakit ang mga nababasa mo ngayon ay dirty?
Kasi lahat ng bagay sa mundo ay nasa ilalim ng araw.

Thursday, 17 May 2012
D.I.E.T.
Picture hiram dito : |
Isa to sa mga naaalala ko tuwing nakakarinig ako ng salitang DIET.
D.I.E.T.
And I quote:
"Wala din akong napala sa pag didiet eh. Nagutom lang ako."
--Barkada kong nagsubok-subok magdiet
Yan ang sinabi niya pagkaraan ang isang linggong pagdidiet. :)
Kung ganyan ba naman ang pyestang pupuntahan mo, ewan ko nalang kung saang bulsa mo itatago ang salitang diet.
Happy Eating
Tuesday, 15 May 2012
Lets Pause and Reply for a while
Hindi ko maalala kung saan ko to unang nabasa kaya hinanap ko ulet. Madali lang naman palang makita eh. Here it goes;
Natawa ako dito. Pero may halong katotohanan yan. Mga 80% true. Ang isang gamer (lalo na at hardcore gamer) ay hindi mo basta basta mapapatayo o mapapatigil habang naglalaro. Pwera nalang para umihi, umebak at matulog. Ibig sabihin hindi kasama dyan ang pagkain, pagligo, pag online sa facebook, pag wowork-out, pagchacharge ng cellphone, pagchachat at higit sa lahat ang pagtetext. Kung tinext ka nya ibig sabihin, mahalaga ka talaga sa kanya. Isang matinding palatandaan na gusto nyang mag level-up din sa puso mo. Naks. Kilig much.
[Pause and Reply]
Larawan galing dito: |

Reel Time : Alitaptap sa Dagat (POV)
Dalawang linggo na siguro ang nakakalipas, napuyat ako sa kakapanood ng isang TV episode ng Reel Time, titled, Alitaptap sa dagat. Isang documentary film tungkol sa dalawang hindi pangkaraniwang bata, ang pang araw-araw nilang buhay at ang pangingilaw. Hindi ako karaniwang nanonood ng mga palabas sa TV lalo na at malalim na ang gabi kasi ayokong napupuyat. Pero napukaw ng documentary na to ang atensyon ko at hindi ko namalayan na tumakbo na ang oras at engrossed na ko sa pinapanood ko.
Pangingilaw: Ito ay ang paraan ng panghuhuli ng mga lamang dagat tulad ng alimasag at pusit sa pagsapit ng madaling-araw habang low-tide gamit ang maliliit na ilaw at pana.
Very touching yung istorya nung dalawang bata. Nakakamangha kung pano sila sumagot sa mga tanong. Lalo na yung lalaki (Teban). Siguro dala nadin ng maagang pagkamulat sa kahirapan, mature na mature na silang mag-isip. Hindi mo aakalaing labing-isang taong gulang lang yung nagsasalita. Napahanga ako sa mga sagot ni Teban tulad nung tinanong sya kung hindi ba daw sya natatakot sa dilim. Ang sinagot nya eh parang ganito; " Hindi po. Kasi mas natatakot po akong magutom yung pamilya ko, pag hindi po ako nagtrabaho wala po kaming kakainin". Kahit ako natatakot sa gabi. Biruin mo alas dose nagsisimula ang trabaho nila ng tatay nya. Habang yung ibang tao ay tulog, nagpapahinga, tumotoma, at nagpaparty, yung magtatay eh nakikipaglaban sa lamig ng gabi at nagbabanat ng buto. Ang buhay ng magtatay na to ay klasik example ng isang kahig isang tuka at kung paano ang buhay ay sadyang mahirap.
Apat na magkakapatid na puro lalaki tapos si nanay at si tatay. Sa murang edad nung bata nagtatrabaho na sya ng sagad sa kaya ng katawan niya. Eskwela-bahay-trabaho ang karaniwang routine ni Teban. Paminsan minsang nakakapaglaro sa mga kaedarang mga bata. Sa madaling araw, nangingilaw, sa umaga nag lalako ng mga panindang nahuli sa dagat at sa hapon, namumulot ng plastic at boteng nakakakalat sa may dagat para pandagdag kita. Tinanong nila si Teban kung bakit hindi sila sa may kalsada namumulot ng plastic at bote samantalang mas maraming mapupulot dun, pero ayaw daw nila kasi sasabihan daw silang pulubi. Nalungkot naman ako dun. Ang kikitain nilang mag-ama maghapon ay ipangbibili nila ng bigas. Sa halagang 60 pesos, mabubuhay sila ng isa na namang araw. Ganito ang buhay ng pamilya nya, paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit.... Repeat till fade* Gigising sila para kumain, magtrabaho para magkaron sila ng perang pambili ng pagkain, para makapagtrabaho ulit bukas at para makabili ng pagkain. Nakakalungkot na katotohanan.
Naawa ako sa kalagayan nya pero wala pa kong magagawa. At least sa ngayon. Sa ganoong edad dapat nag-aaral lang sya at nag-eenjoy ng buhay bilang bata. Kahirapan ang nagtulak sa kanyang mamuhay ng hindi normal na tulad ng ibang mga bata. Hindi ko lang alam kung hanggang kelan sila magiging lubog sa hirap at kung paano nila iaahon ang kanilang pamilya sa hirap. Malaking bagay na nai-feature sila sa TV. Malaking bagay yun kasi alam kong maraming may mabubuting puso padin na handang tumulong sa kanila para maka-ahon sila kahit papano sa kahirapan.
Pagkatapos kong mapanood yun, nag-iba na namang bahagya ang pananaw ko sa buhay. Naisip kong isa ko sa pinakamasweswerteng nilalang sa mundo dahil hindi ako dumanas ng ganong hirap. Namulat ako sa isang katotohanan ng buhay na hindi ko nakikita dahil busy ako sa mundong ginagalawan ko. Nabuhay akong walang masyadong pakialam sa paligid ko. Natutunan kong magpasalamat sa Diyos sa lahat ng tinatamasa kong biyaya galing sa Kanya. Mula sa maliit hanggang sa malaki. I learn to appreciate life a little more. Maswerte ako. Maswerte tayo. Sana malaman ng marami sa tin kung gano tayo kaswerte sa buhay at kung pano natin maibabahagi ang tinatamasa nating ginhawa sa iba.
Blessed are those who share their blessings to others.

Thursday, 10 May 2012
INSOMNIAC
Nitong mga nakaraang buwan dumaan ako sa malaking pagsubok sa buhay ko. Buhay pag-ibig to be specific. In short, gumulo ang buhay ko. Disturbed ang pagtulog ko at palaging nahihirapan akong matulog. Kapag nahiga ako, aabutin pa ng mahigit dalawang oras hanggang tatlong oras bago ko dalawin ni Herpin, ang Greek God of Sleepiness na syempre pauso ko lang hehehehe. Yung buong dalawa hanggang tatlong oras na yun, kung anu-ano lang ang papasok sa utak ko. Dadalawin ng mga ala-alang masasaya, mapakla, nakakatuwa, nakakabadtrip at nakaka utot. Kaya kesa matulog agad, pinapagod ko nalang ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Pagkatapos nun, mamomorblema na naman ako kasi hindi padin ako makakatulog nyan.Hay, ansarap mag las-las.
Sabi ni pareng Wikipedia, ang Insomnia daw ay "difficulties initiating and/or maintaining sleep, or nonrestorative sleep, associated with impairements of daytime functioning or marked distress for more than 1 month. Insomnia can occur at any stage, but it is particularly common in the elderly." --- en.wikipedia.org
Pag sobra na pala ng isang buwan ako hirap mo sa pagtulog, paputol-putol pa, senyales na pala 'to ng insomnia. Ayon din sa kumpare ko, madalas daw itong senyales na mayroon kang psychiatric disorder hatid ng depression o kaya naman ay side-effect ng iniinom mong gamot. Depressed ako ngayon. Tapos stressed pa. Kaya siguro nagka-insomnia ako. Ayaw akong dalawin ni Herpin. Pero ayaw ko din naman uminom ng sleeping pills. Pakiramdam ko naman medyo mild pa naman tong sakin at hindi maitutulad kay Michael Jackson na mayroon atang acute insomnia kaya tumungga ng maraming sleeping pills at na-deds. *RIP M.J.*
Isa pa sa medications na pwedeng subukan bukod sa sleeping pills ay ang hypnosis na hindi nirerekomenda ng pang matagalang treatment dahil nagkakaroon daw ng rebound withrawal effect na hindi ko alam ang ibig sabihin. Ipapa hypnotize ka ke Alakazam tapos titirahin ka ng psybeam. Ewan ko. Mwehehehe.
Ok lang naman. Sana lang matapos na tong insomnia insomniang to kasi sumasakit na palagi ang mata ko eh.
And I quote the famous line -- "okay lang walang tulog kesa sa walang gising" (Anonymous)
Happy Sleeping!

larawan hiram dito: http://topmy.com/2012/03/06/sleep-tight-kitty/ |
Monday, 7 May 2012
"BOOMMMM!!!"
Na-aamuse talaga ako sa mga magulang na sobrang matyaga sa pagsagot sa mga tanong ng makukulit na anak. Yung tipong kahit kung anu-anong kawirdohan na yung naiisip itanong ng anak niya eh sige parin ng sige sa pagsagot ng tanong. Kaya pati pagsagot kung bakit madaming kulay ang rainbow, anong nangyayari sa balloons pag lumilipad, bakit masama ang maglaro habang kumain at maraming marami pang iba ay hahanapan nila ng pinaka tumpak o kung hindi man ay pinaka logical na explanation.
Sabi nila sa mga edad na lima hanggang siyam na taon ng bata makikitaan ng signs ang bata kung sya ay lalaking matalino o average o below average o madiskarte. Isa sa mga signs ay ang pagiging palatanong at matinding konsentrasyon sa ginagawang mga bagay. Maaaring sa edad na ito nagpapakita na ang bata ng pagkahilig sa ilang mga bagay tulad ng pagpipinta, pagtugtog ng mga musical instruments, pagbabasketball at pagfafacebook. Ang pinaka gasgas na palatandaan para malaman kung ang bata ay lalaking matalino eh kung madaming tanong ang bata sa kung anu-anong bagay sa mundo. Palatanong ika nga. Hindi ko alam kung dapat bang maniwala dyan. May scientific explanation na kaya yan? Kasi kung totoo yan, nakaka-awa naman yung nanay nung batang nakasakay ko sa fx habang papauwi galing trabaho.
Ang senaryo: Nasa likod ako ng fx nakaupo kasama pa ang tatlong di kilalang pasahero. Kaharap ang mag-ina habang katabi ay isang dalaga. Mga late 20's si mommy at tantya kong 7 years old si cutie. Kumakain ang bata ng Mcdo choco sundae habang lumalaklak ng coke float. Naka headset na ko habang nakikinig sa music pero maririnig mo padin si cutie sa kakatanong sa kanyang mommy. Malikot na bata talaga. Grabeng hyper yung batang babae eh. Di matigil sa kakakilos at sa kakatanong. Mga walang kabuluhang tanong na sinasagot naman ng nanay niya ng pinakamatitinong sagot tulad ng bakit may rainbow, ano ang sasakyan papuntang amerika, ilang araw pa bago sya mag-birthday, bakit lumalambot ang ice cream at naaapppaaakkkaaarrraaammmmmiiiii pang ibang tanong nya na di ko na maalala sa dami. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang pag-uusap ng mag-ina. Cute silang tingnan. Si baby, bibo at malikot. Madungis sa pagkain niya ng choco sundae na ginagamitan ng kamay sabay pahid sa dila. Imbang bata. Pero ang pinaka di ko malilimutan sa mga nangyari? Ang susunod na eksena;
BABALA: Ang mga susunod na eksena ay di angkop sa mga batang manunuod, patnubay at gabay ng magulang ay kailangan..
Bata: ( Habang marami nang amos sa mukha, magtatanong ke mommy ) Mommy di'ba dati nakulong si daddy?
Mom: ( Napakunot ang noo sabay punas sa bibig ni baby ) Hindi anak. Hindi nakulong si daddy.
B: Hindi, nakulong daw sya eh! (Sipsip sa coke)
M: Hay naku anak, bakit naman makukulong si daddy mo? Sino bang nagkwento sa'yo nyan?
B: Si lola! (Napa-isip tuloy ako, siguro may hidwaan ang magbyenan kaya ganon sinabi nya sa apo nya)
M: Ay naman, wag kang magpaniwala sa sinabi ni lola ha?
B: Yun sabi nya kasi! oh, bakit kasi may tattoo si daddy? (Nginangatnat ang straw)
M: Eh pangalan nating dalawa naman ang nakalagay ah.
B: Maski na! (Tingin sa gilid, inisnab si mommy, sabay simangot)
M: Oo na nga. Nakulong na si daddy mo. Nakulong sya dito sa puso ko? ( Turo sa Puso, sabay kindat ke baby )
B: (Natigilan muna si baby bago humagikhik at sabay takip sa bibig, pilit pinipigilan ang tawa. Tatawa ng malakas na akala mo kinikiliti sya! Mga 3mins cguro bago sya naka get-over)
WOOWWW!!!
Epic si Mommy! hahahaha Grabe, kahit di sya mag "BOOM" matatawa ka talaga. Lumang pick-up line pero matatawa ka padin kasi narinig mo sa 'di inaasahang tao, sa di inaasahang oras at sa di inaasahang lugar. Hindi na namin napigilang tumawa sa loob ng fx nung sinabi niya yun. Ang kwela ng senaryo, tapos talagang bigay-todo pa si mommy. Di ko alam kung naiihi si baby o kinikilig eh. :) Napalingon samin ang mga pasahero sa gitna tapos lahat nakangiti. Ibang feeling na pagtapos no'n. Parang nag-iba 'yung atmosphere. Gumaan. Hanggang sa bumaba yung mag-ina, nakangiti parin ako, si baby tumigil na sa kakatawa at kakatanong. Kumanta nalang sya ng mga kiddie songs. Si mommy, nakapagpahinga na ke kulit.
Pagbaba ng dalawa, inalalayan ko si baby at sabay thumbs-up ke mommy na parang nagsasabing "GREAT JOB!". Simpleng experience pero rock! <3
SALUDO ako ke mommy..

larawan, hiram mula dito : (http://www.wassocks.com/blog/fpp/domsalute.jpg)
Subscribe to:
Posts (Atom)