Sabi nila sa mga edad na lima hanggang siyam na taon ng bata makikitaan ng signs ang bata kung sya ay lalaking matalino o average o below average o madiskarte. Isa sa mga signs ay ang pagiging palatanong at matinding konsentrasyon sa ginagawang mga bagay. Maaaring sa edad na ito nagpapakita na ang bata ng pagkahilig sa ilang mga bagay tulad ng pagpipinta, pagtugtog ng mga musical instruments, pagbabasketball at pagfafacebook. Ang pinaka gasgas na palatandaan para malaman kung ang bata ay lalaking matalino eh kung madaming tanong ang bata sa kung anu-anong bagay sa mundo. Palatanong ika nga. Hindi ko alam kung dapat bang maniwala dyan. May scientific explanation na kaya yan? Kasi kung totoo yan, nakaka-awa naman yung nanay nung batang nakasakay ko sa fx habang papauwi galing trabaho.
Ang senaryo: Nasa likod ako ng fx nakaupo kasama pa ang tatlong di kilalang pasahero. Kaharap ang mag-ina habang katabi ay isang dalaga. Mga late 20's si mommy at tantya kong 7 years old si cutie. Kumakain ang bata ng Mcdo choco sundae habang lumalaklak ng coke float. Naka headset na ko habang nakikinig sa music pero maririnig mo padin si cutie sa kakatanong sa kanyang mommy. Malikot na bata talaga. Grabeng hyper yung batang babae eh. Di matigil sa kakakilos at sa kakatanong. Mga walang kabuluhang tanong na sinasagot naman ng nanay niya ng pinakamatitinong sagot tulad ng bakit may rainbow, ano ang sasakyan papuntang amerika, ilang araw pa bago sya mag-birthday, bakit lumalambot ang ice cream at naaapppaaakkkaaarrraaammmmmiiiii pang ibang tanong nya na di ko na maalala sa dami. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang pag-uusap ng mag-ina. Cute silang tingnan. Si baby, bibo at malikot. Madungis sa pagkain niya ng choco sundae na ginagamitan ng kamay sabay pahid sa dila. Imbang bata. Pero ang pinaka di ko malilimutan sa mga nangyari? Ang susunod na eksena;
BABALA: Ang mga susunod na eksena ay di angkop sa mga batang manunuod, patnubay at gabay ng magulang ay kailangan..
Bata: ( Habang marami nang amos sa mukha, magtatanong ke mommy ) Mommy di'ba dati nakulong si daddy?
Mom: ( Napakunot ang noo sabay punas sa bibig ni baby ) Hindi anak. Hindi nakulong si daddy.
B: Hindi, nakulong daw sya eh! (Sipsip sa coke)
M: Hay naku anak, bakit naman makukulong si daddy mo? Sino bang nagkwento sa'yo nyan?
B: Si lola! (Napa-isip tuloy ako, siguro may hidwaan ang magbyenan kaya ganon sinabi nya sa apo nya)
M: Ay naman, wag kang magpaniwala sa sinabi ni lola ha?
B: Yun sabi nya kasi! oh, bakit kasi may tattoo si daddy? (Nginangatnat ang straw)
M: Eh pangalan nating dalawa naman ang nakalagay ah.
B: Maski na! (Tingin sa gilid, inisnab si mommy, sabay simangot)
M: Oo na nga. Nakulong na si daddy mo. Nakulong sya dito sa puso ko? ( Turo sa Puso, sabay kindat ke baby )
B: (Natigilan muna si baby bago humagikhik at sabay takip sa bibig, pilit pinipigilan ang tawa. Tatawa ng malakas na akala mo kinikiliti sya! Mga 3mins cguro bago sya naka get-over)
WOOWWW!!!
Epic si Mommy! hahahaha Grabe, kahit di sya mag "BOOM" matatawa ka talaga. Lumang pick-up line pero matatawa ka padin kasi narinig mo sa 'di inaasahang tao, sa di inaasahang oras at sa di inaasahang lugar. Hindi na namin napigilang tumawa sa loob ng fx nung sinabi niya yun. Ang kwela ng senaryo, tapos talagang bigay-todo pa si mommy. Di ko alam kung naiihi si baby o kinikilig eh. :) Napalingon samin ang mga pasahero sa gitna tapos lahat nakangiti. Ibang feeling na pagtapos no'n. Parang nag-iba 'yung atmosphere. Gumaan. Hanggang sa bumaba yung mag-ina, nakangiti parin ako, si baby tumigil na sa kakatawa at kakatanong. Kumanta nalang sya ng mga kiddie songs. Si mommy, nakapagpahinga na ke kulit.
Pagbaba ng dalawa, inalalayan ko si baby at sabay thumbs-up ke mommy na parang nagsasabing "GREAT JOB!". Simpleng experience pero rock! <3
SALUDO ako ke mommy..
larawan, hiram mula dito : (http://www.wassocks.com/blog/fpp/domsalute.jpg)
swak ang description mo...simple pero rock!
ReplyDeletehihihihi madaming salamat pink line :D
ReplyDelete