Sabi ni pareng Wikipedia, ang Insomnia daw ay "difficulties initiating and/or maintaining sleep, or nonrestorative sleep, associated with impairements of daytime functioning or marked distress for more than 1 month. Insomnia can occur at any stage, but it is particularly common in the elderly." --- en.wikipedia.org
Pag sobra na pala ng isang buwan ako hirap mo sa pagtulog, paputol-putol pa, senyales na pala 'to ng insomnia. Ayon din sa kumpare ko, madalas daw itong senyales na mayroon kang psychiatric disorder hatid ng depression o kaya naman ay side-effect ng iniinom mong gamot. Depressed ako ngayon. Tapos stressed pa. Kaya siguro nagka-insomnia ako. Ayaw akong dalawin ni Herpin. Pero ayaw ko din naman uminom ng sleeping pills. Pakiramdam ko naman medyo mild pa naman tong sakin at hindi maitutulad kay Michael Jackson na mayroon atang acute insomnia kaya tumungga ng maraming sleeping pills at na-deds. *RIP M.J.*
Isa pa sa medications na pwedeng subukan bukod sa sleeping pills ay ang hypnosis na hindi nirerekomenda ng pang matagalang treatment dahil nagkakaroon daw ng rebound withrawal effect na hindi ko alam ang ibig sabihin. Ipapa hypnotize ka ke Alakazam tapos titirahin ka ng psybeam. Ewan ko. Mwehehehe.
Ok lang naman. Sana lang matapos na tong insomnia insomniang to kasi sumasakit na palagi ang mata ko eh.
And I quote the famous line -- "okay lang walang tulog kesa sa walang gising" (Anonymous)
Happy Sleeping!
larawan hiram dito: http://topmy.com/2012/03/06/sleep-tight-kitty/ |
haha ako din nakaranas na ng insomnia..pro hindi dahil sa love..dahil sa multo haha xD
ReplyDeletemulto? hahaha. bakit? may dumadalaw sayo? katakooot naman yan. :)
ReplyDeletemadalas kong maranasan to..yung tipong 6am na gising pa din ako..hindi ata insomnia yung saken..adik na ata tawag dun lols!
ReplyDeletehala! 6am gising ka pa? hahahaha kamusta naman sa eyebags mo? hindi ko alam kung nahihirapan ka matulog o ayaw mo lang talaga. LOLS
ReplyDeletenahihirapan akong matulog kakaisip kung bakit wala pa kong lovelife charot! adik kasi ako sa kape eh..umiinom ako ng kape ng 12mn.. ayun di na ko nakakatulog..
Deletearujusko. hahahaha. eh kaya naman pala di ka makatulog ehh. subukan mong mag bearbrand. para sa matatag na pamilyang pilipino. :D
ReplyDelete