Search for Me

Friday, 15 June 2012

Dis-Appointment and/or Frustrations

Lahat naman nang tao may kanya-kanyang disappointments or frustrations sa buhay n'ya. Yung ibang tao, nadidisapoint sa mga bagay tulad ng hindi natuloy na pangarap, nabuntis ng maaga, nawasak na relasyon, pangit na hilatsa ng muka at mga chicks na hindi naligawan dahil sa katorpe-han.

Meron akong mental list ng mga kapalpakan ko sa buhay na nagdulot ng disappointment sa'kin. Yung mga exam na naibagsak dahil sa kakulangan ng paghahanda o kaya katamaran. Mga kalokohang na nagbunga ng mas nakakalokong epekto sa buhay ko. Namintis na mga oportunidad, maling mga desisyon sa buhay, at mga hindi naituloy na plano.

Kakaunti sa mga yan ang pinagsisihan ko. Nanghinayang, OO, pero nagsisi, HINDI. Hindi ako nagsisisi sa mga bagay na nagawa ko kasi para sakin, lahat ng mga nangyari sa buhay ay recipe ng kung pano ako naging ganito. May tamis, anghang, asim, alat, pakla, lapot at linamlam. Parang binudburan ng Maggi Magic sarap. Parang gusto ko palagi mabubuhay ako at mamamatay ng walang pinagsisisihang kahit ano. Yun ang gusto ko pero hindi naman nangyayari talaga. Kaya may panghihinayang parin kahit papano pero deretso lang ang daloy ng buhay. Normal lang naman yun. Ang ayoko lang e yung mabuhay sa panghihinayang.

Major disappointment ko yung hindi ako nakapasa sa UP diliman. Mataas ang tingin ko sa eskwelahang yan pero sa kasamaang palad, hindi ako nakapag-aral ng maayos at nagkasakit ako habang nag-eexam na naging dahilan ng mababang grado at pagka disapprove sa UPD. Dissapointed ako sa sarili ko kasi di ko magawang mas madalas na makapag drawing o makapagsulat. Dinadalaw akong madalas ng katamaran. Napapabayaan ang mga bagay na dapat pinapraktis ng husto para hindi kalawangin. Yung ngang hindi ko pag-graduate on time dahil sa bullshit na pangyayari sa buhay ko, hindi ko din pinagsisihan eh. Yun nga lang, iniyakan ko. Nagkaroon ako ng sirang relasyong pilit kong inayos pero hindi naremedyuhan. Umiyak din ako at nanghinayang. Disappointed ako sa naging performance ko sa board exam ko dati. Nagkasakit na naman ako at hindi naging maganda ang kundisyon ko habang nag eexam. Dalawang araw ang exam pero dalawang araw din akong nakikipaglaban sa sakit ko. Inatake ako ng sakit. Siningil ako ng katawan ko sa mga pagpapabaya at pang aabuso ko sa kanya. Gumugusto ng major overhaul ang katawan ko pero ayaw kong pagbigyan eh. May kamahalan ang mga pyesa. Kahit naging ayos ang resulta, nadisappoint padin ako sa nagawa ko dahil alam kong hindi iyon ang the "BEST" ko. Nagpapakopya akoat nangongopya mula elementary hanggang college at ilang beses na kong nahuli't naparusahan. Di naman ako nagsisi. Ansaya nga eh.. Kasama sa thrill ng pagiging estudyante.

Iyan lang ang medyo natatandaan ko dahil binabaon ko agad sa limot ang lahat. Ang marami kasi eh yung mga naubos na oras sa paggawa ng mga kalokohan na imbes sana eh ginawa ko ng mas kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pagbabasa, pagsusulat, pagdodrawing, O pagtulog. Kaya lang, wala na namang akong magagawa sa mga bagay na natapos na kaya hinahayaan ko nalang. Pinapagaan ko nalang ang loob ko sa pagsasabing kaya hindi binigay sakin yan kasi hindi para sakin. (Kahit ang totoo, labag to sa paniniwala ko)


Kahit hindi ako yung klase ng taong tumitingin sa nakaraan para magsisi sa mga maling desisyon sa buhay, minsan naiisip ko parin na "Ano kayang nangyari kung ganito yung ginawa ko dati?". Alam mo yun, na-aamazed akong malaman kung ano kayang mangyayari sakin kung sakaling iba yung ginawa kong desisyon sa buhay ko. Tipong mga alternative timeline. Dahil sa pagkakalulong ko sa mga RPG games sa Playstation, naging curious ako sa mga temang may kinalaman sa alternate world o kaya eh time travel. Angaling kasi eh. Mapapatanong ako sa sarili ko kung ano kayang ginagawa ko sa mga ganitong oras. Ano kayang naging future mo kung hindi ka nabuntis ng maaga? Kung hindi ka nakinig sa barkada mong magtake ng Law? Kung lumiko ka pala sa kanto nang EspaƱa imbes sa Morayta? Kung hindi mo pina-share si miss maganda ng upuan sa canteen? O kung hindi ka nahuling nangongopya ni Mam sa Trigonometry subject nyo? O kaya kung hindi ka namatay noong 12 years old ka? Ano nga kaya? Wala nang nakaka-alam at wala nang makaka-alam kung anong mangyayari.

Maraming naituturong bagay-bagay sa'tin ang mga disappointment na to. Palagay ko, isa 'to sa mga makapangyarihang pwersa na naghuhulma sa katauhan o personalidad ng isang tao. Gustuhin man n'ya o hindi, magbabago ka nang dahil d'yan. Hindi mo mapapansin. Maaaring hindi mo kayanin ang frustration mo at magpatiwakal ka nalang gamit ang bread slicer o kaya naman eh magsilbing inspirasyon sa'yo ang mga 'to para mas maging matatag at mabuting tao. Lalaki kang may laban sa buhay. Parang Bonakid lang. Marami kasi sa mga tao ang dinidibdib masyado yung mga naging failure nila sa buhay. Imbes na maging aral yung mga pagkadapa nila para mas maging matatag sila, nagiging pabigat pa lalo sa kalooban nila dahil hindi sila makapag "move-on". Sa tingin ko naman konti lang ang susi para maka-usad ka sa mga disappointment mo sa buhay. Una, tanggapin mong nagkamali ka at matuto sa naging pagkakamali mo dahil hindi lahat ng bagay ay makukuha mo. Mas marami kang matututunan sa pagkakamali at pagkatalo kesa palagi kang winner. Pangalawa, mabuhay ka at enjoyin ang bawat ginagawa mo, araw-araw, gabi-gabi, minu-minuto at segu-segundo. Sa pamamagitan nito, hindi ka magsisisi sa buhay kahit gaano pa kagago yung pinag gagawa mo. Okay lang lumingon pero wag parating nakalingon. Bukod sa magkaka stiff neck ka, hindi ka uusad talaga. Nakakita ka na ba ng drayber ng jeep na nagpapatakbo ng sasakyan nya pero panay ang sulyap sa likod para magsukli? Diba ang bagal? Ganyan din ang buhay na makukuha mo. Di mo lang napapansin kasi masyado kang focus sa nakaraan at hindi sa kasalukuyan o hinaharap. Lumingon paminsan-minsan para tingnan kung ano dati ang buhay mo at matuto mula dito. 

Pangatlo at higit sa lahat, magpasalamat sa Diyos sa bawat araw na inireregalo nya sa'yo, kaya nga ang tawag sa kasalukuyan ay PRESENT diba? Make the most of it. Everything else will follow.

Minsan lang kasi, masarap pa ding mag review. :)


http://3.bp.blogspot.com/-A5r3WEZ9ITo/Tm7UbwW4EmI/AAAAAAAAAj0/VVF3v8hE5KA/s400/time+machine.jpg


Basha: I wanna stop wondering, what if.. I want to know what is.. 
ONE MORE CHANCE


No comments:

Post a Comment