Sa pagbababad ko sa Wikipedia website at kwentuhan ng barkada habang nag iinuman, na-curious ako sa topic na Quarter-Life Crisis. At dahil sa wala naman akong mai-post na matino dito sa blogsite ko, ito ang pinakelaman ko muna. Makatulong sana sa mga kabataang naliligaw ng landas at mas gustong suminghot ng rugby, magdrugs, mag inom, magtetext nalang o kaya eh magpakamatay. Sa panahong maraming nakahaing oportunidad at pintong nabubuksan na nangangako ng maliwanag na bukas ng isang tao, dadalawin ka ng isang di pangkaraniwang kaaway. Kaaway na kailangan mong harapin at talunin.
Isa sa mga mahirap na pagdadaanan ng mga young adults papunta nila ng adulthood. Karaniwang mararanasan daw ito sa edad 20-30. Sa ganyang age bracket mo sya daw yan mararamdam. So, pinapalagay na hanggang 80-120 years old ka mabubuhay. Kaya kung nakaramdam ka ng krisis sa buhay mo ng mga 15 years palang, nako delikado kang bata ka. 15*4 = 60 years. 60 years ka lang mabubuhay brod. Saklap! Panahon daw ito na hindi mo maiintindihan ang sarili mo at ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Period of uncertainty, anxiety at inner problems. English kaya medyo dinugo ako. Sa panahong ito normal lang na hindi ka makapamili ng cool na cover photo na ilalagay sa timeline, ringtone na gagamitin sa cellphone, kukuning trabaho, tatambayang club, kulay ng buhok, kulay ng nail polish, palaman sa tinapay at kung anong trip ba talaga ang gagawin mo sa buhay mo. Nakakalungkot na dito sa age bracket na to (statistically) maraming nagpapakamatay. 'Di lang dito sa Pilipinas yan kundi sa buong mundo.
Ayon sa isang article na nabasa ko, ang graduation sa college daw ang isa sa pinaka malaking senyales na magsisimula na ang iyong quarter-life crisis. Magkakaroon ka ng transition from early adult to adult stage. Kumbaga sa Pokemon, mag-eevolve ka na. From Pikachu to Raichu. Tapos ka ng mag-aral pero hindi mo na naman alam kung anong susunod na gagawin o kung saan ang susunod na landas na dadaanan mo. Overwhelming feeling na graduate ka na sa wakas, tapos ka nang magpakapuyat sa exam, manligaw ng professor at magkakatrabaho ka na pero parang alangan ka, kasi binabagabag ka ng utak mo kung kaya mo na ba talaga. Nawala ka na sa "comfort zone" ng College life at mga kaibigang unti-unting umaalis sa buhay mo habang tinatahak ang buhay nilang hindi ka kasama. Nag-aalala ka kasi yung mga ka-batchmate mong mas matalino ka pa, may nakuhang trabaho sa loob ng dalawang linggo pero ikaw dalawang buwan ng nag aaply pero puro "Thank you. We'll call you after 10 years" ang sinasabi. Isa kang graduate na tambay! Hahays, ansarap ng buhay no?? Nakakuha ka ng trabaho pero bukod sa mababang sahod at benepisyo, hindi mo rin naman gusto. Pero sa hirap humanap ng trabaho, magtitiis ka nalang sa trabahong hindi naman talaga linya ng tinapos mo. Samantalang yung iba, bakit ganon, maganda ang trabaho, maganda ang sweldo, maganda ang chicks, nagagamit ang pinag-aralan at walang pasok tuwing sabado? Feeling mo pinagkakaitan ka. Feeling mo walang tama sa ginawa mo. Feeling mo ikaw ang pinaka-kawawa. Feeling mo pagod ka na. Feeling mo wala ng pupuntahan ang buhay mo. Sira-ulo ka kasi eh. Hilig mong mag-feeling. Wag kang matakot sa hinaharap. Nakaranas din ako ng ganyan kaya naiintindihan ko, tingnan mo naman, lumipas din. Hindi mo yan mapipigilan kasi bahagi yan ng pagtanda. Ako ang kumausap sa sarili ko noong panahong dinadalaw ako ng crisis na yan. Ang gulo-gulo ng isip ko no'n at talagang hindi makapag-decide sa kung anong gustong gawin sa buhay. Hindi ako nanghingi ng tulong sa ibang tao o nagkwento na may pinagdadaanan akong problema. Pero kung di mo kayang solohin, gusto kitang tulungan;
PAYO MULA SA NAGMAMARUNONG:
Dahil hindi mo mapipigilang tumanda, tanggapin mo lang. Huminto ka muna sandali at huminga ng malalim. Mag-isip. Magkuro-kuro. Magpahinga kung napapagod. Hindi naman karera ang buhay. Tandaan: Ang mga taong nagmamadali, sa ambulansya sumasabit. Huwag maging insecure. May kanya-kanyang oportunidad ang bawat tao kaya iwasan mong ma-insecure o mainggit sa mga kaibigan mo. Mas maganda kung magiging masaya para sa kanila at subukang mag plano ng long-term goal para naman hindi ka habang-buhay maging aliping sagigilid. Hangga't maari, ipractice ang natapos na kurso. Dahil iyan ang tinapos mo! Magtiis muna sa maliit na kikitain sa umpisa at wag magpabulag sa naglalakihang offers ng Call center companies. No offense sa kanila pero kung hindi mo talaga yun linya o di talaga gusto, wag mong pilitin ang sarili mo. Darating ka rin sa puntong lalaki ang sahod. Tamang diskarte lang at galingang magbenta ng beauty products o Brang makukulay mula sa AVON. May mga kaibigan kang aalis sa buhay mo, malilimutan ang utang sayo o kaya eh mangingibang bansa. May mga matitira at sasamahan ka sa paminsan minsang reunion/inuman/sentihan. Magpasalamat sa kanilang lahat. Wag masyadong alalahanin ang bukas na walang kasiguraduhan kasi, bubukas ang mga oportunidad sayo, maghintay lang. May kakilala akong tao, nagtiis sa trabahong mahal nya sa loob ng limang taon kahit mababa ang sahod. Natuto at nagsumikap. Sa edad nyang 26 (habang sinusulat ang entry na'to), sumusweldo na sya ng 30mil kada buwan. Habang NAG-EENJOY. Kumuha ng inspirasyon mula sa Diyos, pamilya, mga mahal sa buhay, bagong panganak na aso, boyfriend/girlfriend, ex, mga kaaway, mga kaibigan, o di kaya sa mga mga tsismosang kapit-bahay na nagsasabing hindi mo kaya. Isa sa pinaka-masarap na feeling eh yung papatunayan mo sa iba na kaya mo kahit sinasampal ka na nila sa mukha ng "Hindi mo yan KAYA". Easy ka lang sa buhay.
Sabi nga ni Ranchoddas Chanchad sa 3 Idiots
"Pursue Excellence, and success will follow you, pants down"
Kilala mo ang sarili mo, alam mo kung paano ba ang dapat gawin. Hindi sagot sa problema ang maagang pagbubungee-jumping ng walang rope o pakikipagpatintero sa naglalakihang bus sa EDSA. Pero kung sa tingin mo di mo na kaya pero walang nakikinig sayo at kelangan mong humingi ng tulong o payo mula sa ibang tao, I'm more than willing to help. Just comment lang. Susubukan kita tulungan sa abot ng aking makakaya.
Note: Wag mag-alala, konti lang akong kumain. :D
*Wag wakasan ang buhay. Dahil ang buhay ay makulay lalo na kapag may sinabawang gulay.
No comments:
Post a Comment