Dearest Love,
I Love You.
Ilang beses mong nadidinig sakin ang 3 words na yan sa isang araw. Tatlo hanggang sampu o mas madaming beses isang araw. Araw araw, sa loob ng limang taon at apat na buwan nating pagsasama. Sinasabi ko at pinapadama sayo kung gaano ka kahalaga sakin at kung gaano kita kamahal. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay na kaya kong gawin para sayo at para sa relasyon natin. Pero hindi pala sapat lahat ng bagay na yon para mag stick ka sakin. Unti unting nagsawa ka. Humingi ng space. Hindi ko akalain na ang maging astronaut pala ang pangarap mong maging paglaki mo. Things are not the same anymore. To be specific, you are not the same anymore. Wala ka nang oras para sakin. Ang sabi mo pa nga, nagsasawa ka na. Paulit-ulit ang ilang bagay sa buhay natin at relasyon. Iisang lakad, isang pinupuntahan. Akala ko dati hindi tayo darating dito sa ganitong punto ng relasyon. Akala ko kapag binigay ko ang lahat lahat ng kaya kong ibigay at ubusin, magiging ayos ang lahat. Akala ko walang makakagiba satin. Sa lahat ng pinag samahan natin. Mga okasyon ng bawat pamilya, galaan natin, mga pag aalaga sa isat isa, mga simpleng asaran, mga bagay na naituro natin sa isat isa. Natuto tayo, lumaki ng sabay. Tawanan, iyakan, lambingan, kulitan, galit, tampo, bati, lahat ng klase ng emosyon. Binalot nyan yung relasyon natin. Relasyong akala ko pang habang buhay. Biruin mo, ang dami nating pinag daanan, from thick through thin nasa tabi tayo ng isa't isa. Tipong till death do us part na. Bull shit, yun pala ako lang ang may akala nun. Nabuhay pala ko sa maling akala. Wala na yung dating lambing, spark, yung mga pangako na walang magbabago satin, na lahat sabay nating tatahakin, na walang bibitaw satin kahit gano kahirap ang nasa harap natin. Masakit sobra. Hindi ko kayang sabihin sayo nang personal kaya dito ko dinadaan sa sulat. Tingin ko maiiyak ako kung magkaharap tayo at sasabihin ko sayo to ng personal. Humihingi ako sayo ng pagkakataon na pag usapan ang mga bagay sa pagitan nating dalawa pero hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon. Sa tuwing lumalapit ako sayo at humihingi ng konting pansin mo, mas nasasaktan ako. Lumalayo ka lalo eh. Anong gagawin mo? Sa barkada ang tuloy mo. Kung papapiliin ka kung sabay kaming nagyaya ng kabarkada mo, alam kong tatanggihan mo ang yaya ko. Bakit? Dahil madaming beses mong ginawa sakin yan. Paulit ulit. At sa bawat ulit ng mga pangyayari, nagtatampo ako. Pero hindi ko magawang magalit sayo. Iniintindi kita. Kesyo busy ka sa trabaho, kailangan mong mag enjoy kasama ang mga kaibigan mo, stress, lahat ng bull shits na yan. Pilit kitang iniintindi. Pero hindi ko alam na darating ako sa puntong mapupuno na. Na magbuburst ako sa galit. Talagang sumuko na ko. Sorry. Hindi ko na kasi kaya talaga. Sa lahat ng pahirap mo sakin, mentally and emotionally. Drained na ako. Wala na akong ibang gustong gawin kundi ilabas lahat ng sama ng loob ko sayo. Sa lahat ng ginawa mong pambabalewala sakin, sa pagiging manhid at higit sa lahat yung panloloko mo.
Salamat ng marami sa mga ala-alang iniwan mo sakin. Bitter sweet memories. Nakakalungkot lang tsaka nakakapang hinayang pero ayaw ko ng masaktan pa. After 5 long years of being with you, I will now be walking the path of life on my own. I love you but I have to set you free. Para sa kapakanan nating dalawa. I'll get my life back and you can have yours, too. Nakakapanibago na gigising ako sa umagang wala ka na. Wala nang good night, kisses, text na malambing, mga simpleng ingat, o kumain ka na ba? Madami akong mami-miss. Ang hirap hirap. Hahanapin ko muna ang sarili ko at sana ganon din ang gawin mo. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa hinaharap pero sana maging maganda ang lahat para sa buhay mo, career at muling pag-ibig. Maraming salamat and sorry din sa mga pagkukulang ko. Sa susunod na magkita tayo, iba na ang scenario. And I wish you all the best in life. Paalam.

Nagmamahal,
Charlie (Di tunay na pangalan)
*Insert Director's Cut - Kamikazee song Here*
No comments:
Post a Comment