Search for Me

Saturday 21 April 2012

Press and Hold (L1+L2+R1+R2+Select+Start)

Sa loob ng dalawampu't apat na taon kong pamamalagi sa mundong ibabaw, siguro 15 years sa 24 years na yan, humahawak ako ng controller at naglalaro ng video game. Mapa-playstation man yan, Gameboy, o laro sa personal computer (hindi pa uso ang mga 3d games at Kinetics noon, dance revolution palang). Mas madaling sabihing adik ako sa mga video games. Mula pagkabata, nakahiligan kong magpipingger ( pindot) ng maliliit at cute na cute na buttons bukod sa paglalaro ng luksong baka at pagbababad sa kalsada.
Ang kadalasan kong nilalaro? Mga RPG o role-playing games, karamihan ay mga series tulad ng Final Fantasy, Gran Turismo, Tales Series, Chrono, Valkyrie, Harvest Moon, Suikoden, NBA, Digimon, Pokemon at kung anu-ano pang madalas kong nilalaro sa Playstation at Gameboy.
PLAYSTATION tm


Ibang usapan kapag online games na. Medyol hard core ako sa ganun, gusto ko yung gastusan. Ilan sa mga nalaro ko, Ragnarok Online, RF Online, Ran,  Grand Chase, Flyff at Gunbound. Yung iba nalimutan ko na dahil madalang na rin akong makapag online. Mahal na bisyo. Bukod sa mahal, kapag nag simula kang mag-online game, hindi pwedeng itigil tigil yung laro lalo at gusto mong magpalakas talaga. Obligado kang magpuyat, magpagutom at mag adik ( hindi illegal drugs ha. Bad yun ), dahil kung hindi mahuhuli ka sa level tsk tsk tsk. Masasayang ang mga na-invest mo na.
Kadalasang tumatagal ka ng 5-22 hours sa harap ng PC depende kung gaano mo gustong mag grind ng level at item hunt. 5 = moderate gamer, 22 = hardcore gamer.


Kung ayaw mo ng ganyang trip dahil sa tingin mo masyadong kumplikado at magastos ang renta sa internet shop at load (hindi pa uso ang free-to-play system ng online games), pwe-pwede mo din namang subukan mag offline games sa PC. Mas inter-active 'to dahil nakikita mo kung sinu-sino ang kalaro mo at ang mga dapat mong konyatan/tiryahin kapag napipikon ka na sa asaran. Weak! Hehehe. Tandaan lang pumili ng pagtitripan ha? Ang mga sikat nung panahon ko? Counter-Strike, Battle Realms, Warcraft., Red Alert, Diablo at DOTA. Napupuno ang mga computer shops dahil sa dami ng mga estudyanteng nag aarkila ng computer. Akala mo may tinatapos na project pero maririnig mo nalang bigla yung sigawan, murahan at tawanang akala mo wala ng bukas. Bonding mode sa mga kabataan ang ganitong oras eh. Dito mo din mahuhuli ang madadalas mag cut ng klase.


Sa katulad kong pinanganak sa panahong usong uso pa ang playstation 1, lagi kaming updated sa mga games at series na bagong labas. Inaabangan ang mga susunod na kabanata. Alam namin kung panong pinadadali ng paggamit ng mga walk through ang buhay namin at syempre yung ibang mga tamad maglaro eh alam kung pano mag encode ng mga cheats sa gameshark. Kanya kanyang payabangan ng magagandang save files na kalimitan eh naka-save sa isang memory card kung tawagin lalo na at RPG ang pare-parehas niyong nilalarong magkakabarkada. Medyo mas lonesome nga lang yung ganitong trip kasi hanggang 2 players lang ang kadalasang pwedeng maglaro. Lalo na kapag isa ka sa katulad kong mahilig sa RPGs. Mas malamang e single player yan (ie: Final fantasy series). Gagawin mo yung mga quest at susubukang i-conquer, i-master yung laro at gawin lahat ng secret side-quests. Masaya naman, fulfilling naman para sa part ko pero sa iba, pag aaksaya lang daw to ng oras eh. Ok lang, opinyon nila yun.


Kung di mo trip yang mga "lonely games" na yan, marami ka pa rin namang pagpipilian. Tawagin mo na si kuya, ate, pinsan, kapit-bahay, barkada. Hiraman kayo ng controller at game, Jamming na. Ang mga pagpipilian; Tekken, NBA, Motal Combat, Dragonball, Crash Team Racing, Marvel vs. Street fighter, Dance Revolution, Gran turismo at madami pang iba, basta fighting, racing at sports ang genre ok yan. Kadalasan para makapag laro ang lahat ng players, ang rule ay dalawa lang: 1.) Change the loser 2.) No cheat. Fair game lang. Lahat makakalaro kung pare-parehas ang skills ng players. Kung hindi, no choice kundi ang mag alternate player na lang. :) Bonding and enjoyment. Ayos!
FINAL FANTASY CHARS. :)




Ngayon, kung mahilig kang maglaro ng final fantasy series sigurado akong alam mo kung kelan at saan ginagamit ang L1+L2+R1+R2+Select+Start. (Babala: Hindi yan cheat code hehehe ) Sa lahat ng FF, ang naging all-time favorite ko ay FF7 at FF10. Magandang story-line at character development. Ayos! Nagsimula akong maglaro ng mga FF series noong grade 5 ako. 11 years old, parang masyado pang maaga sa pag-aadik sa mga video games. Madami ding naitulong/naituro sakin ang maaga kong pagkahilig sa mga ganyang klaseng laro (nang 'di sinasadya). Nakakilala ako ng iba't-iba at sari-saring mythological characters tulad nina Odin, Bahamut, Shiva, Ifrit at Ramuh. Natuto akong magbasa at umintindi ng malalalim ng english sa batang edad at mag-isip ng malalim sa bawat puzzles na gustong i-reveal ng laro para makausad ka sa gameplay. Natuto ako ng tamang spellings. Natutong mag-enjoy noong bata pa. At higit sa lahat, natutunan ko na sa buhay natin hindi pwedeng basta nalang mag-reset (lalo at hindi ka pa nakakapag save sa mga itinalagang save points).
Pwede kang mag-edit at magsenti sa buhay mo. Baguhin ang mga pangit na desisyon sa buhay, itama ang mga mali, punan ang mga pagkukulang pero hinding hindi mo na mababalik yung panahon, damdamin at taong nasayang o nawala na sayo. Isang malaking kaibahan sa paglalaro ng video-games na kadalasan, maiisalba ka ng reset button at save files mo. Sa mga RPG games, maaari mong maibalik yung mga pinamemorableng scenes sa loob ng laro halimbawa ay ang pinaka nakakakilig na eksena ng bidang lalaki at babae. Mga corny lovee-doovey scenes at mga linyang pwedeng-pwede mong i-quote sa status update mo sa facebook (ie: wark! Kupo! ). Pwede mo pa silang balikan at enjoyin ulit yung feeling, ulitin mula simula o kaya tapusin uli para makita pa yung ibang ending na hindi mo pa naeexplore. Masaya, pero ibang-iba sa totoong buhay.


Mag-enjoy sa paglalaro at mabuhay ka sa totoong mundo nang nag-eenjoy sa mga bagay na gusto mo at sa mga taong mahal mo at mahal ka, para wala kang dapat balikan at pagsisihan na minsan sa buhay mo, nakapagsave ka sana sa nadaanan mong save point. Para wala kang ma-miss at manghinayang na hindi mo na nakita yung iba pang ending ng buhay mo. Be it an Ending A, Ending B, Ending C, Good Ending, Perfect Ending, o wag naman sanang Bad Ending.


Magsisimula ka sa [New Game]
Walang [Options]
Walang Save Points
Walang [Power Ups]
Maraming Secrets/Side-quests/Hidden Boss
Puro [Continue] at Action buttons.
At sana sa bawat pindot mo sa Action button at continue, madami kang makuhang EXP points para mag Level-up ka ng mag Level-Up at hindi ka agad mag- [GAME OVER]
 Dahil sa buhay natin, pag [GAME OVER] ka na, wala nang [New game +] na option ang lalabas.


Wag maingay, concentrate na. Let's Play. Enjoy!


[ Press Start to Continue ]


Pink para mataray!

Friday 13 April 2012

Kapangyarihan!

Antok ka na ba?
pinipigilan pero di makaya?
Gusto mo na bang yumuko at ipikit ang mata pero may nakatinging iba?
Gusto mo ba ng kapangyarihan?
Kung magkakaron ka, anong pipiliin mo?
Tsk tsk tsk.
Ang hirap naman kasi pag nasa bahay ka hindi ka inaantok, pero kapag nasa eskwelahan dun ka naman antok na antok. Kapag nasa bahay ka, movie marathon at surf to the max sa facebook. Wala kang pakelam kahit bukas finals na pala sa paborito mong subject ( ie: calculus ) at may tatapusin kang project na dapat tinatapos ng isang bwan. Pero dahil masipag ka at mtyaga tatapusin mo yan ng dalawang araw. Cramming to the max. Mastery level 10. Kinabukasan, Lunes, hikab ka ng hikab, mangungulit ka ng ibang tao. Iinom nang sandamakmak na kapeng mainit ( kung sosyal ka, malamig). Pero syempre hindi ka padin mag rereview, bakit pa, matalino ang katabi mo, malinaw ang mata mo. Solb! Yan lang minsan ang kelangan para pumasa ka sa pinaka mahihirap na subjects sa college, ang matalinong kaibigan at pinagpalang mata na sagana sa kalabasa. Pero mas maganda kung yung kaibigan mo, magkalapit kayo ng apelyido, Tipong letter C sya, D ka naman. Cruz sya at ikaw ay lets say, Davide. Pero pumapalpak yan, lalo na kapag sa classroom niyo, apat ang may apelyidong Cruz. Maniwala kayo nang yayari yan. Nangyari yan sa isang subject namin sa college. 4 na Cruz. Hulaan nyo kung anong nangyari sa D ung apelyido? Tama, Lumipat sya ng upuan.
Minsan naman nag iisip ka palang kung pano magsisimula sa gawain mo tapos pagkita mo pa lang sa gagawin mo napapalunok kana. Mamumutla at mahihirapang huminga. Magsisimula ka na pero bigla kang dadalawin ng katam. hayyyy. Ansarap matulog! Kainis! Madaming kape ang uubusin at maraming pansit canton ang kakainin para magkaron ka uli ng ganang gumawa, mag review at mag babad sa pagtetext tapos review uli tapos text tapos review. Kinabukasan, bangag ka kasi nagpilit kang magpuyat. Pinilit tapusin ang dapat tapusing basahin o kaya sulatin. Pero pagdating mo ng klasrum may magbabalita
"Wala si sir! Nag text. Absent daw sya!" Yahoo!
Iyak-tawa ka. Sayang ang puyat mo, asar talo ka pa. Sayang, natulog ka na lang sana. Sayang yung effort mong magpakapagod, magkunwaring nag-aaral at kabahan.
May kaklase ako dati sa college na matindi ang premonition sa mga ganyang bagay, madalas talaga pag hindi sya nagreview o kaya umabsent sya, hindi natutuloy yung klase, either uulan ng malakas, aabsent yung prof o kaya magkaka biglaang meeting. Hahahaha. O diba? Masarap isipin na kaya mong makita ang mangyayari sa hinaharap, kahit pa 10 minutes bago mangyari ung isang event pwede na yun. Isipin mo malaking bagay ang sampung minuto. Sampu. Minuto. Malaki nga. Kaya mong makapag ligtas ng masasagasaang tao/pusa/aso/baka/kambing bago pa yun mangyari. at syempre marami pang iba. Kung susubukan mo namang tumaya sa lotto kasi akala mo tatama ka pag nalaman mo yung kumbinasyong lalabas, wag ka nang sumubok subok pa. Kelangan mo ng time extension para dyan. Kung bakit, alamin mo nalang.


Isipin mo, kung bibigyan ka ng pagkakataong mabigyan ng kapangyarihan, anong kukunin mo?


Ako?
..
..
..
..
rawwwrrrrr..
























INVISIBILITY padin atsaka Chakra Manipulation :))