Search for Me

Wednesday 10 October 2012

50% friends, 50% tablado

Sa isang umpukan ng barkada nagkabiruan tungkol sa highschool friend kong na-FRIENDZONE ng isa ko pang highschool friend. Habang ang apat sa amin ay naglalaro ng pusoy, ang iba ay kumakain at nag-aasaran. Naungkat sa usapan ang balitang pagkaka-friendzone ng barkada ko. Tawanan ang lahat sa asaran at biruan tungkol sa libreng t-shirt, nawalang pag-ibig at ilangan sa pagitan ng dalawa. Lahat tumatawa, PWERA sa KANYA. At dahil isa kong tunay na kaibigan, naki tawa din ako pero pigil lang. Hehehe. At dahil dyan, napagpasyahan kong hanapin kung ano ang tinutukoy nila sa mga asaran. Curious eh. Nakita ko din sa wakas, sa tulong ni Google. Starring Ramon Bautista, Tales From The Friendzone. Programang nagbibigay ng nakakaloko at masasakit sa tengang mga payo (ala Maalaala Mo Kaya)sa mga sumulat na naging biktima ng mapanakit na friendzone at isang limited edition na t-shirt(one-size lang). Mafe-feature ang masaklap mong kwento featuring a very hot girl and a not-so-very-hot guy. Nakakaaliw ang tema, pero ano nga ba ang "FRIENDZONE"?

Para sa mga walang youtube, walang google, walang sipag at para hindi na humaba masyado;

Mga bata? Parang ganito daw yan. 
Ito ay yung katangi-tanging pagkakataon kung kelan gumusto ka o nagpahayag ka ng intensyong manligaw sa napupusuan mo ngunit, subalit, shit na malagkit, sa kakatwang rason ay kaibigan lang ang maio-offer nya sa'yo. Wala kang appeal sa mga mata nya. Kahit manligaw ka pa ng ilandaang taon. Ayyy how sad naman no? Hindi ito limited sa mga kalalakihan. Applicable din sa mga babae, tibo at bakla. Pero malaki ang kaibahan ng na-BASTED sa na-FRIENDZONE. 
Pag nabasted ka, ibig sabihin hindi ka gusto ng niligawan mo dahil sa maraming dahilan, tulad ng hindi nya trip ang itsura at hininga mo. In short, TABLADO KA at AYAW NIYA SA'YO! Pag nafriendzone ka, pwede ka pading maging ABANGERS. Maging casual kayo sa isa't-isa, magtext, mag hang-out padin katulad ng ibang kaibigan nya at mag abang, hanggang sa magkaroon ng isa pang pagkakataon or til the end of time.

Saktong-sakto sa naging kaso ng kaibigan ko. Tawa kami ng tawa sa kinasapitan n'ya. S'ya naman ay hindi maipinta ang mukha. Mga senyales na kami ay mga tunay na kaibigan. Pagtatawanan ka sa mga problema mo pero tutulong padin at magpapayo. Nag palipad-hangin sya at sa kasamaang-palad ay nakatikim ng tinatawag nilang "PRE-EMPTIVE SUPALPAL". Same circle of friends eh. Hindi na rin naman sya tumuloy sa balak nya kasi alam din siguro nyang wala din syang mapapala. Ayun, nakuntento din sa pakikipag-kaibigan na lang. Malungkot nga lang kase nagkaroon sila ng gap at ilangan factor. 


Napa-isip ako. Ang totoong buhay ay talagang marahas at hindi tulad ng nakagawian nating ending ng bawat pelikulang love story na napapanood natin. Cheesy at kahit anong mangyari, magunaw man ang mundo, magkakatuluyan at magkakatuluyan ang mga bida. Isa sa mga kasinungalingang hinahabi ng bawat pelikula sa ating mga "hopelessly romantic" na utak. Sa tunay na mundo, kahit pa bespren mo na yung popormahan mo, hindi ka padin makakatiyak na makakakuha ka ng matamis na "OO"!. Malaki pa din ang tsansa na sya pa ang makakapanakit sa damdamin mo. Kahit di sinasadya, masasaktan ka pa din. Isang patunay na malayo ang kwentong sine sa totoong buhay. Hindi lahat ng kwentong pag-ibig sa totoong buhay ay may happily-ever-after na ending. Hindi to katulad ng "One More Chance" nila Popoy at Basha bagkus ay halos katulad ng pelikulang "500 Days of Summer". So pano ka makakaiwas na masaktan? Simple, "WAG KANG UMIBIG". Dahil ang pag-ibig ay parang isang double-edged sword, ito ay hinahawakan lang ng matatapang na tao. Alam nating lahat na hindi ito puro tamis na tulad ng koton kendi. Love is a complex thing. Being in love with your friend who can't love you back is a more complex thing. So, kung handa kang masaktan at maging masaya, pwedeng-pwede kang ma-inlove. Kahit kelan, kahit saan, kahit kanino.

Na-enjoy ko ang program ni Sir Ramon. Madami din akong napulot na aral at mga quotes. Ang pinaka-matindi pading quote ay ang parting words ng program na: There's more to life than love. Na-friendzone ka nga, me T-Shirt ka naman. Congratulations!!

*Thought to ponder*

"Napakalaki ng mundo. Kung na-friendzone ka man, meron at meron padin dyang mahilig sa panget" RamonBautista - Tales from friendzone ep. 4

Heto ang link, ctrl+C and ctrl+V lang. panoorin nyo! http://www.youtube.com/watch?v=6R28RgWfT2k&feature=relmfu



***************
Boy: Uhm, Girlie wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko sa'yo. Matagal ko nang gustong sabihin 'to pero natatakot ako. Uhmm, pwede ba tayong maging more than friends pa. You know?

Girl: Alam mo, okay na tayo sa ganito ehh. Wag na nating gawing komplikado ang lahat. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Parang kapatid. Walang malisya. Sana maintindihan mo. I'm sorry. Atsaka isa pa, may nagugustuhan na ko ehh. I'm sorry talaga.
Boy: NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

NAPATINGALA s'ya. Kami naman, TUMATAWA.


14 comments:

  1. I think nakita ko ata to sa Best Men 2 or 3weeks ago. The first time i heard that word. Aside from that may mga bago naring status like MOMOL, MOMOX, and MOMOWL? Not sure kung meron pa. Sa unang dinig ko tawa ako ng tawa sa kaweirdohan ng mga tao. But then meron nga palang mga ganun talaga. hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually matagal na din to.. na late lang yung post ko. hahahaha

      yang mga MOMOL, MOMOX AT MOMOWL na yan ang di ko alam kung anong ibig sabihin eehh. hahahah :)

      Delete
    2. I suggest magtanong ka kay pareng google. mas mabibigyan ka nya ng malalim na explanation. hahaha. but based sa napanuod ko
      MOMOL - Make out make out lang. parang kayo pero hindi kayo..kung titingnan ng iba parang kayo nga. lagi magkasama, super close etc. hahaha. may kiss, may cuddling. parang ganun..
      MOMOX - Make Out make out Extreme - ito ang medyo lumalagpas na daw sa rule ng MOMOL (grabe ang attentive ko pala noon. hahaha). Yung tipong lagpas na sa boundary ang kamay. parang ganun. malikot na daw. nyahaha.
      MOMOWL - Make out make out with Love - yung tipong may kasama ng feelings or parang nadedevelop kana daw. yun daw yun. hahaha.

      Delete
    3. hmmm wala si google, hindi ko matanong. busy. Hahahahaha at talagang matindi ang mga explanation mo. Salamat, naintindihan ko ng maayos hahahah :)

      Delete
    4. @kotz bakit di ko alam yang mga salitang yan? hahaha...

      Delete
    5. @pink >> ganyan talaga. Marami nang salita ang pauso naming mga kabataan sa ngayon!. hhahahahahahah

      Delete
    6. @5-12-4-14-33-44 naming mga kabataan? sinasabi mo na manatanda na si Pink? hahaha.. peace!!!

      @Pink hindi ko rin alam yan. nyahaha. nalaman ko lang yan lately. kaya i-add mo na sa dictionary mo. para makarelate ka. hahaha.

      Delete
    7. nyahahahha!! wala naman akong sinasabing direktang matanda na si pink ahhh :D hahaha ang akin lang, mas bata ako sa inyo :) nyahahaha

      Delete
  2. hindi ko rin alam yung friendzone..anu ba yan ang dami kong hindi alam..ako na talaga walang alam..

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay lang yan miss Pink. kasama sa pagtanda yan hahahaha :) buti pa ko, alam ko yang mga yan hahaha

      Delete
  3. Hahaha, sabi nila ang "friendzone" daw ang modern na "basted".. may slight difference din pala sila ah!

    Ang bubuti nyong kaibigan no, pinagtawanan nyo pa talaga yun isa..

    Ganun pala dapat ang script pag hindi gusto ang manliligaw, hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup! may slight difference yan. hehehe

      kami naman ay taga tawa lang. Sakay sa trip ng karamihan. hahaha pero syempre nakiki symphatize pa din ako sa kanya. hirap kaya ng ganon. :)

      Delete
  4. Suma total ang Friendzone pala, ayaw ka as a lover pero gusto ka as a friend. Mahirap maging friend if you are in the basted este losing end. Natawa ako sa MOMO, MOMOX,at MOMOL. Pwedeng ituro ito sa class..

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang ganon na nga madam. hahaha there is a fine line between friendship and lover. hahahahah!

      wag ituturo sa klase to madam. matutuwa ang mga bata! hahahahaha :)

      Delete