Search for Me

Sunday 30 December 2012

Para sa lahat ng Pogi at Magaganda

Bago pa maubos ang oras at magpalit ng kalendaryo, babati na muna ako sa lahat ng isang high-note at naglalagablab na:

HAPPY HAPPY NEW YEAR!! 

Sana puspusin pa kayo ng mas maraming biyaya sa susunod na taon tulad ng mas masayang buhay, lovelife na matindi, family life na ayos, work environment na walang tsismosa, mataas na grades sa klase, mabait na teacher, kaibigang malakas manlibre, kumpletong daliri, galanteng boss, madaming subscribers, bagong cellphone, bagong kotse at higit sa lahat panibagong lakas para magsimula ulit ng bagong taon.

Yahoo para sa ating lahat!



God bless us and may we have a great 2013! Lezz keep rockin'. Mehel ko keyo. Enjoy this holiday season!

Friday 30 November 2012

Conclusions :)


The conclusions of my Negros-Cebu-Tacloban-Samar Trip:

1. Ang pinaka-makapangyarihang phrase kapag bumabyahe sa Visayas Region ay hindi “excuse me po” kundi, “tagalog lang po. Please??”.

2. May mga taong sadyang friendly lang. Wag masyadong umasa. Diba Miss Mercury drugs? Kung nasan ka man sana maging masaya ka sa napili mong Papa.

3. Nakakatawa pero karamihan ng tao sa Escalante city, Negros, kapag tinanong mo kung alam nila ang bahay nila James Yap, sasagot sila ng OO. Pero ang favorite team ng karamihan sa kanila ay Barangay Ginebra. Ay ewan.

4. Ang San Juanico bridge ay mahaba at maganda.

5. Totoo ang travel advisory na “travel lightly”. Kaya, travel lightly.

6. Ang pinaka sikat na kanta sa Visayas ay hindi Payphone ng Maroon5 o Sirena ni Gloc-9 kundi kantang pinamagatang “Pusong Bato”. Promise!

7. Cebu is Wow! Cebuana? is WOW-er!!!!

8. Travelling alone? More fun in the Philippines. More fun when single.

9. Pag naglalakbay, isa lang ang golden rule: Magtanong, wag maging tanga. :)

10. Trabaho + Travel + draft = 1 month hiatus :) hihihihi




Friday 26 October 2012

Salamat ng Marami!

Makaraan ang isang taong pamamalagi sa Blogger.com at pagsusulat ng kung anu-anong bagay sa blogsite na ito, eto ang mga nangyari pagkatapos ng isang taong eksperimento;

  1. Kasalukuyan akong may sampung followers. At lahat sila pwera sa isa ang hindi nakaka-kilala sa akin ng personal. Sa lahat ng nagbabasa at nagtatyaga sa'kin kahit wala akong maipakitang mukha, Maraming Salamat!
  2. May 1571 (and still counting) na mga naligaw sa aking munting bukid. Pwera ang mga kapamilya at mga barkada kong hindi alam na nagsusulat ako sa blog site na ito. :) marami akong utang, kaya hindi ako nagpapakita. Hahaha. Maraming salamat ulit sa inyo!
  3. Gusto kong mabago ang pangalan ng blogsite ko for personal reasons pero nag-iisip padin ako kung tama bang palitan ko pa. Mga walong buwan ko nang pinag-iisipan to. Something na mabango. How bout, Rosas?
  4. Mayroon na akong dalawanpu't pitong mga entries (and still drafting) na nai-publish. At madalas ko padin silang binabasa ng paulit-ulit. Salamat sa mga nagbabasa padin!
  5. Madami na akong drafts. Hahaha. Pwera dito, mayroon pa akong siyam na pending. Hindi ko magawa dahil kulang ang pitong araw sa isang linggo. Pag ako naging Presidente ng U.N., magpapadagdag ako ng isa pang araw. At tatawagin ko itong "FUNDAY". From the root word, DAY.
  6. Hindi padin ako nakikipagkita ng personal sa kahit kaninong blogger. Wala pa akong lakas ng loob. Mahiyain ako sa personal ehh.
  7. Dalawa sa mga entries ko ay lumagpas na ng mahigit sa isandaang views. Nakakataba ng puso at nakakakilig. Hindi ko padin maipaliwanag yung satisfaction na natanggap ko matapos kong makita ang status ng mga views ng entries ko. Maraming Salamat!!
  8. Hindi ko inaasahang mas dadami pa ang views ng http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/r-13-usapang-binyagan.html kesa sa paborito kong entry na http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/anything-under-ng-araw.html dahil WALA akong natatanggap na FEEDBACK/COMMENTS sa entry tungkol sa binyagan. Ang wierd nga ehh.
  9. Iniiwasan ko pading maging isang personal diary ang blogsite na ito sa maraming kadahilanan. Gusto ko lang magsulat at maipahayag ang nilalaman ng makulit kong isipan, solve na ko dun.
  10. Gusto kong magpasalamat sa lahat, kahit ang unang balak ko sa blogsite ko na ito ay itago at gawing personal drawback ng mga emosyong hindi mabanggit sa Facebook, marami padin ang dumalaw at nakisawsaw sa trip ko. Parang toyomansi lang. Nakakataba talaga ng puso. From the bottom of my heart, MARAMING-MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!
  11. Huwag po sana kayong magsawang bumisita sa aking munting bukid. At sana mag-enjoy kayo gaya ng pag-eenjoy ko sa pagsusulat ng kung anik-anik. Hanggang sa muli, Paalam!! Mwah mwah, tsup tsup.

Wednesday 10 October 2012

50% friends, 50% tablado

Sa isang umpukan ng barkada nagkabiruan tungkol sa highschool friend kong na-FRIENDZONE ng isa ko pang highschool friend. Habang ang apat sa amin ay naglalaro ng pusoy, ang iba ay kumakain at nag-aasaran. Naungkat sa usapan ang balitang pagkaka-friendzone ng barkada ko. Tawanan ang lahat sa asaran at biruan tungkol sa libreng t-shirt, nawalang pag-ibig at ilangan sa pagitan ng dalawa. Lahat tumatawa, PWERA sa KANYA. At dahil isa kong tunay na kaibigan, naki tawa din ako pero pigil lang. Hehehe. At dahil dyan, napagpasyahan kong hanapin kung ano ang tinutukoy nila sa mga asaran. Curious eh. Nakita ko din sa wakas, sa tulong ni Google. Starring Ramon Bautista, Tales From The Friendzone. Programang nagbibigay ng nakakaloko at masasakit sa tengang mga payo (ala Maalaala Mo Kaya)sa mga sumulat na naging biktima ng mapanakit na friendzone at isang limited edition na t-shirt(one-size lang). Mafe-feature ang masaklap mong kwento featuring a very hot girl and a not-so-very-hot guy. Nakakaaliw ang tema, pero ano nga ba ang "FRIENDZONE"?

Para sa mga walang youtube, walang google, walang sipag at para hindi na humaba masyado;

Mga bata? Parang ganito daw yan. 
Ito ay yung katangi-tanging pagkakataon kung kelan gumusto ka o nagpahayag ka ng intensyong manligaw sa napupusuan mo ngunit, subalit, shit na malagkit, sa kakatwang rason ay kaibigan lang ang maio-offer nya sa'yo. Wala kang appeal sa mga mata nya. Kahit manligaw ka pa ng ilandaang taon. Ayyy how sad naman no? Hindi ito limited sa mga kalalakihan. Applicable din sa mga babae, tibo at bakla. Pero malaki ang kaibahan ng na-BASTED sa na-FRIENDZONE. 
Pag nabasted ka, ibig sabihin hindi ka gusto ng niligawan mo dahil sa maraming dahilan, tulad ng hindi nya trip ang itsura at hininga mo. In short, TABLADO KA at AYAW NIYA SA'YO! Pag nafriendzone ka, pwede ka pading maging ABANGERS. Maging casual kayo sa isa't-isa, magtext, mag hang-out padin katulad ng ibang kaibigan nya at mag abang, hanggang sa magkaroon ng isa pang pagkakataon or til the end of time.

Saktong-sakto sa naging kaso ng kaibigan ko. Tawa kami ng tawa sa kinasapitan n'ya. S'ya naman ay hindi maipinta ang mukha. Mga senyales na kami ay mga tunay na kaibigan. Pagtatawanan ka sa mga problema mo pero tutulong padin at magpapayo. Nag palipad-hangin sya at sa kasamaang-palad ay nakatikim ng tinatawag nilang "PRE-EMPTIVE SUPALPAL". Same circle of friends eh. Hindi na rin naman sya tumuloy sa balak nya kasi alam din siguro nyang wala din syang mapapala. Ayun, nakuntento din sa pakikipag-kaibigan na lang. Malungkot nga lang kase nagkaroon sila ng gap at ilangan factor. 


Napa-isip ako. Ang totoong buhay ay talagang marahas at hindi tulad ng nakagawian nating ending ng bawat pelikulang love story na napapanood natin. Cheesy at kahit anong mangyari, magunaw man ang mundo, magkakatuluyan at magkakatuluyan ang mga bida. Isa sa mga kasinungalingang hinahabi ng bawat pelikula sa ating mga "hopelessly romantic" na utak. Sa tunay na mundo, kahit pa bespren mo na yung popormahan mo, hindi ka padin makakatiyak na makakakuha ka ng matamis na "OO"!. Malaki pa din ang tsansa na sya pa ang makakapanakit sa damdamin mo. Kahit di sinasadya, masasaktan ka pa din. Isang patunay na malayo ang kwentong sine sa totoong buhay. Hindi lahat ng kwentong pag-ibig sa totoong buhay ay may happily-ever-after na ending. Hindi to katulad ng "One More Chance" nila Popoy at Basha bagkus ay halos katulad ng pelikulang "500 Days of Summer". So pano ka makakaiwas na masaktan? Simple, "WAG KANG UMIBIG". Dahil ang pag-ibig ay parang isang double-edged sword, ito ay hinahawakan lang ng matatapang na tao. Alam nating lahat na hindi ito puro tamis na tulad ng koton kendi. Love is a complex thing. Being in love with your friend who can't love you back is a more complex thing. So, kung handa kang masaktan at maging masaya, pwedeng-pwede kang ma-inlove. Kahit kelan, kahit saan, kahit kanino.

Na-enjoy ko ang program ni Sir Ramon. Madami din akong napulot na aral at mga quotes. Ang pinaka-matindi pading quote ay ang parting words ng program na: There's more to life than love. Na-friendzone ka nga, me T-Shirt ka naman. Congratulations!!

*Thought to ponder*

"Napakalaki ng mundo. Kung na-friendzone ka man, meron at meron padin dyang mahilig sa panget" RamonBautista - Tales from friendzone ep. 4

Heto ang link, ctrl+C and ctrl+V lang. panoorin nyo! http://www.youtube.com/watch?v=6R28RgWfT2k&feature=relmfu



***************
Boy: Uhm, Girlie wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko sa'yo. Matagal ko nang gustong sabihin 'to pero natatakot ako. Uhmm, pwede ba tayong maging more than friends pa. You know?

Girl: Alam mo, okay na tayo sa ganito ehh. Wag na nating gawing komplikado ang lahat. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Parang kapatid. Walang malisya. Sana maintindihan mo. I'm sorry. Atsaka isa pa, may nagugustuhan na ko ehh. I'm sorry talaga.
Boy: NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

NAPATINGALA s'ya. Kami naman, TUMATAWA.


Thursday 20 September 2012

Moon-walk (isang pagbabalik-tanaw)

"Makakabalik tayo sa lugar ngunit hindi sa panahon"

Totoong-totoo. Matapos ang dalawang taon.

NOSTALGIA

Iyan ang naramdaman ko habang dahan-dahang nilalakad ang mga kalsadang naging saksi sa mga kahindik-hindik na pakikipagsapalaran ko sa Kolehiyo. Mahigit limang taon akong pasok-labas, labas-pasok sa vicinity ng paaralang kumupkop sakin at naging pang-apat na tahanan. Maraming nabago. May nadagdag, may gumanda, may naluma ng panahon, may na demolish, may nagsara, nalugi, bumenta, maraming na-renovate at maraming nagkapali-palit ng pwesto pero sila sila padin yun.

  • Natuwa ako. Kase nakabalik ulit ako sa isang bahagi ng buhay ko na tingin ko naging napakalaki ng epekto sa kung sino ako ngayon. Isa sa may pinaka malaking dahilan kung paano ako nahubog bilang isang nakakalokong tao. Sila ang dapat sisihin! :)
  • Nalungkot din. Dahil kahit ilang beses pa ulit akong magpabalik-balik at malabas-pasok sa eskwelahang yun, alam kong wala na kong kayang ibalik. Sa lahat ng tawanan, iyakan, kulitan, asaran at trip sa buhay noong mga panahong yun, wala na kong maibabalik. Tanging mga ala-ala na lang ng kahapon ang babalik sakin.

Isa sa pinaka-gusto ko sa eskwelahan namin ay ang maluwag na policy sa uniform. Nakakapasok kami dati ng eskwelahan ng naka-tsinelas, t-shirt na gusot at maluwag na pantalon. Kinabahan kasi ako dahil sa ilang minutong pagmamasid at pagtambay sa labas ng College building, napansin kong iba na ang itsura ng mga nag-aaral ngayon. Karamihan sa mga lalaki, payat padin at mukang may dinadalang problema sa buhay. Pero wala na ang mga "tsinelas gang". Mukang mapoporma na at may sinabi na sa buhay ang karamihan sa kanila. Ang mga babae, karamihan chicks padin. Pero mapapansin mong parang may mga angat na talaga sa buhay. May mga naka-DSLR, naka sukbit na magagandang phones at mamahaling laptops bukod pa sa magagarang suot ng mga kabataan. Akala ko hindi na ako papapasukin. Hindi katulad dati, pantay-pantay kami. Puro kami nasa baba.
Kaming mga kabataang umaasa sa baon mula sa magulang o kupit mula sa sukli na pinambayad sa tuition fee o gawa-gawang projects at field trips. Yan ang tanging pera na pwede naming ibulsa para maipambili ng mumurahing mga pagkain sa labas ng College (Clue: Wala kaming canteen sa building) na karaniwang combo ng masarap na fishball, kwek-kwek, isaw, mumurahing shake, sago-gulaman, kikiam, squid/meat balls, ulam-gulay-kanin-sabaw-combo, burger na buy-one-take-one, ice tubig at walang kasawaang unlimited refill ng lugaw. Bukod pa sa ipambibili ng mga libro, papel, pa-print ng mga projects at pan-date sa iniirog.
I therefore conclude; mahirap mabuhay na isang mahirap pero hindi sa Eskwelahan namin. COOL!
Nag-CR din ako para malanghap ang nakahihilong amoy ng aming CR. Hindi nya ko binigo. Ganon parin sya katapang katulad ng dati. 
Nakita ko ang dalawa sa pinakamabangis na professors na meron kami sa Department. Kung dati-rati pag nakikita namin sila, para na kaming maiihi sa pantalon sa takot, ngayon, cute na sila sa paningin ko.
Sarado na karamihan ng mga stalls sa labas. Pati na din ang kumukuti-kutitap na bars. Mukang nai-pasara na din. Ang mga bahay bisyo (videokehan, bilyaran, inuman) ay nagbago din. Mas lalo na silang LUMAKE!! At DUMAMI!!
Nawala na naman ang ring sa makalat na Basketball Court namin. Mukang may dumakdak na naman sa net na isang nagmamalakas-malakasang tumalon. Wala nang masyadong tao sa corridor na naging piping saksi sa mahigit tatlong-daang estudyanteng parang nililitson at nagpipilit kumopya, magpakopya, manghingi ng himala sa Diyos at sa katabi para pumasa sa mga nakakabaliw na mga subjects. Parang tapos na ang bagyo. Wala na masyadong tao. Umalis na kami ng kasamahan ko para kumain sa isang sizzling na kainan. Pati mga pagkain, nakakamiss din. 

Nakabalik din ako sa wakas! Pero parang kulang ang isang araw. "Gusto kong bumili ng time machine", naisip ko. Pero mahal, kaya mag-iipon muna ko. Gusto kong mag Ghost Mode at patigilin ang oras para lumibot pa sana ng malaya at walang pumupuna. 
Nalibot ko ang College building ng kaunti, habang nililibot nya ang utak ko. Nag-iikutan kami.
Gusto ko pa sanang magtagal pero hindi na pwede. Magsasara na ang building. Sayang. Gusto ko pa naman sanang mag-moonwalk habang nagmomoment.

Moment - is the product of the force and its moment arm defined as the distance of force perpendicular to the point of rotation where the force is intended to rotate. 
Moment, makapangyarihang word para sakin. Saming lahat. Isa sa pinaka-makapangyarihan, bukod sa "UWIAN NAAA!!!".




Wednesday 5 September 2012

Patalastas: 'Di Ka na Muling Luluha Pa



Ikaw ba ay nalulungkot?
May pinagdadaanang mabigat?
Napapagod sa mga pagsubok ng buhay?
AYAW mo na bang umiyak?

SAKTO!! 
Subukan mo to:


JOHNSON'S BABY SHAMPOO
with NO more TEAR formula
Banayad sa scalp at sa mata, ngunit hindi sa germs



Kahit anong pang pinagdadaanan mo, kahit ilang kuskos mo pa sa mata mo. 
Di ka maiiyak. Promisseee!! 

*Comes in different citrus flavors. Hurry, while supplies last*

Saturday 25 August 2012

Matalinong Bata

Isang araw, may batang gutom na gutom na nakatambay sa kanto. May dumaang naglalako.

Manong, manong ano bang meron dyan?

Madami akong dala ngayon. Bagong luto lahat to ser. Maruya, turon, banana que, kamote que, tokneneng tsaka Lumpiang toge.


Magkano po tong banana que?

otso nalang

Ang mahal, etong tokneneng?

otso din po.

Ang mahal din. Eh etong turon?

otso din po, sir. Pag dalawa binili mo, disi-sais nalang.

Ha? Niloloko mo ba ko manong? Puro otso 'tong tinda mo eh. Anong pinaka-mahal?

Eto pong kamote que ser. Sampu.

Ayun! Yun naman pala eh. Bigyan mo ko nung pinaka mura. hehe

Sais isa nitong Lumpia ser. Ilan ba?

Tatlo bibilhin ko oh. Kinse nalang manong. 

Luge naman ako ser, Disi-otso nalang lahat ser. Libre na suka.

Niloloko mo talaga ko manong no? Eh talaga namang libre suka eh. Di mo ko pedeng gulangan. Haaa. Valedictorian ata 'to nung highschool!

Eh luge naman kase ser.

Tatlo naman bibilhin ko eh. Sixteen fifty? Huling tawad na. Sige na manong.

Lugi talaga ser eh.
Pero dahil mabait ka tsaka gwapo. sige na nga, ibibigay ko na sa'yo tatlo - bente nalang. Libre suka tsaka sibuyas. 

*Nag-isip ng mga isang segundo ang Bata

Sige! Madali ka naman palang kausap manong ehh. hehe tenkyu ha? Keep the change. Hahahaha!

*Nag-abot ng bente tsaka dali-daling lumayo*

Sure Iho! Goodluck din sa pag-aaral mo! 




*WARNING: DON'T LAUGH! THIS IS A TRUE STORY"

Wednesday 22 August 2012

Masarap magkaroon ng Boyfriend

Masarap magkaroon ng Boyfriend;


  • Na makulit, mapang-asar, at mapagbiro. Pero seryoso sa relasyon n'yo at nagpaplano para sa hinaharap niyo.
  • Na tinuturing kang isa sa pinaka-matalik nyang kaibigan pero minamahal ka higit pa sa kaibigan.
  • Na tumatawa sa mga jowks mong korni at sumasakay sa mga kakaibang trip mo sa buhay.
  • Na sasamang manunuod ng concert ni Lady Gaga kasama ka. 
  • Na sasamahan kang manuod ng sine at mag window shopping maghapon kahit na sumakit ang paa n'ya kakaikot sa SM Mall of Asia o kahit bagot na bagot sya sa Twilight Saga.
  • Na aaray kahit sa mga kurot at palo mo, kahit hindi masakit.
  • Yung makikipag-kaibigan sa mga kaibigan mo kahit di niya trip ang ilan sa barkada mo.
  • Yung paplastikin ka at sasabihan nang SEXY, kahit alam mo sa sarili mong HINDI naman talaga.
  • Na nanakawan ka ng halik at biglang yayakapin sa harap ng madaming tao.
  • Na itetext ka kung kumain ka na ba? Kung nakatae ka ba o  kakamustahin ang araw mo. Mag-goo-goodnight, Goodmorning, ingat ka, muah muah at tsup tsup.
  • Na lilingon sa mga sexing babae na dadaan pero sasabihan kang "Sexy s'ya, pero mas sexy at maganda ka pa din"
  • Na ipagluluto ka at ipaghahain kahit ang alam lang n'yang iluto ay nilagang itlog at Pancit Canton.
  • Na hindi sasabay sa init ng ulo mo. At hihingi ng sorry kahit di n'ya kasalanan.
  • Na yayakapin ka kapag depressed ka o naiiyak dahil may nangaway sa'yo.
  • Na magseselos sa bokalista ng Callalily.
  • Na sasakay sa mga kalokohang pilit mong pinapagawa sa kanya (ie: mag bakla-baklaan)
  • Aalalayan ka, makikipag HHWW, at ililibre sa mga kainan kahit taghirap din s'ya.
  • Na isasama ka para manuod ng laro nila sa Basketball.
  • Na araw-araw sasabihin at ipapadama sa'yo kung ga'no ka n'ya kamahal at ikaw ang nag-iisang Prinsesa sa buhay n'ya.
  • Yung ngangawa sa'yo with matching tulo ng sipon para lang mapatawad mo sa kalokohang nagawa n'ya.
  • Yung magsasabi sa'yong 

"Ang ganda ng langit 'no? Kaso nakakangawit tumingala. Buti nalang andyan ka, isang sulyap ko lang, LANGIT na."



*Marami-rami pa naman silang ganyan. Mga 249 pa silang natitira sa buong mundo. Dati 250 ehh. Dalian mo lang sa paghahanap dahil nagkakaubusan na. Kapag nakakita ka, wag mo nang pakawalan. Itali mo sa leeg at i-lock mo. Tapos itapon mo yung susi sa inodoro tsaka mo i-flush. Ting! Bongga!


*Masarap sanang magkaroon ng ganyang boyfriend, lalo na kung babae ako. Kaso hindi eh. Kaya girlfriend ang hahanapin ko.


Warning: Obscene Words Found

Nainis akong bigla dahil sa isang napaka-walang modo at tang*ng komento ng isang ka-chatmate (babae, ngunit hindi naman ka-close). Hindi ko alam kung sinasadya n'ya, kung dala ng kamangmangan (clue: marunong din naman s'yang magbasa, magsulat, at gumamit ng facebook), o sadyang matubig lang talaga ang ulo n'ya. 

Nangyari isang araw na nagcha-chat kami sa isang Social networking site na itatago nalang natin sa pangalang, T_____.com™. 


"Balita ko may blogsite ka daw ah?!"
"oo, ibibigay ko link sa'yo." - Copy + Paste link
*basa,basa,comprehend*
"okay ahhh. hehehe eto, meron din ako, try mo basahin din"
-copy + paste link
"ayy, tagalog??" - *log out*

Napakurap lang ako at hindi na nakapagsalita. Naiwan akong speechless habang nakikipagkurapan sa nagbi-blink na mouse cursor. Tan**na. Badtrip yun ahh. 


Hindi ako nabadtrip dahil sa hindi n'ya pag bibigay pansin o pag snob sa mga entry kong walang kalatuy-latoy. Ang kinabad tripan ko lang naman eh yung harapan at bastusang halos pagsasabing "Hindi ako interesado sa Blog mo kasi nakasulat sa FILIPINO". Hindi n'ya sinabi sa muka ko pero halos ganon na din yun. Nakasulat sa Ingles ang blog n'ya at feeling n'ya siguro ang tali-talino at ang cool cool n'ya. At ang pagbabasa ng blog na tulad ng blog ko eh sadyang nakakabobo at nakakaubos ng oras n'ya. Booyset. May mga tao talaga na tang*. Hindi ko parin lubos maisip na sa panahong ito ay may mga tao padin palang mababa ang tingin sa sariling wika. Kailangan ba pag gagawa ka ng entry sa Blogspot eh nasa Ingles? Mas makakaramdam ka ba ng self-satisfaction kapag nasabi mo ang mga gusto mong sabihin sa salitang banyaga? Kapag nakapag-kwento ka ng mga excapades mo sa salitang Griyego? O Naikwento mong nalasing ka sa Gerry's grill sa salitang Pranses? Kapag nagmura ba ko sa salitang Nihonggo, mas cool ako kesa magmura sa salitang Filipino?

Hindi ako nagsusulat ng English na entry kasi ayoko(Bukod sa naglalaway ako kapag nasobrahan ng kaka-ingles). Kaya lang naman ako nag Blog para masabi ang mga salitang hindi ko masabi nang walang iniinom na kape. Kelangan kong ipagsigawan sa madlang people ang mga bagay na gumugulo o tumatakbo sa isip ko kapag nahihirapan akong matulog. Kapag ang diwa ko ay ginigising ng libo-libong kataga na ayaw lumabas tulad ng taeng nahihiyang lumabas pag bago ang nauupuang arinola. Wala na akong gustong patunayan. Pero marami akong gustong sabihin. At ang pagbo-blog ang nakita kong pinaka mabilis na paraan para masabi ang mga gusto kong idaldal. O isuka ang mga letrang nakain sa maghapong pakikipag ututang dila sa aso ng kapitbahay na kahol ng kahol.

Nagpanting ang tenga ko at hindi ko sya mai-chat para makompronta. Ang tanging hiling ko nalang;
Sana mabuhay si Andres Bonifacio at habulin ka ng itak.

Sabagay, masarap ding ilabas ang sama ng loob sa salitang Ingles. "You pissed me off. And I like you for that. So, here's for you. Special delivery with love. Fu*k YOU!!"

Pakiusap lang, hindi ka magmumukang matalino dahil lang sa kaya mong magsalita ng derederetsong Ingles sa pusang-galang Blogsite mo. Subukan mo munang i-evaluate ang;

                         2 sinx - sin 2x
                 Lim    -----------------
                x = 0       x - sin x
                                     
baka maniwala pa ko sa'yo.

*Sorry for the inconvenience that we are. Slow Men at work.*



Friday 17 August 2012

Hipon o Loliipop?

Nitong mga nakaraang buwan, habang ako ay sumasailalim sa matinding depression stage, gumawa ako ng account sa isang social networking site. Anong trip? Makipagkaibigan sa lahat ng pwede, makipag chat sa lahat ng online, nang HINDI nag-uupload ng kahit anong photo maliban sa mga cartoons at mga larawang walang kinalaman sa itsura ko o kung sino man ako.

Anong nangyari at nalaman ko sa mahigit na apat na buwang pagninilay-nilay? Madami-dami naman. 

Karamihan talaga sa mga tao, hindi makikipag kaibigan/chat sa'yo kung wala kang mukha. Para bang ang lahat ay nakasalalay sa kung anong itsura mo bago ka nila pagtuunan ng pansin. Yan ang kalimitang katotohanan. Hindi naman palagi pero yan ang madalas na senaryo.
Tipong, "hi there, do you believe in love-at-first-sight?"
Makikita at babasahin ang message mo, sisilipin ang profile mo at mga albums. At dahil wala ka namang picture
"heh! Shut up assho*e!!*
Hindi ka nila papansinin. Lalaitin. Pagmamalupitan. Pagbubuhatan ng kamay. Ansaklap.
Yung iba naman dahil cool ka sa umpisa ng chat mo at sa mga post mong kakornihan, pagtatyagaan ka. Pero anong mangyayari pagtapos ng isa o dalawang araw na kayo eh nagkaka-chat na? 
Mismo! Manghihingi sila ng picture mo para ma-imagine o magkadetalye kung ang ka-chat ba nila eh kahawig ni Dante Balboa o isang one-eyed monster na kulay green. Pero marunong mag-type.

Naitanong ko na ito dati at uulitin ko lang, mahalaga ba talaga na maimagine mo kung anong hilatsa ng mukha ng kausap mo? Sinabi ko nang hindi ako gwapito o papabol pero nagpumilit ka pading makita ang ebidensya. Na-realize mong isa ako sa pinaka-honest na taong nakilala mo. Pinaka-honest lang talaga. Yun lang.
Anong magagawa mo kung pagkatapos mong mag-enjoy na ka-chat s'ya, nakita mong mukha pala s'yang Gorilla? Oo, mukang Gorilla. Natakot ka kasi hindi mo malaman kung ang nakikita mo ba ay mukha ng tao o kili-kiling magubat. Magpapatuloy ka pa ba sa pakikipagkaibigan sa kanya dahil enjoy s'yang ka-chat at dahil may sense s'yang kausap? O maghahanap ka ng ibang makaka-chat na mas may itsura nga pero malabnaw pa sa lugaw ang utak at puro hangin lang ang kayang ibuga? Bukod pa dyan ang isang libo't isandaan n'yang walang kaepek-epek na mga jowks. Mga panahon pa ni Mahatma. Mag-iiba kaya ang tingin mo sa kanya? Tingin ko, mag-iiba. Nalaman ko, dahil naranasan ko.

Nakakaloko lang talaga ang ibang tao, nagiging basehan ng kung sino ang dapat nyang kaibiganin depende sa kung ano ang tabas ng mukha ng kausap nya. Choosy pa! Akala mo naman. Hindi ko naman sinabing huwag mamili ng tipo ng kakaibiganin pero sana, mabawasan lang yung pagiging choosy. Give chance to others 'ika nga.

Sa totoo lang, hindi ako tumitingin sa itsura ng tao kapag nakikipagkaibigan. Wapakels ako dyan. Karamihan ng kaibigan ko eh may mga itsurang katamtaman lang. Hindi papable at hindi din naman mukang nakuyog ng bubuyog. Yung tipong hindi pang model ng Johnson's baby powder o pang liha ng kahoy. Yung sakto lang. May iba na medyo below average pero ayus lang din. Masarap silang kasama dahil wala silang kaere-ere sa katawan at walang dull moments. Hindi ko naman sila naging ka-close noong una, pero dahil naging kampante ako sa ugali nila at halos pareparehas ang trip naming kainin nung mga panahong yun, naging mga matalik ko silang mga kaibigan. Kinalaunan, nasanay din ako. Sanayan lang naman din yan. Jowk.

Tingin ko nga mas madaling maging ka-close ang mga taong wala kang ideya kung anong itsura. Atsaka may thrill eh. Binabase mo na lang kasi yung magiging "verdict" mo kung papasa sya bilang kaibigan, lover, o kabit mo, sa ugali, jokes at mga pananaw n'ya sa buhay. Hindi dahil magaling syang magsuot ng sleeveless, kita parati ang nangungusap na cleavage o dahil kamuka nya lang si Solenn Heusaff. 

Sa huli, desisyon mo parin yan. Ikaw yan eh. Basta ang ayoko lang, yung hihingan mo ako ng picture dito o kung saan mang social networking site. Mahirap na at baka madiscover pa ako. Tinago-tago ko pa naman lahat ng talents ko. Wala tuloy akong mailabas. Atsaka, malay ko ba kung ipapakidnap mo ako o ipapakulam sa suki mong albularyo. Aba, mahirap na. Pero kung ipapadala mo yan sa ABS-CBN, ibang usapan yan. Marami pa ko ditong 1x1 pictures na whole body. Spare copies na.

Oh ngayon, ano nang problema ko? Wala. Ikaw ba? Ano ba kasing trip mo? 

Hipon?









O Lollipop?












*NONSENSE* MWEHEHEHEHEH.


Saturday 4 August 2012

Itanong KO sa Akin

Minsan ba, dumating ka na sa punto ng buhay mo na wala kang magawa kaya pati sarili mo, tinatanong mo nalang ng kung anu-anong bagay? Maaaring mga bagay na may sense, maaaring wala.
Wala eh, bagot na bagot ka na kasi. At dahil dyan, napag-isip isip kong tanungin na lang ang ilang mga bagay na gusto kong itanong sa sarili ko na syempre ako din ang sasagot. Oh diba, ang exciting? Wala lang, we are on the process of getting to know each other eh. 

Dalawampung tanong na may dalampu't-isang sagot

FAQ me:

1. Ano ang pinagkaka-abalahan mo ngayon?
  • Hindi ko gusto yang tanong mong yan. Pero kasalukuyan akong nagpapaka-busy sa pagsagot ng walang kwenta mong tanong, pag cocompute, pagdodrawing, pagsagot sa telepono at pagpapak ng kettle corn popcorn.
2. Ano ba ang trabaho mo?
  • Madami akong trabaho sa ngayon. Isa akong telephone operator/utility man/liason officer/quantity surveyor/DJ/lover/assistant to the assistant to the assistant to the assistant of Project Manager. Pero isa akong Civil Engineer in profession. 
3. Sa tingin mo, kung hindi ka Civil Engineer ngayon, ano ka pala?
  • Wow! Very interesting question. Siguro kung hindi ako naging engineer, baka naging isa akong Astronaut. Mahilig ako sa Science nung bata at trip kong mag time travel. Pero dahil mahal mag-aral ng Space Engineering and time travelling so, ok na ko sa pagiging Engineer ko.
4. Kung magiging halaman ka, anong gusto mong maging at bakit?
  • Talaga naman. Parang pang Miss Universe ang mga tanungang ganito ahh. Kung magiging halaman ako, gusto kong maging CACTUS. Dahil ang CACTUS ay MATINIK. 
5. Bukod sa pag-inom paminsan-minsan, ano pa ang matatawag mong bisyo mo sa buhay?
  • HAHAHA. Hindi ako mahilig uminom. Chismis lang yun. Ang totoong bisyo ko eh ang pagkaskas ng paa ko sa blueng kulambo. Hindi ko kayang mabuhay ng walang kulambong kasama. 
6. Weird ka.. Siguro wala kang girlfriend ngayon. Ano ang pamantayan mo sa pagpili ng magiging girlfriend mo?
7. Mahusay kang sumagot at talagang bibo. Mukang napaghandaan mo 'to ng maayos ah.
  • Huwag kang mambintang! Ang lahat ng mga tanong at sagot na mababasa mo dito ay pawang impromptu. Hindi ko lang sigurado kung tama ba ang spelling ko ng IMPROMPTU.
8. OWSSS?? Naniniwala ka ba na ang mga lahat ng tao ay nanggaling sa UNGGOY?
  • Edi wag kang maniwala. pekyu! Hindi ko lang alam sa pamilya mo ha, pero hindi ako naniniwala dyan. Mas naniniwala pa 'kong ang lahat ng tao ay nanggaling sa bulaklak ng LOTUS.
9. Bulaklak ng LOTUS?? Sira ba ang ulo mo?
  • Hindi! Seryoso ako dyan. Wala lang. Kanya-kanyang trip yan brod. Walang basagan ng trip. Kung gusto mong maniwala na nanggaling ka sa unggoy, wala naman akong magagawa dyan.
10. May gusto ka bang itanong sa akin?
  • WALA!! Anlakas ng tama mo ah. Ano ako, praning???
11. Okay fine. Ikaw naman, di ka na mabiro. Oh eto, medyo challenging, WHAT IS LOVE? HAHAHAH Patay ka dyan!!
  • Naknampu******. Iyan ang mga tanong. Okay game. Ang LOVE ay isang pakiramdam na nararamdaman ng isang tao. Hindi nakikita pero kailangan mong ipakita. Hindi nakakain pero nakakabusog ng pagkatao. Ito ay iyong pagkakataon na para kang sinasaniban ni Balagtas at magpapaka-korni. Susulat ng tula para sa mahal mo. Manliligaw, magbibigay ng bulaklak at tsokolate kasehodang walang matirang pambaon. Sumasaya ka sa piling ng isang tao. Palagi syang dumadalaw sa panaginip mo. Lagi kang matutulala at mapapangiti. Nakakaramdam ng security sa tabi nya, ng kakuntentuhan sa buhay, ng isang uri ng inner peace o isang di maipaliwanag na enjoyment. Mahirap sukatin ang salitang yan at bigyan ng kahulugan. Ikaw lang ang makakapag sabi kung in-love ka at lalong ikaw lang ang makakapag bigay ng kahulugan.
12. Masyado kang seryoso. Love is BLIND lang ang alam ko tapos ikaw ang dami mong alam. Talaga bang hindi mo pinaghandaan ang interview na 'to??
  • Ang kulit mo! Para kang AKO ah!! Ayokong sagutin ang tanong mo. PASS!!! 
13. Wow, suplado. Parang ako lang. Tingin ko magkakasundo tayo. Anong peborit mong food?
  • hahahaha! Oo nga eh. Hmm.. Food. Depende sa mood ko. Mahilig ako sa gulay o kung anong luto ng manok o baboy. Adobo, sinigang na buto-buto, sisig o kaya eh mga inihaw na isda o barbeque. Mahilig din ako sa tapsilog o kaya eh tuyo at itlog lalo na sa umaga.
14. Grabe! Napaka-compatible talaga natin. Pati pagkain halos parehas tayo ng gusto. Ayaw mo din ba ng ATAY, SHELLS, LAMANG-LOOB, BALOT, KAMBING, at iba pang exotic foods? Tsaka mahilig ka sa maanghang??
  • Tama ka dyan! Coz, I'm HOT!! Talagang compatible tayo. Feeling ko crush na kita. Ayoko ng mga pagkaing yan. At ayoko ng mga pagkaing hindi ko gusto ang itsura. Maarte ako sa pagkain.
15. Anong mga hobbies mo? Baka sakaling parehas padin tayo.
  • Ang maglaro ng basketball, mag laro ng video games, mag drawing, magsulat, magbasa, maglakbay gamit ang bike, matulog, kumain, matulog at mag pagulong-gulong.
16. Yun lang! Di tayo parehas dyan. Di na 'ko nakakalaro ng videogames ngayon tsaka hindi ako mahilig mag pagulong-gulong.
  • Oh eh anong pakelam ko naman sa'yo? Akala ko ba magtatanong ka lang? Bakit ka nagkekwento? Nang-aagaw ka ng moment ehhh.
17. Ay sorry, sorry. Di ko naman sadya. Are you an Anti-RH or PRO-RH?
  • Katulad ng stand ko parin noon, suportado ko ang RH-bill at ang responsableng paggamit ng kalayaan para sa tamang pagpapamilya. Sa panahong lumulobo na ang populasyon ng Pilipinas, nararapat lang na tugunan natin ang lumalalang problema at ang mga kaakibat na mas malaking problemang dala ng kamangmangan at saradong isipan. Hindi magandang masarapan ng isang gabi at magdusa nang ilang dekada. Buti ba sana kung ikaw lang ang magdudusa. MABUHAY ang PILIPINAS!!!
18. MABUHAY!! TEKA, may duda ko sayo ahh. MANYAKIS ka no???
  • Pag pro-RH, manyakis na agad???? PASS..

19. HAHAHAHA! Mayroon ka bang mensahe para sa mga kabataang nagbabasa ngayon nito?
  • Mga bata, huwag tutularan ang ginagawa kong ito. Humingi ng ekspertong payo galing sa mga nakakatanda ukol sa pinagbabawal na gamot at huwag kalimutang tumawag sa Diyos lalo na kapag matindi na ang pinagdadaanan mo, hindi yung kung anu-ano ang bigla mong pinagtitripang gawin nalang. Pagbutihin ang pag-aaral at wag papabayaan ang kalusugan. Kumain ng kalabasa para luminaw ang mata. At higit sa lahat huwag masyadong maging gahaman sa pag online sa mga social networking sites. I, thank you!
20. Okay, last na. Palagay mo, bakit may mga taong gumagawa ng ganitong klaseng trip sa buhay nila?
  • Dahil katulad ko, maraming tao ang nababagot, nalulumbay at inaantok sa mundong ito. At hindi kayang tanggalin ng kape ang antok ko.

  • 3.141592654!!! 
     HAHAHAHAHAHA Diba value ng PI ang itatanong mo sakin? Ang galing ko!! YESSSSSSS!!!!!!!

*napalunok ako*

Monday 30 July 2012

Inuman o Tradisyon?

A-LAK - ay kahit anong inuming nakakalasing. Mayroong ethanol at sumailalim sa masusing proseso ng distillation na nanggaling sa fermentation ng mga grains, prutas o di kaya naman ay gulay. Best serve when ice-cold.

Nabasa ko lang yan pero hindi ko naintindihan, tsaka katulad ko, wala ka din namang pakelam d'yan eh. Sigurado ako dun. Who cares about the process. Inumin ang dapat inumin, ubusin ang dapat ubusin.

Beer - Ordinary
Wine - Sosyalin
Hard - Kung tambay
Gin - Pang Hardcore na sunog baga




Hindi ko pa'rin lubos maisip kung bakit ang mga Pilipino eh sadyang matatakaw sa inom. Mapa-lalaki man o babae. Parang hindi kumpleto ang isang selebrasyon o umpukan kung walang usapang lasheng. Akala mo naman kung ga'no kasarap. Eh ang pakla-pakla naman. Sabi nga ng barkada ko nung tinanong ko kung bakit dapat may inuman kapag may kwentuhan, ang sagot nya:
"Pre, anlagay naman gatas ang inumin natin habang nagkekwentuhan?"


Napaisip ako. Oo nga naman. Pero bakit hindi juice o kaya eh kape.Siguro nag-iiba lang talaga ang taste ng tao kapag lumalaki sila.


2nd year high school ako natutong uminom sa tulong ng magaling kong kuya at barkada. Sabi nila walang pilitan, pero nung nagtagal hindi nila natiis at pinilit na nila ko. Ang galing! 3rd Year College ng maranasan kong halos araw-araw na uminom. Sa tulong ng barkada at mahahabang breaks pagtapos ng subjects, naisakatuparan namin ang aming bisyo. Nag-iba ang lasa ng Red Horse. Hindi na mapakla at sumakto na sa taste buds ko. At nagka ulcer ako with matching UTI. Thank you talaga Red Horse. Anlaki talaga ng pasasalamat ko sa'yo. 


Pasko, Bagong Taon, Fiesta, Binyag, Kasal, Araw ng patay, May namatay, may nanganak, araw ng sahod, walang sahod, Birthday, Holiday, Monday, Tuesday, Wednesday, Thirstday, Frieday, Sabeerday, Sunday, everyday is a party rock day. Walang pinipiling oras at araw. Umaga o gabi, Umulan man o umaraw. Hindi pwedeng walang inuman.

Depende sa iinom, sa trip ng mga kainuman, mamimili kayo ng inuming hiyang kayong lahat, abot kaya, masarap na pulutan, maitim na balak at tsismisang aabot ng magdamagan. Ayon nga sa matandang kasabihan, "kapag may ALAK, may BALAK". Mwehehehe!


Maraming nadudulot na magandang bagay ang lasingang usapan. At madami ding hindi maganda. Depende sa kasamang uminom. Dito nagsisilabasan ang iba-ibang mukha ng mga kainuman mo na hindi naman nakikita kapag wala sila sa espiritu ng alkohol. Yung pakikisama, kadaldalan, kakulitan, kaharutan, ka-sentihan, reservations, englisan, at yung ka-sweetan. May maghahamon ng suntukan at mag-aala Jet Li o Jacky Chan. May huhugot ng mahiwagang tabak at mag-aala Joaquin Bordado o mamamaril ng tao na parang namamaril lang ng pusa. Yung iba, akala mo si Coco Martin at magdadrama habang tulo-laway. O mag aala- Charice Pempengco at bibirit ng My Way. May mag aala Diana Zubiri at mang-aakit ng lalaki o di kaya ay si Leonardo Valdemor na mangre-rape ng babae. Talu-talo na basta nahilo. Kahit tabingi ang mukha, akala mo si Channing Tatum na o kaya si Megan Fox. Ahayyy, naloko na!! Maraming nasasaksak, nagbubuntis ng wala sa oras o kaya eh nababasag ang bungo dahil sa sobrang pag-inom kasama ang di masyadong mga kakilalang kainuman. May manti-trip at di maiiwasan. At may iiyak dahil sa nagka break sila ng syota nyang tumagal ng 2 months tapos pinerahan lang sya. Tsk, ansaklap. 


Ang sabi nga, ang pag-inom ng alak ng mga Pilipino ay isa nang uri ng tradisyon/pakikisama at hindi simpleng harangan lang sa kanto. Marami kang makikilalang mabuting kaibigan o mabuting kaaway. Hindi naman pinagbabawal basta sakto lang. At sabi din ng gobyerno, "DRINK MODERATELY". Kung iinom, siguraduhing magtitira ng pamasahe at katinuan para makauwi. Kung hindi naman, huwag nang subukang maging explorer at hayaan bumaba ang amats bago umuwi at para di mapahamak. TANDAAN: Hindi ikaw si Dora kaya wala kang Magic Map o sidekick na unggoy, at nagkalat ang swiper. Lalo na sa bandang Ermita, Cubao at Recto. Ilagay ang ininom sa tyan at wag sa ulo. Wag masyadong makulit. Magdala ng plastic bag kung sakaling susuka at wag lang basta ilagay o isuka sa bag. Nangagamoy yan pre. Isipin mo palagi, KAHIT ANONG TAKAW MO PA SA ALAK, HINDING-HINDING-HINDING-HINDI MO MAUUBOS ANG ALAK SA MUNDO, kaya hinay-hinay lang pre. At isa pa, ibubulong ko nalang sa'yo, *wag masyadong matakaw sa pulutan*.

Ngayong malinaw na ang usapan, kumuha ka na ng mesa, umorder na ng beer, bumili ng sisig at kumuha ng gitara. Tara, SHOT NA!!!

INGAT!!


Ganito sana ko kapogi dati eh. Sayang talaga :D



Friday 13 July 2012

Para sa'kin lang

Ang pagtatapos ng isang kabanata sa libro ng buhay ay hudyat naman ng pagsisimula ng mas bago, mas kapana-panabik at mas kaabang-abang na kabanata. Nawa'y maisulat ko ang aking libro sa paraang pinaka-gusto ko at pinaka-masaya ako.




-- Ako Ito--



Kwentuhang Hagdanan - Series Opener

Itinatampok ang apat na ordinaryong magkakaibigang iba-iba ang personalidad at paniniwala. Pilit gumagawa ng puwang sa masikip na mundo.Sumama sa kanilang paglalakbay na puno ng asim, tamis, anghang, alat at pait sa planetang umiikot sa araw ng 365 and one-fourth days.


Halika't maupo muna. Sumandal. Kumuha ng matsi-chicha. Malapit ng mag-umpisa. Bawal ang maingay at hidden camera. Tara na.


Abangan...

Tuesday 10 July 2012

Linis Linis din

Pagkatapos ng ilang linggong pag hyhybernate, maglilinis muna ako ng aking blogsite.


Andami ng agiw


LINIS...
LINIS...
LINIS...




Ayan malinis na. ZzzzzZZZzzzzzz...........


Tulog ulit



Wednesday 20 June 2012

Quater-life Crisis


Sa pagbababad ko sa Wikipedia website  at kwentuhan ng barkada habang nag iinuman, na-curious ako sa topic na Quarter-Life Crisis. At dahil sa wala naman akong mai-post na matino dito sa blogsite ko, ito ang pinakelaman ko muna. Makatulong sana sa mga kabataang naliligaw ng landas at mas gustong suminghot ng rugby, magdrugs, mag inom, magtetext nalang o kaya eh magpakamatay. Sa panahong maraming nakahaing oportunidad at pintong nabubuksan na nangangako ng maliwanag na bukas ng isang tao, dadalawin ka ng isang di pangkaraniwang kaaway. Kaaway na kailangan mong harapin at talunin. 


Isa sa mga mahirap na pagdadaanan ng mga young adults papunta nila ng adulthood. Karaniwang mararanasan daw ito sa edad 20-30. Sa ganyang age bracket mo sya daw yan mararamdam. So, pinapalagay na hanggang 80-120 years old ka mabubuhay. Kaya kung nakaramdam ka ng krisis sa buhay mo ng mga 15 years palang, nako delikado kang bata ka. 15*4 = 60 years. 60 years ka lang mabubuhay brod. Saklap! Panahon daw ito na hindi mo maiintindihan ang sarili mo at ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Period of uncertainty, anxiety at inner problems. English kaya medyo dinugo ako. Sa panahong ito normal lang na hindi ka makapamili ng cool na cover photo na ilalagay sa timeline, ringtone na gagamitin sa cellphone, kukuning trabaho, tatambayang club, kulay ng buhok, kulay ng nail polish, palaman sa tinapay at kung anong trip ba talaga ang gagawin mo sa buhay mo.  Nakakalungkot na dito sa age bracket na to (statistically) maraming nagpapakamatay. 'Di lang dito sa Pilipinas yan kundi sa buong mundo. 


Ayon sa isang article na nabasa ko, ang graduation sa college daw ang isa sa pinaka malaking senyales na magsisimula na ang iyong quarter-life crisis. Magkakaroon ka ng transition from early adult to adult stage. Kumbaga sa Pokemon, mag-eevolve ka na. From Pikachu to Raichu. Tapos ka ng mag-aral pero hindi mo na naman alam kung anong susunod na gagawin o kung saan ang susunod na landas na dadaanan mo. Overwhelming feeling na graduate ka na sa wakas, tapos ka nang magpakapuyat sa exam, manligaw ng professor at magkakatrabaho ka na pero parang alangan ka, kasi binabagabag ka ng utak mo kung kaya mo na ba talaga. Nawala ka na sa "comfort zone" ng College life at mga kaibigang unti-unting umaalis sa buhay mo habang tinatahak ang buhay nilang hindi ka kasama. Nag-aalala ka kasi yung mga ka-batchmate mong mas matalino ka pa, may nakuhang trabaho sa loob ng dalawang linggo pero ikaw dalawang buwan ng nag aaply pero puro "Thank you. We'll call you after 10 years" ang sinasabi. Isa kang graduate na tambay! Hahays, ansarap ng buhay no?? Nakakuha ka ng trabaho pero bukod sa mababang sahod at benepisyo, hindi mo rin naman gusto. Pero sa hirap humanap ng trabaho, magtitiis ka nalang sa trabahong hindi naman talaga linya ng tinapos mo. Samantalang yung iba, bakit ganon, maganda ang trabaho, maganda ang sweldo, maganda ang chicks, nagagamit ang pinag-aralan at walang pasok tuwing sabado? Feeling mo pinagkakaitan ka. Feeling mo walang tama sa ginawa mo. Feeling mo ikaw ang pinaka-kawawa. Feeling mo pagod ka na. Feeling mo wala ng pupuntahan ang buhay mo. Sira-ulo ka kasi eh. Hilig mong mag-feeling. Wag kang matakot sa hinaharap. Nakaranas din ako ng ganyan kaya naiintindihan ko, tingnan mo naman, lumipas din. Hindi mo yan mapipigilan kasi bahagi yan ng pagtanda. Ako ang kumausap sa sarili ko noong panahong dinadalaw ako ng crisis na yan. Ang gulo-gulo ng isip ko no'n at talagang hindi makapag-decide sa kung anong gustong gawin sa buhay. Hindi ako nanghingi ng tulong sa ibang tao o nagkwento na may pinagdadaanan akong problema. Pero kung di mo kayang solohin, gusto kitang tulungan;


PAYO MULA SA NAGMAMARUNONG:


Dahil hindi mo mapipigilang tumanda, tanggapin mo lang. Huminto ka muna sandali at huminga ng malalim. Mag-isip. Magkuro-kuro. Magpahinga kung napapagod. Hindi naman karera ang buhay. Tandaan: Ang mga taong nagmamadali, sa ambulansya sumasabit. Huwag maging insecure. May kanya-kanyang oportunidad ang bawat tao kaya iwasan mong ma-insecure o mainggit sa mga kaibigan mo. Mas maganda kung magiging masaya para sa kanila at subukang mag plano ng long-term goal para naman hindi ka habang-buhay maging aliping sagigilid. Hangga't maari, ipractice ang natapos na kurso. Dahil iyan ang tinapos mo! Magtiis muna sa maliit na kikitain sa umpisa at wag magpabulag sa naglalakihang offers ng Call center companies. No offense sa kanila pero kung hindi mo talaga yun linya o di talaga gusto, wag mong pilitin ang sarili mo. Darating ka rin sa puntong lalaki ang sahod. Tamang diskarte lang at galingang magbenta ng beauty products o Brang makukulay mula sa AVON. May mga kaibigan kang aalis sa buhay mo, malilimutan ang utang sayo o kaya eh mangingibang bansa. May mga matitira at sasamahan ka sa paminsan minsang reunion/inuman/sentihan. Magpasalamat sa kanilang lahat. Wag masyadong alalahanin ang bukas na walang kasiguraduhan kasi, bubukas ang mga oportunidad sayo, maghintay lang. May kakilala akong tao, nagtiis sa trabahong mahal nya sa loob ng limang taon kahit mababa ang sahod. Natuto at nagsumikap. Sa edad nyang 26 (habang sinusulat ang entry na'to), sumusweldo na sya ng 30mil kada buwan. Habang NAG-EENJOY. Kumuha ng inspirasyon mula sa Diyos, pamilya, mga mahal sa buhay, bagong panganak na aso, boyfriend/girlfriend, ex, mga kaaway, mga kaibigan, o di kaya sa mga mga tsismosang kapit-bahay na nagsasabing hindi mo kaya. Isa sa pinaka-masarap na feeling eh yung papatunayan mo sa iba na kaya mo kahit sinasampal ka na nila sa mukha ng "Hindi mo yan KAYA". Easy ka lang sa buhay.  



Sabi nga ni Ranchoddas Chanchad sa 3 Idiots 


"Pursue Excellence, and success will follow you, pants down" 


Kilala mo ang sarili mo, alam mo kung paano ba ang dapat gawin. Hindi sagot sa problema ang maagang pagbubungee-jumping ng walang rope o pakikipagpatintero sa naglalakihang bus sa EDSA. Pero kung sa tingin mo di mo na kaya pero walang nakikinig sayo at kelangan mong humingi ng tulong o payo mula sa ibang tao, I'm more than willing to help. Just comment lang. Susubukan kita tulungan sa abot ng aking makakaya. 
Note: Wag mag-alala, konti lang akong kumain. :D


*Wag wakasan ang buhay. Dahil ang buhay ay makulay lalo na kapag may sinabawang gulay.






Friday 15 June 2012

Dis-Appointment and/or Frustrations

Lahat naman nang tao may kanya-kanyang disappointments or frustrations sa buhay n'ya. Yung ibang tao, nadidisapoint sa mga bagay tulad ng hindi natuloy na pangarap, nabuntis ng maaga, nawasak na relasyon, pangit na hilatsa ng muka at mga chicks na hindi naligawan dahil sa katorpe-han.

Meron akong mental list ng mga kapalpakan ko sa buhay na nagdulot ng disappointment sa'kin. Yung mga exam na naibagsak dahil sa kakulangan ng paghahanda o kaya katamaran. Mga kalokohang na nagbunga ng mas nakakalokong epekto sa buhay ko. Namintis na mga oportunidad, maling mga desisyon sa buhay, at mga hindi naituloy na plano.

Kakaunti sa mga yan ang pinagsisihan ko. Nanghinayang, OO, pero nagsisi, HINDI. Hindi ako nagsisisi sa mga bagay na nagawa ko kasi para sakin, lahat ng mga nangyari sa buhay ay recipe ng kung pano ako naging ganito. May tamis, anghang, asim, alat, pakla, lapot at linamlam. Parang binudburan ng Maggi Magic sarap. Parang gusto ko palagi mabubuhay ako at mamamatay ng walang pinagsisisihang kahit ano. Yun ang gusto ko pero hindi naman nangyayari talaga. Kaya may panghihinayang parin kahit papano pero deretso lang ang daloy ng buhay. Normal lang naman yun. Ang ayoko lang e yung mabuhay sa panghihinayang.

Major disappointment ko yung hindi ako nakapasa sa UP diliman. Mataas ang tingin ko sa eskwelahang yan pero sa kasamaang palad, hindi ako nakapag-aral ng maayos at nagkasakit ako habang nag-eexam na naging dahilan ng mababang grado at pagka disapprove sa UPD. Dissapointed ako sa sarili ko kasi di ko magawang mas madalas na makapag drawing o makapagsulat. Dinadalaw akong madalas ng katamaran. Napapabayaan ang mga bagay na dapat pinapraktis ng husto para hindi kalawangin. Yung ngang hindi ko pag-graduate on time dahil sa bullshit na pangyayari sa buhay ko, hindi ko din pinagsisihan eh. Yun nga lang, iniyakan ko. Nagkaroon ako ng sirang relasyong pilit kong inayos pero hindi naremedyuhan. Umiyak din ako at nanghinayang. Disappointed ako sa naging performance ko sa board exam ko dati. Nagkasakit na naman ako at hindi naging maganda ang kundisyon ko habang nag eexam. Dalawang araw ang exam pero dalawang araw din akong nakikipaglaban sa sakit ko. Inatake ako ng sakit. Siningil ako ng katawan ko sa mga pagpapabaya at pang aabuso ko sa kanya. Gumugusto ng major overhaul ang katawan ko pero ayaw kong pagbigyan eh. May kamahalan ang mga pyesa. Kahit naging ayos ang resulta, nadisappoint padin ako sa nagawa ko dahil alam kong hindi iyon ang the "BEST" ko. Nagpapakopya akoat nangongopya mula elementary hanggang college at ilang beses na kong nahuli't naparusahan. Di naman ako nagsisi. Ansaya nga eh.. Kasama sa thrill ng pagiging estudyante.

Iyan lang ang medyo natatandaan ko dahil binabaon ko agad sa limot ang lahat. Ang marami kasi eh yung mga naubos na oras sa paggawa ng mga kalokohan na imbes sana eh ginawa ko ng mas kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pagbabasa, pagsusulat, pagdodrawing, O pagtulog. Kaya lang, wala na namang akong magagawa sa mga bagay na natapos na kaya hinahayaan ko nalang. Pinapagaan ko nalang ang loob ko sa pagsasabing kaya hindi binigay sakin yan kasi hindi para sakin. (Kahit ang totoo, labag to sa paniniwala ko)


Kahit hindi ako yung klase ng taong tumitingin sa nakaraan para magsisi sa mga maling desisyon sa buhay, minsan naiisip ko parin na "Ano kayang nangyari kung ganito yung ginawa ko dati?". Alam mo yun, na-aamazed akong malaman kung ano kayang mangyayari sakin kung sakaling iba yung ginawa kong desisyon sa buhay ko. Tipong mga alternative timeline. Dahil sa pagkakalulong ko sa mga RPG games sa Playstation, naging curious ako sa mga temang may kinalaman sa alternate world o kaya eh time travel. Angaling kasi eh. Mapapatanong ako sa sarili ko kung ano kayang ginagawa ko sa mga ganitong oras. Ano kayang naging future mo kung hindi ka nabuntis ng maaga? Kung hindi ka nakinig sa barkada mong magtake ng Law? Kung lumiko ka pala sa kanto nang EspaƱa imbes sa Morayta? Kung hindi mo pina-share si miss maganda ng upuan sa canteen? O kung hindi ka nahuling nangongopya ni Mam sa Trigonometry subject nyo? O kaya kung hindi ka namatay noong 12 years old ka? Ano nga kaya? Wala nang nakaka-alam at wala nang makaka-alam kung anong mangyayari.

Maraming naituturong bagay-bagay sa'tin ang mga disappointment na to. Palagay ko, isa 'to sa mga makapangyarihang pwersa na naghuhulma sa katauhan o personalidad ng isang tao. Gustuhin man n'ya o hindi, magbabago ka nang dahil d'yan. Hindi mo mapapansin. Maaaring hindi mo kayanin ang frustration mo at magpatiwakal ka nalang gamit ang bread slicer o kaya naman eh magsilbing inspirasyon sa'yo ang mga 'to para mas maging matatag at mabuting tao. Lalaki kang may laban sa buhay. Parang Bonakid lang. Marami kasi sa mga tao ang dinidibdib masyado yung mga naging failure nila sa buhay. Imbes na maging aral yung mga pagkadapa nila para mas maging matatag sila, nagiging pabigat pa lalo sa kalooban nila dahil hindi sila makapag "move-on". Sa tingin ko naman konti lang ang susi para maka-usad ka sa mga disappointment mo sa buhay. Una, tanggapin mong nagkamali ka at matuto sa naging pagkakamali mo dahil hindi lahat ng bagay ay makukuha mo. Mas marami kang matututunan sa pagkakamali at pagkatalo kesa palagi kang winner. Pangalawa, mabuhay ka at enjoyin ang bawat ginagawa mo, araw-araw, gabi-gabi, minu-minuto at segu-segundo. Sa pamamagitan nito, hindi ka magsisisi sa buhay kahit gaano pa kagago yung pinag gagawa mo. Okay lang lumingon pero wag parating nakalingon. Bukod sa magkaka stiff neck ka, hindi ka uusad talaga. Nakakita ka na ba ng drayber ng jeep na nagpapatakbo ng sasakyan nya pero panay ang sulyap sa likod para magsukli? Diba ang bagal? Ganyan din ang buhay na makukuha mo. Di mo lang napapansin kasi masyado kang focus sa nakaraan at hindi sa kasalukuyan o hinaharap. Lumingon paminsan-minsan para tingnan kung ano dati ang buhay mo at matuto mula dito. 

Pangatlo at higit sa lahat, magpasalamat sa Diyos sa bawat araw na inireregalo nya sa'yo, kaya nga ang tawag sa kasalukuyan ay PRESENT diba? Make the most of it. Everything else will follow.

Minsan lang kasi, masarap pa ding mag review. :)


http://3.bp.blogspot.com/-A5r3WEZ9ITo/Tm7UbwW4EmI/AAAAAAAAAj0/VVF3v8hE5KA/s400/time+machine.jpg


Basha: I wanna stop wondering, what if.. I want to know what is.. 
ONE MORE CHANCE


Tuesday 12 June 2012

Sulat para sa'yo

April 28, 2012

Dearest Love,

I Love You. 


Ilang beses mong nadidinig sakin ang 3 words na yan sa isang araw. Tatlo hanggang sampu o mas madaming beses isang araw. Araw araw, sa loob ng limang taon at apat na buwan nating pagsasama. Sinasabi ko at pinapadama sayo kung gaano ka kahalaga sakin at kung gaano kita kamahal. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay na kaya kong gawin para sayo at para sa relasyon natin. Pero hindi pala sapat lahat ng bagay na yon para mag stick ka sakin. Unti unting nagsawa ka. Humingi ng space. Hindi ko akalain na ang maging astronaut pala ang pangarap mong maging paglaki mo. Things are not the same anymore. To be specific, you are not the same anymore. Wala ka nang oras para sakin. Ang sabi mo pa nga, nagsasawa ka na. Paulit-ulit ang ilang bagay sa buhay natin at relasyon. Iisang lakad, isang pinupuntahan. Akala ko dati hindi tayo darating dito sa ganitong punto ng relasyon. Akala ko kapag binigay ko ang lahat lahat ng kaya kong ibigay at ubusin, magiging ayos ang lahat. Akala ko walang makakagiba satin. Sa lahat ng pinag samahan natin. Mga okasyon ng bawat pamilya, galaan natin, mga pag aalaga sa isat isa, mga simpleng asaran, mga bagay na naituro natin sa isat isa. Natuto tayo, lumaki ng sabay. Tawanan, iyakan, lambingan, kulitan, galit, tampo, bati, lahat ng klase ng emosyon. Binalot nyan yung relasyon natin. Relasyong akala ko pang habang buhay. Biruin mo, ang dami nating pinag daanan, from thick through thin nasa tabi tayo ng isa't isa. Tipong till death do us part na. Bull shit, yun pala ako lang ang may akala nun. Nabuhay pala ko sa maling akala. Wala na yung dating lambing, spark, yung mga pangako na walang magbabago satin, na lahat sabay nating tatahakin, na walang bibitaw satin kahit gano kahirap ang nasa harap natin. Masakit sobra. Hindi ko kayang sabihin sayo nang personal kaya dito ko dinadaan sa sulat. Tingin ko maiiyak ako kung magkaharap tayo at sasabihin ko sayo to ng personal. Humihingi ako sayo ng pagkakataon na pag usapan ang mga bagay sa pagitan nating dalawa pero hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon. Sa tuwing lumalapit ako sayo at humihingi ng konting pansin mo, mas nasasaktan ako. Lumalayo ka lalo eh. Anong gagawin mo? Sa barkada ang tuloy mo. Kung papapiliin ka kung sabay kaming nagyaya ng kabarkada mo, alam kong tatanggihan mo ang yaya ko. Bakit? Dahil madaming beses mong ginawa sakin yan. Paulit ulit. At sa bawat ulit ng mga pangyayari, nagtatampo ako. Pero hindi ko magawang magalit sayo. Iniintindi kita. Kesyo busy ka sa trabaho, kailangan mong mag enjoy kasama ang mga kaibigan mo, stress, lahat ng bull shits na yan. Pilit kitang iniintindi. Pero hindi ko alam na darating ako sa puntong mapupuno na. Na magbuburst ako sa galit. Talagang sumuko na ko. Sorry. Hindi ko na kasi kaya talaga. Sa lahat ng pahirap mo sakin, mentally and emotionally. Drained na ako. Wala na akong ibang gustong gawin kundi ilabas lahat ng sama ng loob ko sayo. Sa lahat ng ginawa mong pambabalewala sakin, sa pagiging manhid at higit sa lahat yung panloloko mo. 


Salamat ng marami sa mga ala-alang iniwan mo sakin. Bitter sweet memories. Nakakalungkot lang tsaka nakakapang hinayang pero ayaw ko ng masaktan pa. After 5 long years of being with you, I will now be walking the path of life on my own. I love you but I have to set you free. Para sa kapakanan nating dalawa. I'll get my life back and you can have yours, too. Nakakapanibago na gigising ako sa umagang wala ka na. Wala nang good night, kisses, text na malambing, mga simpleng ingat, o kumain ka na ba? Madami akong mami-miss. Ang hirap hirap. Hahanapin ko muna ang sarili ko at sana ganon din ang gawin mo. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa hinaharap pero sana maging maganda ang lahat para sa buhay mo, career at muling pag-ibig. Maraming salamat and sorry din sa mga pagkukulang ko. Sa susunod na magkita tayo, iba na ang scenario. And I wish you all the best in life. Paalam.

Nagmamahal,
Charlie (Di tunay na pangalan)

*Insert Director's Cut - Kamikazee song Here*