Search for Me

Wednesday 22 August 2012

Warning: Obscene Words Found

Nainis akong bigla dahil sa isang napaka-walang modo at tang*ng komento ng isang ka-chatmate (babae, ngunit hindi naman ka-close). Hindi ko alam kung sinasadya n'ya, kung dala ng kamangmangan (clue: marunong din naman s'yang magbasa, magsulat, at gumamit ng facebook), o sadyang matubig lang talaga ang ulo n'ya. 

Nangyari isang araw na nagcha-chat kami sa isang Social networking site na itatago nalang natin sa pangalang, T_____.com™. 


"Balita ko may blogsite ka daw ah?!"
"oo, ibibigay ko link sa'yo." - Copy + Paste link
*basa,basa,comprehend*
"okay ahhh. hehehe eto, meron din ako, try mo basahin din"
-copy + paste link
"ayy, tagalog??" - *log out*

Napakurap lang ako at hindi na nakapagsalita. Naiwan akong speechless habang nakikipagkurapan sa nagbi-blink na mouse cursor. Tan**na. Badtrip yun ahh. 


Hindi ako nabadtrip dahil sa hindi n'ya pag bibigay pansin o pag snob sa mga entry kong walang kalatuy-latoy. Ang kinabad tripan ko lang naman eh yung harapan at bastusang halos pagsasabing "Hindi ako interesado sa Blog mo kasi nakasulat sa FILIPINO". Hindi n'ya sinabi sa muka ko pero halos ganon na din yun. Nakasulat sa Ingles ang blog n'ya at feeling n'ya siguro ang tali-talino at ang cool cool n'ya. At ang pagbabasa ng blog na tulad ng blog ko eh sadyang nakakabobo at nakakaubos ng oras n'ya. Booyset. May mga tao talaga na tang*. Hindi ko parin lubos maisip na sa panahong ito ay may mga tao padin palang mababa ang tingin sa sariling wika. Kailangan ba pag gagawa ka ng entry sa Blogspot eh nasa Ingles? Mas makakaramdam ka ba ng self-satisfaction kapag nasabi mo ang mga gusto mong sabihin sa salitang banyaga? Kapag nakapag-kwento ka ng mga excapades mo sa salitang Griyego? O Naikwento mong nalasing ka sa Gerry's grill sa salitang Pranses? Kapag nagmura ba ko sa salitang Nihonggo, mas cool ako kesa magmura sa salitang Filipino?

Hindi ako nagsusulat ng English na entry kasi ayoko(Bukod sa naglalaway ako kapag nasobrahan ng kaka-ingles). Kaya lang naman ako nag Blog para masabi ang mga salitang hindi ko masabi nang walang iniinom na kape. Kelangan kong ipagsigawan sa madlang people ang mga bagay na gumugulo o tumatakbo sa isip ko kapag nahihirapan akong matulog. Kapag ang diwa ko ay ginigising ng libo-libong kataga na ayaw lumabas tulad ng taeng nahihiyang lumabas pag bago ang nauupuang arinola. Wala na akong gustong patunayan. Pero marami akong gustong sabihin. At ang pagbo-blog ang nakita kong pinaka mabilis na paraan para masabi ang mga gusto kong idaldal. O isuka ang mga letrang nakain sa maghapong pakikipag ututang dila sa aso ng kapitbahay na kahol ng kahol.

Nagpanting ang tenga ko at hindi ko sya mai-chat para makompronta. Ang tanging hiling ko nalang;
Sana mabuhay si Andres Bonifacio at habulin ka ng itak.

Sabagay, masarap ding ilabas ang sama ng loob sa salitang Ingles. "You pissed me off. And I like you for that. So, here's for you. Special delivery with love. Fu*k YOU!!"

Pakiusap lang, hindi ka magmumukang matalino dahil lang sa kaya mong magsalita ng derederetsong Ingles sa pusang-galang Blogsite mo. Subukan mo munang i-evaluate ang;

                         2 sinx - sin 2x
                 Lim    -----------------
                x = 0       x - sin x
                                     
baka maniwala pa ko sa'yo.

*Sorry for the inconvenience that we are. Slow Men at work.*



17 comments:

  1. ahm, di ko gets ang issue nya..

    pero bibigyan ko siya ng benefit of the doubt, baka kinailangan lang nya talaga mag-logout na, tas hindi nya naituloy yun gusto nya talaga sabihin, ganyan..

    pero kung hindi, at may problema siya talaga sa tagalog na blog, e di bahala siya sa buhay nya, leche!charot. highblood lang, haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi tingin ko may problema sya sa Tagalog na blogs eh. parang nabasa ko sa profile nya dati, mga english books lang ang binabasa nya. classics. so talagang sadya yun. hahahahha

      Delete
  2. echoserang palaka sya! wag ka na ngang magkakausap ng mga ganun! haha affected talaga ako...

    mas gusto ko magbasa ng mga tagalog na blog at mukang alam ko na kung anong social networking site yan..may account din ako jan eh ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha pink.. me account ka din pala jan? wild mga tao dyan eh.. Ako na ata pinaka matino dyan hahaha.

      nakakainis lang kase, para nangyuyurak ng dangal yung ginawa nya. kukutusan ko yun pag nag meet kami. Bwahahaha. jowk!

      Delete
    2. at balak mo pa talaga makipagmeet sa kanya huh?!maganda ba?anu itsura?anong blogsite nya?haha chismosa lang!

      uy isama mo naman ako sa matino haha..mga manloloko tao jan sa site na yan hmp!

      Delete
    3. hahaha taga malayong planeta. Pero inglesera talaga. Naglaway nga ako eh. Lalo na nung makita ko sya sa kanyang bikining blue. Hahahaha. Joke lang.

      Oo naman no. Iilan na lang tayong matino. hahaha

      Delete
    4. Ano bang site kasi yan? asar kayong 2,hindi ako maka-relate!! haha, pasali sa usapan

      Delete
    5. ay nako. wag mo nang pangarapin pumasok sa site na yan! hahahaha baka makunsumi ka. :) nyahahahaha

      Delete
    6. ano ngang site? curious ako lalo, asar ka, hehe

      Delete
    7. haha! eh naglaway ka naman pala eh hmp!.. meron din akong picture dun na nakabikini eh red nga lang hahaha!charot..

      naku sis Joanne wag ka ng ma-curious..ako na nagsasabi sayo kung ayaw mong mawindang ang buhay mo hahaha!

      Delete
    8. @joanne, maghulos dili ka!! huwag!!!

      @pink > hahahah walangya, red pala ehh. bakit hindi penk? hahaha ayoko na nun.. nagugulat ako sa mga nakikita ko at nababasa ehh hahahaha

      Delete
    9. maka-huwag ka naman jan! hehe

      haha pink talaga yun color blind kasi ako eh charot! gusto ko na nga rin i-cancel account ko dun eh..wala namang matino kasi haha...

      Delete
    10. hahahaha i-deactivate mo na.. walang mahihita sa site na yun :D

      Delete
  3. baka naman nawalan sya agad ng internet connection kaya sya nag log-out. o kaya nag black out bigla.. hahaha..

    e baki nagtatagalog sya sa chat kung ayaw nya n tagalog? kung engliserang froglet sya dapat mag english na sya sa lahat.. ahihihi. wla lang. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha Wala, inisnob nya talaga ako. Porke ba dukha lang ako at walang mapagmamalaki, gaganunin ako?? hehehe ano daw?!

      Inglesera talaga sya. Nung kelan lang naka chat ko sya ulit. Although di ko na binigay ulit yung link. hahaha :D Baka masaktan lang ang kalooban ko ehh.

      Delete
    2. natural lang yan.. isipin mo nalang may taong ganyan at marami silang ganyan.. Isa syang Manlansang Isda! hahahaha. bow.

      Delete
    3. tama. malansa syang isda. pero hot kasi sya. sa kanyang 2 piece bikini hahahahahahahha :)

      joke

      Delete