Search for Me

Tuesday 15 May 2012

Reel Time : Alitaptap sa Dagat (POV)

Dalawang linggo na siguro ang nakakalipas, napuyat ako sa kakapanood ng isang TV episode ng Reel Time, titled, Alitaptap sa dagat. Isang documentary film tungkol sa dalawang hindi pangkaraniwang bata, ang pang araw-araw nilang buhay at ang pangingilaw. Hindi ako karaniwang nanonood ng mga palabas sa TV lalo na at malalim na ang gabi kasi ayokong napupuyat. Pero napukaw ng documentary na to ang atensyon ko at hindi ko namalayan na tumakbo na ang oras at engrossed na ko sa pinapanood ko. 


Pangingilaw: Ito ay ang paraan ng panghuhuli ng mga lamang dagat tulad ng alimasag at pusit sa pagsapit ng madaling-araw habang low-tide gamit ang maliliit na ilaw at pana. 


Very touching yung istorya nung dalawang bata. Nakakamangha kung pano sila sumagot sa mga tanong. Lalo na yung lalaki (Teban). Siguro dala nadin ng maagang pagkamulat sa kahirapan, mature na mature na silang mag-isip. Hindi mo aakalaing labing-isang taong gulang lang yung nagsasalita. Napahanga ako sa mga sagot ni Teban tulad nung tinanong sya kung hindi ba daw sya natatakot sa dilim. Ang sinagot nya eh parang ganito; " Hindi po. Kasi mas natatakot po akong magutom yung pamilya ko, pag hindi po ako nagtrabaho wala po kaming kakainin". Kahit ako natatakot sa gabi. Biruin mo alas dose nagsisimula ang trabaho nila ng tatay nya. Habang yung ibang tao ay tulog, nagpapahinga, tumotoma, at nagpaparty, yung magtatay eh nakikipaglaban sa lamig ng gabi at nagbabanat ng buto. Ang buhay ng magtatay na to ay klasik example ng isang kahig isang tuka at kung paano ang buhay ay sadyang mahirap. 


Apat na magkakapatid na puro lalaki tapos si nanay at si tatay. Sa murang edad nung bata nagtatrabaho na sya ng sagad sa kaya ng katawan niya. Eskwela-bahay-trabaho ang karaniwang routine ni Teban. Paminsan minsang nakakapaglaro sa mga kaedarang mga bata. Sa madaling araw, nangingilaw, sa umaga nag lalako ng mga panindang nahuli sa dagat at sa hapon, namumulot ng plastic at boteng nakakakalat sa may dagat para pandagdag kita. Tinanong nila si Teban kung bakit hindi sila sa may kalsada namumulot ng plastic at bote samantalang mas maraming mapupulot dun, pero ayaw daw nila kasi sasabihan daw silang pulubi. Nalungkot naman ako dun. Ang kikitain nilang mag-ama maghapon ay ipangbibili nila ng bigas. Sa halagang 60 pesos, mabubuhay sila ng isa na namang araw. Ganito ang buhay ng pamilya nya, paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit.... Repeat till fade* Gigising sila para kumain, magtrabaho para magkaron sila ng perang pambili ng pagkain, para makapagtrabaho ulit bukas at para makabili ng pagkain. Nakakalungkot na katotohanan.


Naawa ako sa kalagayan nya pero wala pa kong magagawa. At least sa ngayon. Sa ganoong edad dapat nag-aaral lang sya at nag-eenjoy ng buhay bilang bata. Kahirapan ang nagtulak sa kanyang mamuhay ng hindi normal na tulad ng ibang mga bata. Hindi ko lang alam kung hanggang kelan sila magiging lubog sa hirap at kung paano nila iaahon ang kanilang pamilya sa hirap. Malaking bagay na nai-feature sila sa TV. Malaking bagay yun kasi alam kong maraming may mabubuting puso padin na handang tumulong sa kanila para maka-ahon sila kahit papano sa kahirapan.


Pagkatapos kong mapanood yun, nag-iba na namang bahagya ang pananaw ko sa buhay. Naisip kong isa ko sa pinakamasweswerteng nilalang sa mundo dahil hindi ako dumanas ng ganong hirap. Namulat ako sa isang katotohanan ng buhay na hindi ko nakikita dahil busy ako sa mundong ginagalawan ko. Nabuhay akong walang masyadong pakialam sa paligid ko. Natutunan kong magpasalamat sa Diyos sa lahat ng tinatamasa kong biyaya galing sa Kanya. Mula sa maliit hanggang sa malaki. I learn to appreciate life a little more. Maswerte ako. Maswerte tayo. Sana malaman ng marami sa tin kung gano tayo kaswerte sa buhay at kung pano natin maibabahagi ang tinatamasa nating ginhawa sa iba.


Blessed are those who share their blessings to others.

2 comments:

  1. i just read this blog about the documentary "Alitaptap sa Dagat". At this point in time, I am browsing articles and feedbacks from previous documentary we've created. I am the researcher of the story :) We appreciate your effort to at least pull off this kind of positive blog about the docu.
    Researcher meaning i look for a story and the right people to interview. please continue to watch reel time as well as my other shows hehe, rescue, reporter's notebooka nd frontrow :) if there are stories you want us to make please let us know :) here's my persocal email if you want to pitch stories champion013@gmail.com goodnight

    ReplyDelete
    Replies
    1. what can i say? i'm still in a state of shock. hahaha thanks for dropping by anyway.

      great episode, really. Kudos to your team. More power and success! :)

      Delete