Search for Me

Wednesday 30 May 2012

Maghanda, Maligo at Mag-DEO..


Minsan darating sa buhay mo 'yung isang taong hindi mo kayang TIISIN. Maihahalintulad s'ya sa isang sunog dahil manggugulo s'ya sa tahimik mong mundo sa 'di inaasahang pagkakataon, panahon, o lugar (bukod sa Hot sya!). Pwede mo rin naman syang ihalintulad sa diarrhea para COOL. Basta isang beses sa buhay mo, siguradong darating s'ya. At tulad nang sa sunog/diarrhea, kailangan handa ka palagi at mag-ingat para maging ligtas.


Mga palatandaan:
  • Ngiti pa lang nya, ulam mo na. Kasama pati merienda.
  • Kahit corny, basta magkasama kayo, feeling mo walang ibang tao. Pero feeling mo lang yun.
  • Kakaiba yung enjoyment kapag kayo ang magkasama. Akala mo tuloy me fireworks kung saan-saan.
  • Palaging naiisip mo. Nangingiti ka pag naiisip sya. S'ya din ang taong pinaka madali mong ma-missed.
  • Bumababaw kaligayahan mo sa kanya. Kahit fishball lang ulam niyo basta kasama mo s'ya, solve!
  • 100% sure akong may ilang kanta (more than 5) sa mp3 player mong makakapag-paalala sa kanya. 
  • Magaan ang loob mo kapag nag-uusap kayo. Hindi ka nahihiya at lumalabas kung sino talaga ang totoong ikaw. Walang pagkukunwari.
  • Pag nagtext, tumawag o nag PM sa'yo, nanginginig ka pa tsaka natataranta. Magpapaload ka pa para lang maka-reply.
  • Isang sorry nya, papatawarin mo. Minsan nga kahit di pa s'ya nagso-sorry, tapos na ang boxing.
  • Pag may hiniling sa'yo, kahit imposible na, gagawa ka pa din ng paraan.
  • Kapag humingi ng second chance, pagbibigyan mo.
  • After ng second chance, pwedeng maraming chance pa ang hingin n'ya pero lahat ng yan eh pagbibigyan mo.
  • Patatawarin gaano man kabigat ang kasalanan.
  • Kapag naiiyak sya, mauuna ka pang umiyak.
  • Lulunukin mo lahat ng pride na meron ka para lang sa kanya.
  • Pag nagtatanong s'ya sayo kung mataba na s'ya, kahit oo, sasabihin mo padin "Hindi ahh. Sakto lang yung ganyan. Malaman"
  • Iispoil-in mo, hanggat kaya, SA LAHAT NG BAGAY.
  • Kahit di na kaya, magbibigay padin.
  • Kahit walang matira, sisige pa din.
  • Pinipilit maging manhid kahit ang sakit sakit na.
  • Kahit matalino ka, nagpapaka TANGA ka.
  • Ang pinaka mabigat? kahit pagbali-baliktarin ang spelling ng Mississippi, MAHAL MO padin. Mula ulo hanggang sa pinkish na sakong.


S'ya ang susubok kung hanggang saan ang kaya mong ibigay sa ngalan ng pag-ibig.(uh-ohh)

Dalawa ang magiging epekto n'ya sa buhay mo, sasaya ka ng husto o masasaktan ka ng todo. Darating s'ya at kukulayan ng rosas ang paligid mo pero pag umalis s'ya sa buhay mo, well, Shit will happen. And you'll be doomed. Gugulo ang buhay mo at parang trip mo nalang mag laslas ng pulso o kaya eh manuntok nalang ng taong makakasalubong mo. Feeling mo lahat ng kulay sa crayon box, may shade of black. Dark red, dark green, dark blue, dark orange, dark pink, dark brown, dark black tsaka dirty white.

MINSAN DARATING SA BUHAY MO 'YUNG ISANG TAONG HINDI MO KAYANG TIISIN. KAPAG DUMATING SYA, MAGIGING MASAYA KA. YAKAPIN MO ANG BAWAT SANDALI NA MAGKASAMA KAYO. HANGGA'T KAYA MO, 'WAG MO S'YANG PAKAWALAN AT IPAGLABAN HANGGANG KAMATAYAN KASI ALAM MO NAMAN NA SA KANYA KA PINAKA-MAGIGING MASAYA. Higit sa lahat, mabuhay kang masaya sa bawat umagang kasama s'ya dahil hindi mo naman alam kung hanggang kelan lang s'ya sa tabi mo. Masakit marinig pero iyan ang katotohanan ng buhay. Maaaring dumating na s'ya sa buhay mo, dadating palang o naka-alis na. Maghanda ka lang, maligo araw-araw at mag deodorant. 

Ayan na s'ya, magdodoor bell na. Patutuluyin mo ba?

*Ding-Dong*


5 comments:

  1. ding-dong na pala ang tunog ng katok ngayon? haha charotera lang..haaay pag-ibig nga naman :(

    pwede palang iulam ang fishball?hehe

    ReplyDelete
  2. hahahaha pwede yun. di na kasi uso ang katok-katok.
    masarap iulam ang fishball. ung clover bits ba nasubukan mo nang iulam? masarap din. hahaha promise :D

    ReplyDelete
  3. pwede bang bagyo nalang instead of sunog/diarrhea?? hahahaha..

    Dapat kasi tamang pag-iisip parin ang pairalin.. =) emotions can be very deceiving.. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwedeng pwede miss Kowt

      mahirap magpaka desisyon ng deretso kapag ikaw na ang nasa sitwasyon :) ganyan din ang akala ko dati eh. Mind can overwhelm your emotions, but sad to say, it is super hard. hahahaha tumalsik laway ko. English kasi eh :) wahahahaha

      Bottomline, when you meet her/him, make the best out of it. :D

      thanks for dropping by

      Delete
  4. and i'm sorry.. it's Miss KOtz. Naduling ako hahaha sorry :p

    ReplyDelete