Search for Me

Monday 30 July 2012

Inuman o Tradisyon?

A-LAK - ay kahit anong inuming nakakalasing. Mayroong ethanol at sumailalim sa masusing proseso ng distillation na nanggaling sa fermentation ng mga grains, prutas o di kaya naman ay gulay. Best serve when ice-cold.

Nabasa ko lang yan pero hindi ko naintindihan, tsaka katulad ko, wala ka din namang pakelam d'yan eh. Sigurado ako dun. Who cares about the process. Inumin ang dapat inumin, ubusin ang dapat ubusin.

Beer - Ordinary
Wine - Sosyalin
Hard - Kung tambay
Gin - Pang Hardcore na sunog baga




Hindi ko pa'rin lubos maisip kung bakit ang mga Pilipino eh sadyang matatakaw sa inom. Mapa-lalaki man o babae. Parang hindi kumpleto ang isang selebrasyon o umpukan kung walang usapang lasheng. Akala mo naman kung ga'no kasarap. Eh ang pakla-pakla naman. Sabi nga ng barkada ko nung tinanong ko kung bakit dapat may inuman kapag may kwentuhan, ang sagot nya:
"Pre, anlagay naman gatas ang inumin natin habang nagkekwentuhan?"


Napaisip ako. Oo nga naman. Pero bakit hindi juice o kaya eh kape.Siguro nag-iiba lang talaga ang taste ng tao kapag lumalaki sila.


2nd year high school ako natutong uminom sa tulong ng magaling kong kuya at barkada. Sabi nila walang pilitan, pero nung nagtagal hindi nila natiis at pinilit na nila ko. Ang galing! 3rd Year College ng maranasan kong halos araw-araw na uminom. Sa tulong ng barkada at mahahabang breaks pagtapos ng subjects, naisakatuparan namin ang aming bisyo. Nag-iba ang lasa ng Red Horse. Hindi na mapakla at sumakto na sa taste buds ko. At nagka ulcer ako with matching UTI. Thank you talaga Red Horse. Anlaki talaga ng pasasalamat ko sa'yo. 


Pasko, Bagong Taon, Fiesta, Binyag, Kasal, Araw ng patay, May namatay, may nanganak, araw ng sahod, walang sahod, Birthday, Holiday, Monday, Tuesday, Wednesday, Thirstday, Frieday, Sabeerday, Sunday, everyday is a party rock day. Walang pinipiling oras at araw. Umaga o gabi, Umulan man o umaraw. Hindi pwedeng walang inuman.

Depende sa iinom, sa trip ng mga kainuman, mamimili kayo ng inuming hiyang kayong lahat, abot kaya, masarap na pulutan, maitim na balak at tsismisang aabot ng magdamagan. Ayon nga sa matandang kasabihan, "kapag may ALAK, may BALAK". Mwehehehe!


Maraming nadudulot na magandang bagay ang lasingang usapan. At madami ding hindi maganda. Depende sa kasamang uminom. Dito nagsisilabasan ang iba-ibang mukha ng mga kainuman mo na hindi naman nakikita kapag wala sila sa espiritu ng alkohol. Yung pakikisama, kadaldalan, kakulitan, kaharutan, ka-sentihan, reservations, englisan, at yung ka-sweetan. May maghahamon ng suntukan at mag-aala Jet Li o Jacky Chan. May huhugot ng mahiwagang tabak at mag-aala Joaquin Bordado o mamamaril ng tao na parang namamaril lang ng pusa. Yung iba, akala mo si Coco Martin at magdadrama habang tulo-laway. O mag aala- Charice Pempengco at bibirit ng My Way. May mag aala Diana Zubiri at mang-aakit ng lalaki o di kaya ay si Leonardo Valdemor na mangre-rape ng babae. Talu-talo na basta nahilo. Kahit tabingi ang mukha, akala mo si Channing Tatum na o kaya si Megan Fox. Ahayyy, naloko na!! Maraming nasasaksak, nagbubuntis ng wala sa oras o kaya eh nababasag ang bungo dahil sa sobrang pag-inom kasama ang di masyadong mga kakilalang kainuman. May manti-trip at di maiiwasan. At may iiyak dahil sa nagka break sila ng syota nyang tumagal ng 2 months tapos pinerahan lang sya. Tsk, ansaklap. 


Ang sabi nga, ang pag-inom ng alak ng mga Pilipino ay isa nang uri ng tradisyon/pakikisama at hindi simpleng harangan lang sa kanto. Marami kang makikilalang mabuting kaibigan o mabuting kaaway. Hindi naman pinagbabawal basta sakto lang. At sabi din ng gobyerno, "DRINK MODERATELY". Kung iinom, siguraduhing magtitira ng pamasahe at katinuan para makauwi. Kung hindi naman, huwag nang subukang maging explorer at hayaan bumaba ang amats bago umuwi at para di mapahamak. TANDAAN: Hindi ikaw si Dora kaya wala kang Magic Map o sidekick na unggoy, at nagkalat ang swiper. Lalo na sa bandang Ermita, Cubao at Recto. Ilagay ang ininom sa tyan at wag sa ulo. Wag masyadong makulit. Magdala ng plastic bag kung sakaling susuka at wag lang basta ilagay o isuka sa bag. Nangagamoy yan pre. Isipin mo palagi, KAHIT ANONG TAKAW MO PA SA ALAK, HINDING-HINDING-HINDING-HINDI MO MAUUBOS ANG ALAK SA MUNDO, kaya hinay-hinay lang pre. At isa pa, ibubulong ko nalang sa'yo, *wag masyadong matakaw sa pulutan*.

Ngayong malinaw na ang usapan, kumuha ka na ng mesa, umorder na ng beer, bumili ng sisig at kumuha ng gitara. Tara, SHOT NA!!!

INGAT!!


Ganito sana ko kapogi dati eh. Sayang talaga :D



9 comments:

  1. Ang tinde. Nakuha mo lahat ng klase ng manginginom bro... pero infairness sa mga manginginom na pinoy.. pag nalasing na matatalino na... lahat nagsa-suggest na sa problema ng Pinas... hehehe..

    ReplyDelete
  2. Tama. hahahaha. Ang mga Pinoy pg nalasing nagiging englisero at englisera. ahahahaha

    ReplyDelete
  3. ang mga pinoy/pinay pag nalalasing maraming nagiging stunt masters. wahahahahahah

    ReplyDelete
  4. bakit nga ba ang hilig naten sa alak eh hindi naman masarap..pero bakit kaya pag naginom tau habang tumatagal sumasarap yung iniinom nateng alak?

    oi kras ko si JLC..anung nangyare? lols

    salamat sa pagfollow :)

    ReplyDelete
  5. @pink line: dahil ang mga alak ay may magic. isipin mo, pagkatapos mong malasing ng todo, wala ka nang maaalala sa mga ginawa mong kalokohan nung lasing ka. O diba, magic?? hehehehe

    walang anuman pink line. si llyodie pala ang tumawag ng pansin mo. wahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi totoo yan..naalala ko pa rin..hindi nga lang lahat lols!

      eh ikaw nga natawag ang pansin mo ni lloydie eh..aminin..sabi mo muntik mo syang maging kamuka.. anu na ngang nangyari bakit hindi natuloy?hehe

      Delete
    2. ahahahah minsan may mga nagawa ka noong lasing ka na mas gusto mo nalang kalimutan. Dyan ginagamit ang famous line "hindi ko maalala, lasing ako."

      hahaha nung magiging kamuka ko na s'ya, bigla akong naaksidente. At nagising sa mahimbing na pagkakatulog. wahahaha. Dapat pala si channing nalang nilagay ko dyan.

      Delete
    3. hahaha!sayang naman at naaksidente ka..

      oi kras ko din si channing.. ang yummy nya sa "the vow" hahaha :P

      Delete
  6. ayyy ganon?? si channing crush mo? ang yummy nya talaga sa the vow tlaga. napakagat-labi nga ako ehh bwahahahah

    ReplyDelete