Search for Me

Friday 17 August 2012

Hipon o Loliipop?

Nitong mga nakaraang buwan, habang ako ay sumasailalim sa matinding depression stage, gumawa ako ng account sa isang social networking site. Anong trip? Makipagkaibigan sa lahat ng pwede, makipag chat sa lahat ng online, nang HINDI nag-uupload ng kahit anong photo maliban sa mga cartoons at mga larawang walang kinalaman sa itsura ko o kung sino man ako.

Anong nangyari at nalaman ko sa mahigit na apat na buwang pagninilay-nilay? Madami-dami naman. 

Karamihan talaga sa mga tao, hindi makikipag kaibigan/chat sa'yo kung wala kang mukha. Para bang ang lahat ay nakasalalay sa kung anong itsura mo bago ka nila pagtuunan ng pansin. Yan ang kalimitang katotohanan. Hindi naman palagi pero yan ang madalas na senaryo.
Tipong, "hi there, do you believe in love-at-first-sight?"
Makikita at babasahin ang message mo, sisilipin ang profile mo at mga albums. At dahil wala ka namang picture
"heh! Shut up assho*e!!*
Hindi ka nila papansinin. Lalaitin. Pagmamalupitan. Pagbubuhatan ng kamay. Ansaklap.
Yung iba naman dahil cool ka sa umpisa ng chat mo at sa mga post mong kakornihan, pagtatyagaan ka. Pero anong mangyayari pagtapos ng isa o dalawang araw na kayo eh nagkaka-chat na? 
Mismo! Manghihingi sila ng picture mo para ma-imagine o magkadetalye kung ang ka-chat ba nila eh kahawig ni Dante Balboa o isang one-eyed monster na kulay green. Pero marunong mag-type.

Naitanong ko na ito dati at uulitin ko lang, mahalaga ba talaga na maimagine mo kung anong hilatsa ng mukha ng kausap mo? Sinabi ko nang hindi ako gwapito o papabol pero nagpumilit ka pading makita ang ebidensya. Na-realize mong isa ako sa pinaka-honest na taong nakilala mo. Pinaka-honest lang talaga. Yun lang.
Anong magagawa mo kung pagkatapos mong mag-enjoy na ka-chat s'ya, nakita mong mukha pala s'yang Gorilla? Oo, mukang Gorilla. Natakot ka kasi hindi mo malaman kung ang nakikita mo ba ay mukha ng tao o kili-kiling magubat. Magpapatuloy ka pa ba sa pakikipagkaibigan sa kanya dahil enjoy s'yang ka-chat at dahil may sense s'yang kausap? O maghahanap ka ng ibang makaka-chat na mas may itsura nga pero malabnaw pa sa lugaw ang utak at puro hangin lang ang kayang ibuga? Bukod pa dyan ang isang libo't isandaan n'yang walang kaepek-epek na mga jowks. Mga panahon pa ni Mahatma. Mag-iiba kaya ang tingin mo sa kanya? Tingin ko, mag-iiba. Nalaman ko, dahil naranasan ko.

Nakakaloko lang talaga ang ibang tao, nagiging basehan ng kung sino ang dapat nyang kaibiganin depende sa kung ano ang tabas ng mukha ng kausap nya. Choosy pa! Akala mo naman. Hindi ko naman sinabing huwag mamili ng tipo ng kakaibiganin pero sana, mabawasan lang yung pagiging choosy. Give chance to others 'ika nga.

Sa totoo lang, hindi ako tumitingin sa itsura ng tao kapag nakikipagkaibigan. Wapakels ako dyan. Karamihan ng kaibigan ko eh may mga itsurang katamtaman lang. Hindi papable at hindi din naman mukang nakuyog ng bubuyog. Yung tipong hindi pang model ng Johnson's baby powder o pang liha ng kahoy. Yung sakto lang. May iba na medyo below average pero ayus lang din. Masarap silang kasama dahil wala silang kaere-ere sa katawan at walang dull moments. Hindi ko naman sila naging ka-close noong una, pero dahil naging kampante ako sa ugali nila at halos pareparehas ang trip naming kainin nung mga panahong yun, naging mga matalik ko silang mga kaibigan. Kinalaunan, nasanay din ako. Sanayan lang naman din yan. Jowk.

Tingin ko nga mas madaling maging ka-close ang mga taong wala kang ideya kung anong itsura. Atsaka may thrill eh. Binabase mo na lang kasi yung magiging "verdict" mo kung papasa sya bilang kaibigan, lover, o kabit mo, sa ugali, jokes at mga pananaw n'ya sa buhay. Hindi dahil magaling syang magsuot ng sleeveless, kita parati ang nangungusap na cleavage o dahil kamuka nya lang si Solenn Heusaff. 

Sa huli, desisyon mo parin yan. Ikaw yan eh. Basta ang ayoko lang, yung hihingan mo ako ng picture dito o kung saan mang social networking site. Mahirap na at baka madiscover pa ako. Tinago-tago ko pa naman lahat ng talents ko. Wala tuloy akong mailabas. Atsaka, malay ko ba kung ipapakidnap mo ako o ipapakulam sa suki mong albularyo. Aba, mahirap na. Pero kung ipapadala mo yan sa ABS-CBN, ibang usapan yan. Marami pa ko ditong 1x1 pictures na whole body. Spare copies na.

Oh ngayon, ano nang problema ko? Wala. Ikaw ba? Ano ba kasing trip mo? 

Hipon?









O Lollipop?












*NONSENSE* MWEHEHEHEHEH.


11 comments:

  1. hmmm ano kayang social networking site yan?curious ako..

    hindi ako tumitingin sa muka ng kakaibiganin o gustong makipag-kaibigan..basta may sense kausap at patatawanin ako keber sa istura!madalas nga lang mamis-interpret ang pagiging friendly ko waaahaha...

    ReplyDelete
  2. hahahaha nako nako wag mo nang subukang sumali sa site na yan hahaha. :D

    katuwa namang malaman yan mula sa'yo miss Pink :D
    Have a great day

    ReplyDelete
  3. hehehe tama ka bro wag ka basta basta mamimigay ng picture.. maliban kung fans mo na.. ang tunay na kaibigan makikilala mo hindi sa picture niya kundi sa larawan na gusto niyang mangyari sa buhay niya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka dyan brod. labag kasi sa kabutihang asal ang manghingi ng pictures ng basta basta. hahaha

      at ang tunay na kaibigan ay yung kilala mo yung pagkatao mula ulo hanggang paa. Makikilala mo kahit nakapiring ang mga mata mo. pakiramdaman lang at amuyan hahahah.

      Delete
  4. Pssst.. penge ako nun 1x1 na whole body, hahaha..

    Hindi totoo ang love at first sight (sabi ko lang)!

    I'll be very honest, though hindi ako tumitingin sa kung gwapo ba, maganda or panget or whatever pa yan, basta gusto ko yun maayos sa sarili, not necessarily ma-porma or fashionista, basta yun mukhang naliligo at inaalagaan ang sarili, yun lang..

    At gusto ko yun may sense of humor, kaya like kita!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha. 1x1? puro 2x2 na ang natira ehh Hahaha

      kung hindi ka naniniwala sa love-at-first-sight, how bout sa second sight? haha

      Ahh.. Malinis naman ako sa katawan. Katunayan nyan, naliligo naman ako. Madalas pa nga eh. Mga four times a week o kaya kapag me lakad. Bwahahaha.

      thanks for following my simple farm. :) i'll follow u back :)

      Delete
  5. aanhin mo naman ang hitsura kung wlang sense kausap? magsasawa karin.. boring yun.. super!! hahaha. sa una lang yung matutuwa ka kasi cute/gwapo.. pero after a few days magsasawa karin kakatitig sa mukha.. at mawawalan karin ng gana makipag-usap. ehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha exactly! That's what i'm talking about.

      natawa naman ako dun sa "after few days, magsasawa karin sa kakatitig sa mukha".

      nakakatawa kase, totoo. hahahahaha

      Delete
    2. well. isang example ay yung mga crush ng tao. then pagnakilala na yung crush at napansin mo na all looks lang sya at shushunga-shunga turn off na agad. hahahaha.. Nagsasawa nga tayo sa pagkain e, sa mukha pa kaya ng taong wlang sense kausap? ahihihi. (ansama ko talaga.)

      Delete
    3. hang taray mo naman!! hahahahahahahaha

      mahirap ang all looks, no sense. mas ok na yung average lang pero enjoy kausap :)

      tama??

      Delete
  6. base on facts lang yun. at yun din na nonotice ko sa mga friends ko. base sa kwento nila (ahaha.. sila nalang palagi.)

    Pero I agree with what you said. isang malaking check gamit ang pink na ballpen!!

    ReplyDelete