- Na makulit, mapang-asar, at mapagbiro. Pero seryoso sa relasyon n'yo at nagpaplano para sa hinaharap niyo.
- Na tinuturing kang isa sa pinaka-matalik nyang kaibigan pero minamahal ka higit pa sa kaibigan.
- Na tumatawa sa mga jowks mong korni at sumasakay sa mga kakaibang trip mo sa buhay.
- Na sasamang manunuod ng concert ni Lady Gaga kasama ka.
- Na sasamahan kang manuod ng sine at mag window shopping maghapon kahit na sumakit ang paa n'ya kakaikot sa SM Mall of Asia o kahit bagot na bagot sya sa Twilight Saga.
- Na aaray kahit sa mga kurot at palo mo, kahit hindi masakit.
- Yung makikipag-kaibigan sa mga kaibigan mo kahit di niya trip ang ilan sa barkada mo.
- Yung paplastikin ka at sasabihan nang SEXY, kahit alam mo sa sarili mong HINDI naman talaga.
- Na nanakawan ka ng halik at biglang yayakapin sa harap ng madaming tao.
- Na itetext ka kung kumain ka na ba? Kung nakatae ka ba o kakamustahin ang araw mo. Mag-goo-goodnight, Goodmorning, ingat ka, muah muah at tsup tsup.
- Na lilingon sa mga sexing babae na dadaan pero sasabihan kang "Sexy s'ya, pero mas sexy at maganda ka pa din"
- Na ipagluluto ka at ipaghahain kahit ang alam lang n'yang iluto ay nilagang itlog at Pancit Canton.
- Na hindi sasabay sa init ng ulo mo. At hihingi ng sorry kahit di n'ya kasalanan.
- Na yayakapin ka kapag depressed ka o naiiyak dahil may nangaway sa'yo.
- Na magseselos sa bokalista ng Callalily.
- Na sasakay sa mga kalokohang pilit mong pinapagawa sa kanya (ie: mag bakla-baklaan)
- Aalalayan ka, makikipag HHWW, at ililibre sa mga kainan kahit taghirap din s'ya.
- Na isasama ka para manuod ng laro nila sa Basketball.
- Na araw-araw sasabihin at ipapadama sa'yo kung ga'no ka n'ya kamahal at ikaw ang nag-iisang Prinsesa sa buhay n'ya.
- Yung ngangawa sa'yo with matching tulo ng sipon para lang mapatawad mo sa kalokohang nagawa n'ya.
- Yung magsasabi sa'yong
*Marami-rami pa naman silang ganyan. Mga 249 pa silang natitira sa buong mundo. Dati 250 ehh. Dalian mo lang sa paghahanap dahil nagkakaubusan na. Kapag nakakita ka, wag mo nang pakawalan. Itali mo sa leeg at i-lock mo. Tapos itapon mo yung susi sa inodoro tsaka mo i-flush. Ting! Bongga!
*Masarap sanang magkaroon ng ganyang boyfriend, lalo na kung babae ako. Kaso hindi eh. Kaya girlfriend ang hahanapin ko.
*Masarap sanang magkaroon ng ganyang boyfriend, lalo na kung babae ako. Kaso hindi eh. Kaya girlfriend ang hahanapin ko.
249 na lang? Naku, mukhang malapit na maubos ang stock, sana umabot pa ko, hahaha..
ReplyDeletehahahah tama! Mabilis maubos. Rare specie na kasi ehh.
Deletekumilos ka na at baka maubusan ka pa. mwahahahaha
Well, pag naubos sila agad, isa lang ibig sabihin nun, pinalampas nilang lahat ang isang tulad ko, mas malaking kawalan yun, tsk tsk.. hahaha, kapal lang ng fez
DeleteYun lang. hahaha ikaw na ang ultra rare specie :) nyahahaha
Deleteay gusto ko yang "ultra rare specie" haha..ako kaya anong klaseng specie?lols!
Deleteeto yung mga specie na shiny shimmering splendid. bwahahahaha
Deletebakit alam mong 249 na lang?ibig sabihin kilala mo sila..ipakilala mo naman ako sa 3 sa kanila para may option ako :P
ReplyDeletehahahaha dati kase kasama nila ko.. kaso tumiwalag na ako. hahaha echosss :)
Deletehmp! echosero ka talaga! pero ipakilala mo pa rin ako dali!baka magkaubusan eh wahaha...
Deletesure sure! haahahah parang sale ng bags sa SM lang no.. nagkakaubusan hahaha
DeleteOnce in my life I met one of them,kaya lang ang malas,it's the wrong time for the right person.Pero totoo bang 249 na lang sila? nasan na yung isa? and where's your proof na ganun na lang ang bilang nila?
ReplyDeletesayang, minsan lang dumating yan ehh. tsk tsk. dapat tinalian mo sa buntot. hahaha
Deleteoo nagkakaubusan na.. kase palagi silang nasasaktan, pinapa asa, tapos ipinagpapalit sa mas cool na lalaki. Kaya ayun, marami ang nagrebelde at namundok. hahahah. Konte nalang tuloy ang natira :)
ganun ba? hindi mo kasi pwedeng talian or pilitin ang isang tao sa di naman nya gusto. pwedeng sa maikling panahon mapasaya nyo ang isat isa, pero dahil sa hindi nga ikaw ang gusto nya, ndi rin magwowork, b?
DeleteAng duwag pala nila, nasaktan lang nagrebelde na? e ano kuna ipagpalit sila sa iba? marami din namang iba para sa kanila, nabubulag lang sila sa taong gusto nila pro di na sila gusto or ndi naman pla sila gusto sadyang assuming lang.
yun lang :) ibang usapan na yan. Pakawalan mo ang mga bagay na nakakasakit na sayo. Iyon ang pinaka maganda kahit masakit.
DeleteSadly, pero nato-trauma ang bawat tao. Kanya kanyang takot yan. May iba na kinakaya para sumugal ulit sa isang bagong pag-ibig pero yung mga nasaktan ng todo, sila yung mga umaayaw na. Hindi kinakaya ang lahat. At nakikibaka nalang hahahaha :D Mahirap humusga kase una sa lahat, hindi tayo ang nakaranas nung naranasan nila.
Yun o. haha
ReplyDeletehahahah okay ba sir?
Deletenagdedescribe kaba ng sarili mo dito? nyahahaha..
ReplyDeletesabi nga nila you always find the wrong person kasi they're the one saying the right words. hahahaha..
hindi naman miss kotz.. :)
Deletedahil:
1. hindi pa ako nanunuod ng concert ni lady gaga
2. hindi lang pancit canton at boiled egg ang kaya kong lutuin hahaha
:)