Isang araw, may batang gutom na gutom na nakatambay sa kanto. May dumaang naglalako.
Manong, manong ano bang meron dyan?
Madami akong dala ngayon. Bagong luto lahat to ser. Maruya, turon, banana que, kamote que, tokneneng tsaka Lumpiang toge.
Magkano po tong banana que?
otso nalang
Ang mahal, etong tokneneng?
otso din po.
Ang mahal din. Eh etong turon?
otso din po, sir. Pag dalawa binili mo, disi-sais nalang.
Ha? Niloloko mo ba ko manong? Puro otso 'tong tinda mo eh. Anong pinaka-mahal?
Eto pong kamote que ser. Sampu.
Ayun! Yun naman pala eh. Bigyan mo ko nung pinaka mura. hehe
Sais isa nitong Lumpia ser. Ilan ba?
Tatlo bibilhin ko oh. Kinse nalang manong.
Luge naman ako ser, Disi-otso nalang lahat ser. Libre na suka.
Niloloko mo talaga ko manong no? Eh talaga namang libre suka eh. Di mo ko pedeng gulangan. Haaa. Valedictorian ata 'to nung highschool!
Eh luge naman kase ser.
Tatlo naman bibilhin ko eh. Sixteen fifty? Huling tawad na. Sige na manong.
Lugi talaga ser eh.
Pero dahil mabait ka tsaka gwapo. sige na nga, ibibigay ko na sa'yo tatlo - bente nalang. Libre suka tsaka sibuyas.
*Nag-isip ng mga isang segundo ang Bata
Sige! Madali ka naman palang kausap manong ehh. hehe tenkyu ha? Keep the change. Hahahaha!
*Nag-abot ng bente tsaka dali-daling lumayo*
Sure Iho! Goodluck din sa pag-aaral mo!
*WARNING: DON'T LAUGH! THIS IS A TRUE STORY"
anak ng tokneneng! este ng lumpia pala..
ReplyDeletekaw ba yang bata na yan?!hahaha!
hahahaha uy hindi ahh! hahahahaha :) bakit mo naman naisip na ako yan?? hahaha
Deletemaka-hahaha ka wagas eh..halatang ikaw talaga yan! haha
Deletehindi nga ako yan.. :) promise hahaha di kao valedictorian nung highschool haha
Deletenakakahiling usapan aba! haha.. kalokang bata, akala ko maiisahan nya si manong, hindi din pala..
ReplyDeleteoo nga, bat andami mo hahaha, ikaw nga siguro yan..
hahaha. ay hindi po talaga ako yan! :) actually, isa syang kakilala. hahaha :D
Deletebwahahaha.. matalino nga sya.. actually tip yung extra dahil sinabihan syang gwapo at mabait. hahaha
ReplyDeletehahahahahah parang ganon na nga.. :)
Delete