Search for Me

Friday 26 October 2012

Salamat ng Marami!

Makaraan ang isang taong pamamalagi sa Blogger.com at pagsusulat ng kung anu-anong bagay sa blogsite na ito, eto ang mga nangyari pagkatapos ng isang taong eksperimento;

  1. Kasalukuyan akong may sampung followers. At lahat sila pwera sa isa ang hindi nakaka-kilala sa akin ng personal. Sa lahat ng nagbabasa at nagtatyaga sa'kin kahit wala akong maipakitang mukha, Maraming Salamat!
  2. May 1571 (and still counting) na mga naligaw sa aking munting bukid. Pwera ang mga kapamilya at mga barkada kong hindi alam na nagsusulat ako sa blog site na ito. :) marami akong utang, kaya hindi ako nagpapakita. Hahaha. Maraming salamat ulit sa inyo!
  3. Gusto kong mabago ang pangalan ng blogsite ko for personal reasons pero nag-iisip padin ako kung tama bang palitan ko pa. Mga walong buwan ko nang pinag-iisipan to. Something na mabango. How bout, Rosas?
  4. Mayroon na akong dalawanpu't pitong mga entries (and still drafting) na nai-publish. At madalas ko padin silang binabasa ng paulit-ulit. Salamat sa mga nagbabasa padin!
  5. Madami na akong drafts. Hahaha. Pwera dito, mayroon pa akong siyam na pending. Hindi ko magawa dahil kulang ang pitong araw sa isang linggo. Pag ako naging Presidente ng U.N., magpapadagdag ako ng isa pang araw. At tatawagin ko itong "FUNDAY". From the root word, DAY.
  6. Hindi padin ako nakikipagkita ng personal sa kahit kaninong blogger. Wala pa akong lakas ng loob. Mahiyain ako sa personal ehh.
  7. Dalawa sa mga entries ko ay lumagpas na ng mahigit sa isandaang views. Nakakataba ng puso at nakakakilig. Hindi ko padin maipaliwanag yung satisfaction na natanggap ko matapos kong makita ang status ng mga views ng entries ko. Maraming Salamat!!
  8. Hindi ko inaasahang mas dadami pa ang views ng http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/r-13-usapang-binyagan.html kesa sa paborito kong entry na http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/anything-under-ng-araw.html dahil WALA akong natatanggap na FEEDBACK/COMMENTS sa entry tungkol sa binyagan. Ang wierd nga ehh.
  9. Iniiwasan ko pading maging isang personal diary ang blogsite na ito sa maraming kadahilanan. Gusto ko lang magsulat at maipahayag ang nilalaman ng makulit kong isipan, solve na ko dun.
  10. Gusto kong magpasalamat sa lahat, kahit ang unang balak ko sa blogsite ko na ito ay itago at gawing personal drawback ng mga emosyong hindi mabanggit sa Facebook, marami padin ang dumalaw at nakisawsaw sa trip ko. Parang toyomansi lang. Nakakataba talaga ng puso. From the bottom of my heart, MARAMING-MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!
  11. Huwag po sana kayong magsawang bumisita sa aking munting bukid. At sana mag-enjoy kayo gaya ng pag-eenjoy ko sa pagsusulat ng kung anik-anik. Hanggang sa muli, Paalam!! Mwah mwah, tsup tsup.

7 comments:

  1. Isa lang ang hindi nakakakilala sayo ng personal, so ako ba yun? o mali lang ang pagkakaintindi ko? hahaha..

    Nakakatawa ka talaga! Pero kung agpalit ka, title lang ng blog at wag url kasi nagkakaproblema sa update pag ganun, hindi kita masubaybayan.

    Anyways, happy blog anniversary! :)


    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahah mali po ang pagkaka sulat ko :) pasensya. walang nakakakilala sakin sa personal dito. pwera sa isa. hahaha inayos ko yung grammar ko. salamat!

      yup, parang yung title ang trip kong baguhin. nag iisip pa lang talaga ko kung papalitan ko o hindi.

      Maraming salamat Joanne!!

      Delete
    2. dalawa kaya!. :-P, sadyang hindi lang pinapakita ang mukha ng isa pang nakakakilala sayo upang maging misteryoso mr.farmer. :)

      Delete
  2. teka lito much din ako dun ah..baka you mean isa lang ang nakakakilala sayo ng personal haha nangealam na naman ako.. ang galing magkasunod lang pala ang blog anniv naten at nauna ako sayo hehe.. magpalit ka na talaga ng title kasi nahihirapan ako sabihin ang blog title mo hehe.. rosas? try mo water lily..baket?wala lang hehe..

    happy blog anniversary :)
    sana mai-post mo na yang nasa draft mo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasensya sa kalituhan. Inayos ko na yung grammar ko. hehehe belated happy blog anniversary din sayo! hahaha hayaan mo, mag iisip talaga ko ng cool na pangalan. hahaha

      Anong water lily? Mabango ba un?? hahahahaha

      Umaasa din akong mai-post na yung mga nasa drafts ko. hahaha

      Delete
  3. Congratz sa one yr mo. keep writing! ajah!

    nakita ko na ang 1x1 full body shot picture mo, or ikaw ba yun? hahaha. anyway. Congratz! magiging tatay kana! nyahaha.. peace! ay este 1 year na ang blogsite mo. hehehe happy blogging!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala kong alam sa mga tatay tatay na yan ahh. haha maraming salamat po!!

      hmm. nakaka inspire kayong lahat! salamat sa pag sasayang ng oras sa pagbisita sa munti kong farm :)

      Delete