Antagal-tagal na nung huli kong post.
Inaagiw na naman ang aking bukid. Time to do the Linis linis mode.
Linis
Linis..
Linis...
Andaming agiw.
Linis....
Linis.....
Ayan, malinis na ulit. Back to Tulog. Zzzzzzzzzzzzzz..........
eat and live, live and learn, learn and survive, survive and enjoy, enjoy life's greatest blessing! Let's GO
Search for Me
Sunday, 17 March 2013
Saturday, 26 January 2013
Bell's Palsy
Super late na balita para sa super busy bata.
Grabe ang nangyaring adventure sakin sa Visayas Region. Pagkatapos ko sa labin-dalawang araw ng pag si-site visit at paglalagalag sa iba't-ibang sulok-sulok ng Visayas, pag-akyat sa tore, at pagpapahukay sa kayamanan ng mga Hapon, ako ay bumalik na ng Maynila via Tacloban City Airport. Okay naman ang airport nila. May kaliitan nga lang. Bitbit ang dalawang mabibigat na mga maleta, danggit, matamis na kakanin at isang sakit na hindi ko malaman kung san ko nakuha, ako ay muling sumakay ng eroplano at natulog sa byahe. Nang makauwi na ako sa Maynila ay agad-agad akong nakipagkita sa mga kaibigan ko at napansin nga nila ang kakaibang itsura ko. Umitim ako at parang nangiwi ang kanang bahagi ng mukha. Naisip ko tuloy, madali lang palang maging 5'6", dark and uhhmmm...., handsome(?) sa probinsya. Echos!!
Dahil sa mga komento ng nagmamalasakit na kaibigan kahit di sila napasalubungan, at sa kabang umaalon na sa dibdib, nagpakonsulta ako sa Doctor (makaraan ng 24 na oras pagkatapos kong mag-update sa Facebook na nasa Maynila na ako uli!)
Aking napag-alaman mula ke Doc ang; Dyandyananan!! BELL'S PALSY: Resulta ng Stress, infection at kung anu-ano pang gawain na hindi maganda sa katawan.
Bell's Palsy (Ayon kay pareng Wikipedia) - is a form of facial paralysis resulting from a dysfunction of the cranial nerve VII (the facial nerve) that results in the inability to control facial muscles on the affected side. Several conditions can cause facial paralysis, e.g., brain tumor, stroke, and Lyme disease. However, if no specific cause can be identified, the condition is known as Bell's palsy. Bell's palsy is the most common acute mononeuropathy (disease involving only one nerve) and is the most common cause of acute facial nerve paralysis.
Oh diba? In short, di ko syempre naintindihan yan. As usual, English ehh. Basta ang nalaman ko ke Doc;
1. "Di yan nakamamatay"
2. "Don't worry, babalik sa dati ang mukha mong kinauumayan after 2-4 weeks kahit walang gamot".
Pero dahil sa mabait akong bata, nagpa reseta nalang ako ke Doc ng gamot para sa mas mabilis na pag galing at pagbalik sa trabaho. Set ng anti-biotics, B vitamins, pampawala ng maga ng nerves at small dosage ng steroids ang binigay nya. Bilhin sa suking Mercury drug store at gumamit ng suki card para di masayang ang points. Araw-arawin ang pag-inom para malaman na agad ang resulta. Araw-araw ngunit pakonti ng pakonti ang inom. Pa bawas ng pa bawas hanggang sa maubos. Iwasan ang stress, matulog daw ng maaga at iwasan ang mga nakakalasing na inumin para maging deretso ang paggaling. Kapag may naiwan kasing bakas na hindi na kayang tanggalin ng gamot eh mangangailangan ka na ng isang ekspertong Physical Therapist para sa theraphy sessions upang manumbalik muli ang mukang kinababaliwan ng mga kababaihan. Natakot ako sa sinabi ni Doc. Natakot din ako sa dagdag gastos kaya di na muna ako nagpasaway.
Makaraan ang halos dalawang linggong pag-inom ng gamot, okay naman ang naging resulta. Magaling na ako ngayon. Wala ng bakas yung Bell's palsy na yun. Balik normal na ang lahat. Masaya na ulit ako kase pantay na ulit ang aking smiles at hindi na ako nakangiwi. Buti na-agapan dahil kung hindi, sayang ang pes kong kinauumayan ng karamihan.
Sabi ng mga nagdodota sa likod ng station ko "SWAP MO, SWAP MO.. Tang**a BOBO mo! Slow hands!". Wala lang.

Sunday, 30 December 2012
Para sa lahat ng Pogi at Magaganda
Bago pa maubos ang oras at magpalit ng kalendaryo, babati na muna ako sa lahat ng isang high-note at naglalagablab na:
Sana puspusin pa kayo ng mas maraming biyaya sa susunod na taon tulad ng mas masayang buhay, lovelife na matindi, family life na ayos, work environment na walang tsismosa, mataas na grades sa klase, mabait na teacher, kaibigang malakas manlibre, kumpletong daliri, galanteng boss, madaming subscribers, bagong cellphone, bagong kotse at higit sa lahat panibagong lakas para magsimula ulit ng bagong taon.
Yahoo para sa ating lahat!
God bless us and may we have a great 2013! Lezz keep rockin'. Mehel ko keyo. Enjoy this holiday season!
HAPPY HAPPY NEW YEAR!!
Sana puspusin pa kayo ng mas maraming biyaya sa susunod na taon tulad ng mas masayang buhay, lovelife na matindi, family life na ayos, work environment na walang tsismosa, mataas na grades sa klase, mabait na teacher, kaibigang malakas manlibre, kumpletong daliri, galanteng boss, madaming subscribers, bagong cellphone, bagong kotse at higit sa lahat panibagong lakas para magsimula ulit ng bagong taon.
Yahoo para sa ating lahat!
Friday, 30 November 2012
Conclusions :)
The conclusions of my Negros-Cebu-Tacloban-Samar Trip:
1. Ang pinaka-makapangyarihang phrase kapag bumabyahe sa Visayas Region ay hindi “excuse me po” kundi, “tagalog lang po. Please??”.
2. May mga taong sadyang friendly lang. Wag masyadong umasa. Diba Miss Mercury drugs? Kung nasan ka man sana maging masaya ka sa napili mong Papa.
3. Nakakatawa pero karamihan ng tao sa Escalante city, Negros, kapag tinanong mo kung alam nila ang bahay nila James Yap, sasagot sila ng OO. Pero ang favorite team ng karamihan sa kanila ay Barangay Ginebra. Ay ewan.
4. Ang San Juanico bridge ay mahaba at maganda.
5. Totoo ang travel advisory na “travel lightly”. Kaya, travel lightly.
6. Ang pinaka sikat na kanta sa Visayas ay hindi Payphone ng Maroon5 o Sirena ni Gloc-9 kundi kantang pinamagatang “Pusong Bato”. Promise!
7. Cebu is Wow! Cebuana? is WOW-er!!!!
8. Travelling alone? More fun in the Philippines. More fun when single.
9. Pag naglalakbay, isa lang ang golden rule: Magtanong, wag maging tanga. :)
10. Trabaho + Travel + draft = 1 month hiatus :) hihihihi
Friday, 26 October 2012
Salamat ng Marami!
Makaraan ang isang taong pamamalagi sa Blogger.com at pagsusulat ng kung anu-anong bagay sa blogsite na ito, eto ang mga nangyari pagkatapos ng isang taong eksperimento;
- Kasalukuyan akong may sampung followers. At lahat sila pwera sa isa ang hindi nakaka-kilala sa akin ng personal. Sa lahat ng nagbabasa at nagtatyaga sa'kin kahit wala akong maipakitang mukha, Maraming Salamat!
- May 1571 (and still counting) na mga naligaw sa aking munting bukid. Pwera ang mga kapamilya at mga barkada kong hindi alam na nagsusulat ako sa blog site na ito. :) marami akong utang, kaya hindi ako nagpapakita. Hahaha. Maraming salamat ulit sa inyo!
- Gusto kong mabago ang pangalan ng blogsite ko for personal reasons pero nag-iisip padin ako kung tama bang palitan ko pa. Mga walong buwan ko nang pinag-iisipan to. Something na mabango. How bout, Rosas?
- Mayroon na akong dalawanpu't pitong mga entries (and still drafting) na nai-publish. At madalas ko padin silang binabasa ng paulit-ulit. Salamat sa mga nagbabasa padin!
- Madami na akong drafts. Hahaha. Pwera dito, mayroon pa akong siyam na pending. Hindi ko magawa dahil kulang ang pitong araw sa isang linggo. Pag ako naging Presidente ng U.N., magpapadagdag ako ng isa pang araw. At tatawagin ko itong "FUNDAY". From the root word, DAY.
- Hindi padin ako nakikipagkita ng personal sa kahit kaninong blogger. Wala pa akong lakas ng loob. Mahiyain ako sa personal ehh.
- Dalawa sa mga entries ko ay lumagpas na ng mahigit sa isandaang views. Nakakataba ng puso at nakakakilig. Hindi ko padin maipaliwanag yung satisfaction na natanggap ko matapos kong makita ang status ng mga views ng entries ko. Maraming Salamat!!
- Hindi ko inaasahang mas dadami pa ang views ng http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/r-13-usapang-binyagan.html kesa sa paborito kong entry na http://5-12-4-14-33-44.blogspot.com/2012/05/anything-under-ng-araw.html dahil WALA akong natatanggap na FEEDBACK/COMMENTS sa entry tungkol sa binyagan. Ang wierd nga ehh.
- Iniiwasan ko pading maging isang personal diary ang blogsite na ito sa maraming kadahilanan. Gusto ko lang magsulat at maipahayag ang nilalaman ng makulit kong isipan, solve na ko dun.
- Gusto kong magpasalamat sa lahat, kahit ang unang balak ko sa blogsite ko na ito ay itago at gawing personal drawback ng mga emosyong hindi mabanggit sa Facebook, marami padin ang dumalaw at nakisawsaw sa trip ko. Parang toyomansi lang. Nakakataba talaga ng puso. From the bottom of my heart, MARAMING-MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!
- Huwag po sana kayong magsawang bumisita sa aking munting bukid. At sana mag-enjoy kayo gaya ng pag-eenjoy ko sa pagsusulat ng kung anik-anik. Hanggang sa muli, Paalam!! Mwah mwah, tsup tsup.
Wednesday, 10 October 2012
50% friends, 50% tablado
Sa isang umpukan ng barkada nagkabiruan tungkol sa highschool friend kong na-FRIENDZONE ng isa ko pang highschool friend. Habang ang apat sa amin ay naglalaro ng pusoy, ang iba ay kumakain at nag-aasaran. Naungkat sa usapan ang balitang pagkaka-friendzone ng barkada ko. Tawanan ang lahat sa asaran at biruan tungkol sa libreng t-shirt, nawalang pag-ibig at ilangan sa pagitan ng dalawa. Lahat tumatawa, PWERA sa KANYA. At dahil isa kong tunay na kaibigan, naki tawa din ako pero pigil lang. Hehehe. At dahil dyan, napagpasyahan kong hanapin kung ano ang tinutukoy nila sa mga asaran. Curious eh. Nakita ko din sa wakas, sa tulong ni Google. Starring Ramon Bautista, Tales From The Friendzone. Programang nagbibigay ng nakakaloko at masasakit sa tengang mga payo (ala Maalaala Mo Kaya)sa mga sumulat na naging biktima ng mapanakit na friendzone at isang limited edition na t-shirt(one-size lang). Mafe-feature ang masaklap mong kwento featuring a very hot girl and a not-so-very-hot guy. Nakakaaliw ang tema, pero ano nga ba ang "FRIENDZONE"?
Para sa mga walang youtube, walang google, walang sipag at para hindi na humaba masyado;
Mga bata? Parang ganito daw yan.
Ito ay yung katangi-tanging pagkakataon kung kelan gumusto ka o nagpahayag ka ng intensyong manligaw sa napupusuan mo ngunit, subalit, shit na malagkit, sa kakatwang rason ay kaibigan lang ang maio-offer nya sa'yo. Wala kang appeal sa mga mata nya. Kahit manligaw ka pa ng ilandaang taon. Ayyy how sad naman no? Hindi ito limited sa mga kalalakihan. Applicable din sa mga babae, tibo at bakla. Pero malaki ang kaibahan ng na-BASTED sa na-FRIENDZONE.
Pag nabasted ka, ibig sabihin hindi ka gusto ng niligawan mo dahil sa maraming dahilan, tulad ng hindi nya trip ang itsura at hininga mo. In short, TABLADO KA at AYAW NIYA SA'YO! Pag nafriendzone ka, pwede ka pading maging ABANGERS. Maging casual kayo sa isa't-isa, magtext, mag hang-out padin katulad ng ibang kaibigan nya at mag abang, hanggang sa magkaroon ng isa pang pagkakataon or til the end of time.
Saktong-sakto sa naging kaso ng kaibigan ko. Tawa kami ng tawa sa kinasapitan n'ya. S'ya naman ay hindi maipinta ang mukha. Mga senyales na kami ay mga tunay na kaibigan. Pagtatawanan ka sa mga problema mo pero tutulong padin at magpapayo. Nag palipad-hangin sya at sa kasamaang-palad ay nakatikim ng tinatawag nilang "PRE-EMPTIVE SUPALPAL". Same circle of friends eh. Hindi na rin naman sya tumuloy sa balak nya kasi alam din siguro nyang wala din syang mapapala. Ayun, nakuntento din sa pakikipag-kaibigan na lang. Malungkot nga lang kase nagkaroon sila ng gap at ilangan factor.
Napa-isip ako. Ang totoong buhay ay talagang marahas at hindi tulad ng nakagawian nating ending ng bawat pelikulang love story na napapanood natin. Cheesy at kahit anong mangyari, magunaw man ang mundo, magkakatuluyan at magkakatuluyan ang mga bida. Isa sa mga kasinungalingang hinahabi ng bawat pelikula sa ating mga "hopelessly romantic" na utak. Sa tunay na mundo, kahit pa bespren mo na yung popormahan mo, hindi ka padin makakatiyak na makakakuha ka ng matamis na "OO"!. Malaki pa din ang tsansa na sya pa ang makakapanakit sa damdamin mo. Kahit di sinasadya, masasaktan ka pa din. Isang patunay na malayo ang kwentong sine sa totoong buhay. Hindi lahat ng kwentong pag-ibig sa totoong buhay ay may happily-ever-after na ending. Hindi to katulad ng "One More Chance" nila Popoy at Basha bagkus ay halos katulad ng pelikulang "500 Days of Summer". So pano ka makakaiwas na masaktan? Simple, "WAG KANG UMIBIG". Dahil ang pag-ibig ay parang isang double-edged sword, ito ay hinahawakan lang ng matatapang na tao. Alam nating lahat na hindi ito puro tamis na tulad ng koton kendi. Love is a complex thing. Being in love with your friend who can't love you back is a more complex thing. So, kung handa kang masaktan at maging masaya, pwedeng-pwede kang ma-inlove. Kahit kelan, kahit saan, kahit kanino.
Na-enjoy ko ang program ni Sir Ramon. Madami din akong napulot na aral at mga quotes. Ang pinaka-matindi pading quote ay ang parting words ng program na: There's more to life than love. Na-friendzone ka nga, me T-Shirt ka naman. Congratulations!!
*Thought to ponder*
"Napakalaki ng mundo. Kung na-friendzone ka man, meron at meron padin dyang mahilig sa panget" RamonBautista - Tales from friendzone ep. 4
Heto ang link, ctrl+C and ctrl+V lang. panoorin nyo! http://www.youtube.com/watch?v=6R28RgWfT2k&feature=relmfu
***************
Boy: Uhm, Girlie wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko sa'yo. Matagal ko nang gustong sabihin 'to pero natatakot ako. Uhmm, pwede ba tayong maging more than friends pa. You know?
Girl: Alam mo, okay na tayo sa ganito ehh. Wag na nating gawing komplikado ang lahat. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Parang kapatid. Walang malisya. Sana maintindihan mo. I'm sorry. Atsaka isa pa, may nagugustuhan na ko ehh. I'm sorry talaga.
Boy: NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
NAPATINGALA s'ya. Kami naman, TUMATAWA.

Thursday, 20 September 2012
Moon-walk (isang pagbabalik-tanaw)
"Makakabalik tayo sa lugar ngunit hindi sa panahon"
Totoong-totoo. Matapos ang dalawang taon.
NOSTALGIA.
Iyan ang naramdaman ko habang dahan-dahang nilalakad ang mga kalsadang naging saksi sa mga kahindik-hindik na pakikipagsapalaran ko sa Kolehiyo. Mahigit limang taon akong pasok-labas, labas-pasok sa vicinity ng paaralang kumupkop sakin at naging pang-apat na tahanan. Maraming nabago. May nadagdag, may gumanda, may naluma ng panahon, may na demolish, may nagsara, nalugi, bumenta, maraming na-renovate at maraming nagkapali-palit ng pwesto pero sila sila padin yun.
Isa sa pinaka-gusto ko sa eskwelahan namin ay ang maluwag na policy sa uniform. Nakakapasok kami dati ng eskwelahan ng naka-tsinelas, t-shirt na gusot at maluwag na pantalon. Kinabahan kasi ako dahil sa ilang minutong pagmamasid at pagtambay sa labas ng College building, napansin kong iba na ang itsura ng mga nag-aaral ngayon. Karamihan sa mga lalaki, payat padin at mukang may dinadalang problema sa buhay. Pero wala na ang mga "tsinelas gang". Mukang mapoporma na at may sinabi na sa buhay ang karamihan sa kanila. Ang mga babae, karamihan chicks padin. Pero mapapansin mong parang may mga angat na talaga sa buhay. May mga naka-DSLR, naka sukbit na magagandang phones at mamahaling laptops bukod pa sa magagarang suot ng mga kabataan. Akala ko hindi na ako papapasukin. Hindi katulad dati, pantay-pantay kami. Puro kami nasa baba.
Kaming mga kabataang umaasa sa baon mula sa magulang o kupit mula sa sukli na pinambayad sa tuition fee o gawa-gawang projects at field trips. Yan ang tanging pera na pwede naming ibulsa para maipambili ng mumurahing mga pagkain sa labas ng College (Clue: Wala kaming canteen sa building) na karaniwang combo ng masarap na fishball, kwek-kwek, isaw, mumurahing shake, sago-gulaman, kikiam, squid/meat balls, ulam-gulay-kanin-sabaw-combo, burger na buy-one-take-one, ice tubig at walang kasawaang unlimited refill ng lugaw. Bukod pa sa ipambibili ng mga libro, papel, pa-print ng mga projects at pan-date sa iniirog.
I therefore conclude; mahirap mabuhay na isang mahirap pero hindi sa Eskwelahan namin. COOL!
Nag-CR din ako para malanghap ang nakahihilong amoy ng aming CR. Hindi nya ko binigo. Ganon parin sya katapang katulad ng dati.
Nakita ko ang dalawa sa pinakamabangis na professors na meron kami sa Department. Kung dati-rati pag nakikita namin sila, para na kaming maiihi sa pantalon sa takot, ngayon, cute na sila sa paningin ko.
Sarado na karamihan ng mga stalls sa labas. Pati na din ang kumukuti-kutitap na bars. Mukang nai-pasara na din. Ang mga bahay bisyo (videokehan, bilyaran, inuman) ay nagbago din. Mas lalo na silang LUMAKE!! At DUMAMI!!
Nawala na naman ang ring sa makalat na Basketball Court namin. Mukang may dumakdak na naman sa net na isang nagmamalakas-malakasang tumalon. Wala nang masyadong tao sa corridor na naging piping saksi sa mahigit tatlong-daang estudyanteng parang nililitson at nagpipilit kumopya, magpakopya, manghingi ng himala sa Diyos at sa katabi para pumasa sa mga nakakabaliw na mga subjects. Parang tapos na ang bagyo. Wala na masyadong tao. Umalis na kami ng kasamahan ko para kumain sa isang sizzling na kainan. Pati mga pagkain, nakakamiss din.
Nakabalik din ako sa wakas! Pero parang kulang ang isang araw. "Gusto kong bumili ng time machine", naisip ko. Pero mahal, kaya mag-iipon muna ko. Gusto kong mag Ghost Mode at patigilin ang oras para lumibot pa sana ng malaya at walang pumupuna.
Nalibot ko ang College building ng kaunti, habang nililibot nya ang utak ko. Nag-iikutan kami.
Gusto ko pa sanang magtagal pero hindi na pwede. Magsasara na ang building. Sayang. Gusto ko pa naman sanang mag-moonwalk habang nagmomoment.
Moment - is the product of the force and its moment arm defined as the distance of force perpendicular to the point of rotation where the force is intended to rotate.
Moment, makapangyarihang word para sakin. Saming lahat. Isa sa pinaka-makapangyarihan, bukod sa "UWIAN NAAA!!!".

- Natuwa ako. Kase nakabalik ulit ako sa isang bahagi ng buhay ko na tingin ko naging napakalaki ng epekto sa kung sino ako ngayon. Isa sa may pinaka malaking dahilan kung paano ako nahubog bilang isang nakakalokong tao. Sila ang dapat sisihin! :)
- Nalungkot din. Dahil kahit ilang beses pa ulit akong magpabalik-balik at malabas-pasok sa eskwelahang yun, alam kong wala na kong kayang ibalik. Sa lahat ng tawanan, iyakan, kulitan, asaran at trip sa buhay noong mga panahong yun, wala na kong maibabalik. Tanging mga ala-ala na lang ng kahapon ang babalik sakin.
Isa sa pinaka-gusto ko sa eskwelahan namin ay ang maluwag na policy sa uniform. Nakakapasok kami dati ng eskwelahan ng naka-tsinelas, t-shirt na gusot at maluwag na pantalon. Kinabahan kasi ako dahil sa ilang minutong pagmamasid at pagtambay sa labas ng College building, napansin kong iba na ang itsura ng mga nag-aaral ngayon. Karamihan sa mga lalaki, payat padin at mukang may dinadalang problema sa buhay. Pero wala na ang mga "tsinelas gang". Mukang mapoporma na at may sinabi na sa buhay ang karamihan sa kanila. Ang mga babae, karamihan chicks padin. Pero mapapansin mong parang may mga angat na talaga sa buhay. May mga naka-DSLR, naka sukbit na magagandang phones at mamahaling laptops bukod pa sa magagarang suot ng mga kabataan. Akala ko hindi na ako papapasukin. Hindi katulad dati, pantay-pantay kami. Puro kami nasa baba.
Kaming mga kabataang umaasa sa baon mula sa magulang o kupit mula sa sukli na pinambayad sa tuition fee o gawa-gawang projects at field trips. Yan ang tanging pera na pwede naming ibulsa para maipambili ng mumurahing mga pagkain sa labas ng College (Clue: Wala kaming canteen sa building) na karaniwang combo ng masarap na fishball, kwek-kwek, isaw, mumurahing shake, sago-gulaman, kikiam, squid/meat balls, ulam-gulay-kanin-sabaw-combo, burger na buy-one-take-one, ice tubig at walang kasawaang unlimited refill ng lugaw. Bukod pa sa ipambibili ng mga libro, papel, pa-print ng mga projects at pan-date sa iniirog.
I therefore conclude; mahirap mabuhay na isang mahirap pero hindi sa Eskwelahan namin. COOL!
Nag-CR din ako para malanghap ang nakahihilong amoy ng aming CR. Hindi nya ko binigo. Ganon parin sya katapang katulad ng dati.
Nakita ko ang dalawa sa pinakamabangis na professors na meron kami sa Department. Kung dati-rati pag nakikita namin sila, para na kaming maiihi sa pantalon sa takot, ngayon, cute na sila sa paningin ko.
Sarado na karamihan ng mga stalls sa labas. Pati na din ang kumukuti-kutitap na bars. Mukang nai-pasara na din. Ang mga bahay bisyo (videokehan, bilyaran, inuman) ay nagbago din. Mas lalo na silang LUMAKE!! At DUMAMI!!
Nawala na naman ang ring sa makalat na Basketball Court namin. Mukang may dumakdak na naman sa net na isang nagmamalakas-malakasang tumalon. Wala nang masyadong tao sa corridor na naging piping saksi sa mahigit tatlong-daang estudyanteng parang nililitson at nagpipilit kumopya, magpakopya, manghingi ng himala sa Diyos at sa katabi para pumasa sa mga nakakabaliw na mga subjects. Parang tapos na ang bagyo. Wala na masyadong tao. Umalis na kami ng kasamahan ko para kumain sa isang sizzling na kainan. Pati mga pagkain, nakakamiss din.
Nakabalik din ako sa wakas! Pero parang kulang ang isang araw. "Gusto kong bumili ng time machine", naisip ko. Pero mahal, kaya mag-iipon muna ko. Gusto kong mag Ghost Mode at patigilin ang oras para lumibot pa sana ng malaya at walang pumupuna.
Nalibot ko ang College building ng kaunti, habang nililibot nya ang utak ko. Nag-iikutan kami.
Gusto ko pa sanang magtagal pero hindi na pwede. Magsasara na ang building. Sayang. Gusto ko pa naman sanang mag-moonwalk habang nagmomoment.
Moment - is the product of the force and its moment arm defined as the distance of force perpendicular to the point of rotation where the force is intended to rotate.
Moment, makapangyarihang word para sakin. Saming lahat. Isa sa pinaka-makapangyarihan, bukod sa "UWIAN NAAA!!!".
Wednesday, 5 September 2012
Patalastas: 'Di Ka na Muling Luluha Pa
Ikaw ba ay nalulungkot?
May pinagdadaanang mabigat?
Napapagod sa mga pagsubok ng buhay?
AYAW mo na bang umiyak?
SAKTO!!
Subukan mo to:
JOHNSON'S BABY SHAMPOO
with NO more TEAR formula
Banayad sa scalp at sa mata, ngunit hindi sa germs
Kahit anong pang pinagdadaanan mo, kahit ilang kuskos mo pa sa mata mo.
Di ka maiiyak. Promisseee!!
*Comes in different citrus flavors. Hurry, while supplies last*
Subscribe to:
Posts (Atom)