Search for Me

Wednesday, 20 June 2012

Quater-life Crisis


Sa pagbababad ko sa Wikipedia website  at kwentuhan ng barkada habang nag iinuman, na-curious ako sa topic na Quarter-Life Crisis. At dahil sa wala naman akong mai-post na matino dito sa blogsite ko, ito ang pinakelaman ko muna. Makatulong sana sa mga kabataang naliligaw ng landas at mas gustong suminghot ng rugby, magdrugs, mag inom, magtetext nalang o kaya eh magpakamatay. Sa panahong maraming nakahaing oportunidad at pintong nabubuksan na nangangako ng maliwanag na bukas ng isang tao, dadalawin ka ng isang di pangkaraniwang kaaway. Kaaway na kailangan mong harapin at talunin. 


Isa sa mga mahirap na pagdadaanan ng mga young adults papunta nila ng adulthood. Karaniwang mararanasan daw ito sa edad 20-30. Sa ganyang age bracket mo sya daw yan mararamdam. So, pinapalagay na hanggang 80-120 years old ka mabubuhay. Kaya kung nakaramdam ka ng krisis sa buhay mo ng mga 15 years palang, nako delikado kang bata ka. 15*4 = 60 years. 60 years ka lang mabubuhay brod. Saklap! Panahon daw ito na hindi mo maiintindihan ang sarili mo at ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Period of uncertainty, anxiety at inner problems. English kaya medyo dinugo ako. Sa panahong ito normal lang na hindi ka makapamili ng cool na cover photo na ilalagay sa timeline, ringtone na gagamitin sa cellphone, kukuning trabaho, tatambayang club, kulay ng buhok, kulay ng nail polish, palaman sa tinapay at kung anong trip ba talaga ang gagawin mo sa buhay mo.  Nakakalungkot na dito sa age bracket na to (statistically) maraming nagpapakamatay. 'Di lang dito sa Pilipinas yan kundi sa buong mundo. 


Ayon sa isang article na nabasa ko, ang graduation sa college daw ang isa sa pinaka malaking senyales na magsisimula na ang iyong quarter-life crisis. Magkakaroon ka ng transition from early adult to adult stage. Kumbaga sa Pokemon, mag-eevolve ka na. From Pikachu to Raichu. Tapos ka ng mag-aral pero hindi mo na naman alam kung anong susunod na gagawin o kung saan ang susunod na landas na dadaanan mo. Overwhelming feeling na graduate ka na sa wakas, tapos ka nang magpakapuyat sa exam, manligaw ng professor at magkakatrabaho ka na pero parang alangan ka, kasi binabagabag ka ng utak mo kung kaya mo na ba talaga. Nawala ka na sa "comfort zone" ng College life at mga kaibigang unti-unting umaalis sa buhay mo habang tinatahak ang buhay nilang hindi ka kasama. Nag-aalala ka kasi yung mga ka-batchmate mong mas matalino ka pa, may nakuhang trabaho sa loob ng dalawang linggo pero ikaw dalawang buwan ng nag aaply pero puro "Thank you. We'll call you after 10 years" ang sinasabi. Isa kang graduate na tambay! Hahays, ansarap ng buhay no?? Nakakuha ka ng trabaho pero bukod sa mababang sahod at benepisyo, hindi mo rin naman gusto. Pero sa hirap humanap ng trabaho, magtitiis ka nalang sa trabahong hindi naman talaga linya ng tinapos mo. Samantalang yung iba, bakit ganon, maganda ang trabaho, maganda ang sweldo, maganda ang chicks, nagagamit ang pinag-aralan at walang pasok tuwing sabado? Feeling mo pinagkakaitan ka. Feeling mo walang tama sa ginawa mo. Feeling mo ikaw ang pinaka-kawawa. Feeling mo pagod ka na. Feeling mo wala ng pupuntahan ang buhay mo. Sira-ulo ka kasi eh. Hilig mong mag-feeling. Wag kang matakot sa hinaharap. Nakaranas din ako ng ganyan kaya naiintindihan ko, tingnan mo naman, lumipas din. Hindi mo yan mapipigilan kasi bahagi yan ng pagtanda. Ako ang kumausap sa sarili ko noong panahong dinadalaw ako ng crisis na yan. Ang gulo-gulo ng isip ko no'n at talagang hindi makapag-decide sa kung anong gustong gawin sa buhay. Hindi ako nanghingi ng tulong sa ibang tao o nagkwento na may pinagdadaanan akong problema. Pero kung di mo kayang solohin, gusto kitang tulungan;


PAYO MULA SA NAGMAMARUNONG:


Dahil hindi mo mapipigilang tumanda, tanggapin mo lang. Huminto ka muna sandali at huminga ng malalim. Mag-isip. Magkuro-kuro. Magpahinga kung napapagod. Hindi naman karera ang buhay. Tandaan: Ang mga taong nagmamadali, sa ambulansya sumasabit. Huwag maging insecure. May kanya-kanyang oportunidad ang bawat tao kaya iwasan mong ma-insecure o mainggit sa mga kaibigan mo. Mas maganda kung magiging masaya para sa kanila at subukang mag plano ng long-term goal para naman hindi ka habang-buhay maging aliping sagigilid. Hangga't maari, ipractice ang natapos na kurso. Dahil iyan ang tinapos mo! Magtiis muna sa maliit na kikitain sa umpisa at wag magpabulag sa naglalakihang offers ng Call center companies. No offense sa kanila pero kung hindi mo talaga yun linya o di talaga gusto, wag mong pilitin ang sarili mo. Darating ka rin sa puntong lalaki ang sahod. Tamang diskarte lang at galingang magbenta ng beauty products o Brang makukulay mula sa AVON. May mga kaibigan kang aalis sa buhay mo, malilimutan ang utang sayo o kaya eh mangingibang bansa. May mga matitira at sasamahan ka sa paminsan minsang reunion/inuman/sentihan. Magpasalamat sa kanilang lahat. Wag masyadong alalahanin ang bukas na walang kasiguraduhan kasi, bubukas ang mga oportunidad sayo, maghintay lang. May kakilala akong tao, nagtiis sa trabahong mahal nya sa loob ng limang taon kahit mababa ang sahod. Natuto at nagsumikap. Sa edad nyang 26 (habang sinusulat ang entry na'to), sumusweldo na sya ng 30mil kada buwan. Habang NAG-EENJOY. Kumuha ng inspirasyon mula sa Diyos, pamilya, mga mahal sa buhay, bagong panganak na aso, boyfriend/girlfriend, ex, mga kaaway, mga kaibigan, o di kaya sa mga mga tsismosang kapit-bahay na nagsasabing hindi mo kaya. Isa sa pinaka-masarap na feeling eh yung papatunayan mo sa iba na kaya mo kahit sinasampal ka na nila sa mukha ng "Hindi mo yan KAYA". Easy ka lang sa buhay.  



Sabi nga ni Ranchoddas Chanchad sa 3 Idiots 


"Pursue Excellence, and success will follow you, pants down" 


Kilala mo ang sarili mo, alam mo kung paano ba ang dapat gawin. Hindi sagot sa problema ang maagang pagbubungee-jumping ng walang rope o pakikipagpatintero sa naglalakihang bus sa EDSA. Pero kung sa tingin mo di mo na kaya pero walang nakikinig sayo at kelangan mong humingi ng tulong o payo mula sa ibang tao, I'm more than willing to help. Just comment lang. Susubukan kita tulungan sa abot ng aking makakaya. 
Note: Wag mag-alala, konti lang akong kumain. :D


*Wag wakasan ang buhay. Dahil ang buhay ay makulay lalo na kapag may sinabawang gulay.






Friday, 15 June 2012

Dis-Appointment and/or Frustrations

Lahat naman nang tao may kanya-kanyang disappointments or frustrations sa buhay n'ya. Yung ibang tao, nadidisapoint sa mga bagay tulad ng hindi natuloy na pangarap, nabuntis ng maaga, nawasak na relasyon, pangit na hilatsa ng muka at mga chicks na hindi naligawan dahil sa katorpe-han.

Meron akong mental list ng mga kapalpakan ko sa buhay na nagdulot ng disappointment sa'kin. Yung mga exam na naibagsak dahil sa kakulangan ng paghahanda o kaya katamaran. Mga kalokohang na nagbunga ng mas nakakalokong epekto sa buhay ko. Namintis na mga oportunidad, maling mga desisyon sa buhay, at mga hindi naituloy na plano.

Kakaunti sa mga yan ang pinagsisihan ko. Nanghinayang, OO, pero nagsisi, HINDI. Hindi ako nagsisisi sa mga bagay na nagawa ko kasi para sakin, lahat ng mga nangyari sa buhay ay recipe ng kung pano ako naging ganito. May tamis, anghang, asim, alat, pakla, lapot at linamlam. Parang binudburan ng Maggi Magic sarap. Parang gusto ko palagi mabubuhay ako at mamamatay ng walang pinagsisisihang kahit ano. Yun ang gusto ko pero hindi naman nangyayari talaga. Kaya may panghihinayang parin kahit papano pero deretso lang ang daloy ng buhay. Normal lang naman yun. Ang ayoko lang e yung mabuhay sa panghihinayang.

Major disappointment ko yung hindi ako nakapasa sa UP diliman. Mataas ang tingin ko sa eskwelahang yan pero sa kasamaang palad, hindi ako nakapag-aral ng maayos at nagkasakit ako habang nag-eexam na naging dahilan ng mababang grado at pagka disapprove sa UPD. Dissapointed ako sa sarili ko kasi di ko magawang mas madalas na makapag drawing o makapagsulat. Dinadalaw akong madalas ng katamaran. Napapabayaan ang mga bagay na dapat pinapraktis ng husto para hindi kalawangin. Yung ngang hindi ko pag-graduate on time dahil sa bullshit na pangyayari sa buhay ko, hindi ko din pinagsisihan eh. Yun nga lang, iniyakan ko. Nagkaroon ako ng sirang relasyong pilit kong inayos pero hindi naremedyuhan. Umiyak din ako at nanghinayang. Disappointed ako sa naging performance ko sa board exam ko dati. Nagkasakit na naman ako at hindi naging maganda ang kundisyon ko habang nag eexam. Dalawang araw ang exam pero dalawang araw din akong nakikipaglaban sa sakit ko. Inatake ako ng sakit. Siningil ako ng katawan ko sa mga pagpapabaya at pang aabuso ko sa kanya. Gumugusto ng major overhaul ang katawan ko pero ayaw kong pagbigyan eh. May kamahalan ang mga pyesa. Kahit naging ayos ang resulta, nadisappoint padin ako sa nagawa ko dahil alam kong hindi iyon ang the "BEST" ko. Nagpapakopya akoat nangongopya mula elementary hanggang college at ilang beses na kong nahuli't naparusahan. Di naman ako nagsisi. Ansaya nga eh.. Kasama sa thrill ng pagiging estudyante.

Iyan lang ang medyo natatandaan ko dahil binabaon ko agad sa limot ang lahat. Ang marami kasi eh yung mga naubos na oras sa paggawa ng mga kalokohan na imbes sana eh ginawa ko ng mas kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pagbabasa, pagsusulat, pagdodrawing, O pagtulog. Kaya lang, wala na namang akong magagawa sa mga bagay na natapos na kaya hinahayaan ko nalang. Pinapagaan ko nalang ang loob ko sa pagsasabing kaya hindi binigay sakin yan kasi hindi para sakin. (Kahit ang totoo, labag to sa paniniwala ko)


Kahit hindi ako yung klase ng taong tumitingin sa nakaraan para magsisi sa mga maling desisyon sa buhay, minsan naiisip ko parin na "Ano kayang nangyari kung ganito yung ginawa ko dati?". Alam mo yun, na-aamazed akong malaman kung ano kayang mangyayari sakin kung sakaling iba yung ginawa kong desisyon sa buhay ko. Tipong mga alternative timeline. Dahil sa pagkakalulong ko sa mga RPG games sa Playstation, naging curious ako sa mga temang may kinalaman sa alternate world o kaya eh time travel. Angaling kasi eh. Mapapatanong ako sa sarili ko kung ano kayang ginagawa ko sa mga ganitong oras. Ano kayang naging future mo kung hindi ka nabuntis ng maaga? Kung hindi ka nakinig sa barkada mong magtake ng Law? Kung lumiko ka pala sa kanto nang EspaƱa imbes sa Morayta? Kung hindi mo pina-share si miss maganda ng upuan sa canteen? O kung hindi ka nahuling nangongopya ni Mam sa Trigonometry subject nyo? O kaya kung hindi ka namatay noong 12 years old ka? Ano nga kaya? Wala nang nakaka-alam at wala nang makaka-alam kung anong mangyayari.

Maraming naituturong bagay-bagay sa'tin ang mga disappointment na to. Palagay ko, isa 'to sa mga makapangyarihang pwersa na naghuhulma sa katauhan o personalidad ng isang tao. Gustuhin man n'ya o hindi, magbabago ka nang dahil d'yan. Hindi mo mapapansin. Maaaring hindi mo kayanin ang frustration mo at magpatiwakal ka nalang gamit ang bread slicer o kaya naman eh magsilbing inspirasyon sa'yo ang mga 'to para mas maging matatag at mabuting tao. Lalaki kang may laban sa buhay. Parang Bonakid lang. Marami kasi sa mga tao ang dinidibdib masyado yung mga naging failure nila sa buhay. Imbes na maging aral yung mga pagkadapa nila para mas maging matatag sila, nagiging pabigat pa lalo sa kalooban nila dahil hindi sila makapag "move-on". Sa tingin ko naman konti lang ang susi para maka-usad ka sa mga disappointment mo sa buhay. Una, tanggapin mong nagkamali ka at matuto sa naging pagkakamali mo dahil hindi lahat ng bagay ay makukuha mo. Mas marami kang matututunan sa pagkakamali at pagkatalo kesa palagi kang winner. Pangalawa, mabuhay ka at enjoyin ang bawat ginagawa mo, araw-araw, gabi-gabi, minu-minuto at segu-segundo. Sa pamamagitan nito, hindi ka magsisisi sa buhay kahit gaano pa kagago yung pinag gagawa mo. Okay lang lumingon pero wag parating nakalingon. Bukod sa magkaka stiff neck ka, hindi ka uusad talaga. Nakakita ka na ba ng drayber ng jeep na nagpapatakbo ng sasakyan nya pero panay ang sulyap sa likod para magsukli? Diba ang bagal? Ganyan din ang buhay na makukuha mo. Di mo lang napapansin kasi masyado kang focus sa nakaraan at hindi sa kasalukuyan o hinaharap. Lumingon paminsan-minsan para tingnan kung ano dati ang buhay mo at matuto mula dito. 

Pangatlo at higit sa lahat, magpasalamat sa Diyos sa bawat araw na inireregalo nya sa'yo, kaya nga ang tawag sa kasalukuyan ay PRESENT diba? Make the most of it. Everything else will follow.

Minsan lang kasi, masarap pa ding mag review. :)


http://3.bp.blogspot.com/-A5r3WEZ9ITo/Tm7UbwW4EmI/AAAAAAAAAj0/VVF3v8hE5KA/s400/time+machine.jpg


Basha: I wanna stop wondering, what if.. I want to know what is.. 
ONE MORE CHANCE


Tuesday, 12 June 2012

Sulat para sa'yo

April 28, 2012

Dearest Love,

I Love You. 


Ilang beses mong nadidinig sakin ang 3 words na yan sa isang araw. Tatlo hanggang sampu o mas madaming beses isang araw. Araw araw, sa loob ng limang taon at apat na buwan nating pagsasama. Sinasabi ko at pinapadama sayo kung gaano ka kahalaga sakin at kung gaano kita kamahal. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay na kaya kong gawin para sayo at para sa relasyon natin. Pero hindi pala sapat lahat ng bagay na yon para mag stick ka sakin. Unti unting nagsawa ka. Humingi ng space. Hindi ko akalain na ang maging astronaut pala ang pangarap mong maging paglaki mo. Things are not the same anymore. To be specific, you are not the same anymore. Wala ka nang oras para sakin. Ang sabi mo pa nga, nagsasawa ka na. Paulit-ulit ang ilang bagay sa buhay natin at relasyon. Iisang lakad, isang pinupuntahan. Akala ko dati hindi tayo darating dito sa ganitong punto ng relasyon. Akala ko kapag binigay ko ang lahat lahat ng kaya kong ibigay at ubusin, magiging ayos ang lahat. Akala ko walang makakagiba satin. Sa lahat ng pinag samahan natin. Mga okasyon ng bawat pamilya, galaan natin, mga pag aalaga sa isat isa, mga simpleng asaran, mga bagay na naituro natin sa isat isa. Natuto tayo, lumaki ng sabay. Tawanan, iyakan, lambingan, kulitan, galit, tampo, bati, lahat ng klase ng emosyon. Binalot nyan yung relasyon natin. Relasyong akala ko pang habang buhay. Biruin mo, ang dami nating pinag daanan, from thick through thin nasa tabi tayo ng isa't isa. Tipong till death do us part na. Bull shit, yun pala ako lang ang may akala nun. Nabuhay pala ko sa maling akala. Wala na yung dating lambing, spark, yung mga pangako na walang magbabago satin, na lahat sabay nating tatahakin, na walang bibitaw satin kahit gano kahirap ang nasa harap natin. Masakit sobra. Hindi ko kayang sabihin sayo nang personal kaya dito ko dinadaan sa sulat. Tingin ko maiiyak ako kung magkaharap tayo at sasabihin ko sayo to ng personal. Humihingi ako sayo ng pagkakataon na pag usapan ang mga bagay sa pagitan nating dalawa pero hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon. Sa tuwing lumalapit ako sayo at humihingi ng konting pansin mo, mas nasasaktan ako. Lumalayo ka lalo eh. Anong gagawin mo? Sa barkada ang tuloy mo. Kung papapiliin ka kung sabay kaming nagyaya ng kabarkada mo, alam kong tatanggihan mo ang yaya ko. Bakit? Dahil madaming beses mong ginawa sakin yan. Paulit ulit. At sa bawat ulit ng mga pangyayari, nagtatampo ako. Pero hindi ko magawang magalit sayo. Iniintindi kita. Kesyo busy ka sa trabaho, kailangan mong mag enjoy kasama ang mga kaibigan mo, stress, lahat ng bull shits na yan. Pilit kitang iniintindi. Pero hindi ko alam na darating ako sa puntong mapupuno na. Na magbuburst ako sa galit. Talagang sumuko na ko. Sorry. Hindi ko na kasi kaya talaga. Sa lahat ng pahirap mo sakin, mentally and emotionally. Drained na ako. Wala na akong ibang gustong gawin kundi ilabas lahat ng sama ng loob ko sayo. Sa lahat ng ginawa mong pambabalewala sakin, sa pagiging manhid at higit sa lahat yung panloloko mo. 


Salamat ng marami sa mga ala-alang iniwan mo sakin. Bitter sweet memories. Nakakalungkot lang tsaka nakakapang hinayang pero ayaw ko ng masaktan pa. After 5 long years of being with you, I will now be walking the path of life on my own. I love you but I have to set you free. Para sa kapakanan nating dalawa. I'll get my life back and you can have yours, too. Nakakapanibago na gigising ako sa umagang wala ka na. Wala nang good night, kisses, text na malambing, mga simpleng ingat, o kumain ka na ba? Madami akong mami-miss. Ang hirap hirap. Hahanapin ko muna ang sarili ko at sana ganon din ang gawin mo. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa hinaharap pero sana maging maganda ang lahat para sa buhay mo, career at muling pag-ibig. Maraming salamat and sorry din sa mga pagkukulang ko. Sa susunod na magkita tayo, iba na ang scenario. And I wish you all the best in life. Paalam.

Nagmamahal,
Charlie (Di tunay na pangalan)

*Insert Director's Cut - Kamikazee song Here*

Thursday, 31 May 2012

Feelingero

Yung pakiramdam mo, ikaw ang pinaka malakas tumawa sa barkada, pero deep inside umiiyak ka. 
Araw-araw kang namamatay pero hindi mo pwedeng ipakita
kasi gusto mong maging malakas sa harap nila. 
Hindi nila alam, kasi ayaw mo ring ipaalam. 
Nasasaktan ka pero pinipilit mong maging masaya. 
Pero lagi kang dinadalaw ng lungkot. 
Lungkot na itinatago sa likod ng mga ngiti at lakas ng tawa.
Kailangan ka kaya ulit sasaya?
Damn.



Wednesday, 30 May 2012

Maghanda, Maligo at Mag-DEO..


Minsan darating sa buhay mo 'yung isang taong hindi mo kayang TIISIN. Maihahalintulad s'ya sa isang sunog dahil manggugulo s'ya sa tahimik mong mundo sa 'di inaasahang pagkakataon, panahon, o lugar (bukod sa Hot sya!). Pwede mo rin naman syang ihalintulad sa diarrhea para COOL. Basta isang beses sa buhay mo, siguradong darating s'ya. At tulad nang sa sunog/diarrhea, kailangan handa ka palagi at mag-ingat para maging ligtas.


Mga palatandaan:
  • Ngiti pa lang nya, ulam mo na. Kasama pati merienda.
  • Kahit corny, basta magkasama kayo, feeling mo walang ibang tao. Pero feeling mo lang yun.
  • Kakaiba yung enjoyment kapag kayo ang magkasama. Akala mo tuloy me fireworks kung saan-saan.
  • Palaging naiisip mo. Nangingiti ka pag naiisip sya. S'ya din ang taong pinaka madali mong ma-missed.
  • Bumababaw kaligayahan mo sa kanya. Kahit fishball lang ulam niyo basta kasama mo s'ya, solve!
  • 100% sure akong may ilang kanta (more than 5) sa mp3 player mong makakapag-paalala sa kanya. 
  • Magaan ang loob mo kapag nag-uusap kayo. Hindi ka nahihiya at lumalabas kung sino talaga ang totoong ikaw. Walang pagkukunwari.
  • Pag nagtext, tumawag o nag PM sa'yo, nanginginig ka pa tsaka natataranta. Magpapaload ka pa para lang maka-reply.
  • Isang sorry nya, papatawarin mo. Minsan nga kahit di pa s'ya nagso-sorry, tapos na ang boxing.
  • Pag may hiniling sa'yo, kahit imposible na, gagawa ka pa din ng paraan.
  • Kapag humingi ng second chance, pagbibigyan mo.
  • After ng second chance, pwedeng maraming chance pa ang hingin n'ya pero lahat ng yan eh pagbibigyan mo.
  • Patatawarin gaano man kabigat ang kasalanan.
  • Kapag naiiyak sya, mauuna ka pang umiyak.
  • Lulunukin mo lahat ng pride na meron ka para lang sa kanya.
  • Pag nagtatanong s'ya sayo kung mataba na s'ya, kahit oo, sasabihin mo padin "Hindi ahh. Sakto lang yung ganyan. Malaman"
  • Iispoil-in mo, hanggat kaya, SA LAHAT NG BAGAY.
  • Kahit di na kaya, magbibigay padin.
  • Kahit walang matira, sisige pa din.
  • Pinipilit maging manhid kahit ang sakit sakit na.
  • Kahit matalino ka, nagpapaka TANGA ka.
  • Ang pinaka mabigat? kahit pagbali-baliktarin ang spelling ng Mississippi, MAHAL MO padin. Mula ulo hanggang sa pinkish na sakong.


S'ya ang susubok kung hanggang saan ang kaya mong ibigay sa ngalan ng pag-ibig.(uh-ohh)

Dalawa ang magiging epekto n'ya sa buhay mo, sasaya ka ng husto o masasaktan ka ng todo. Darating s'ya at kukulayan ng rosas ang paligid mo pero pag umalis s'ya sa buhay mo, well, Shit will happen. And you'll be doomed. Gugulo ang buhay mo at parang trip mo nalang mag laslas ng pulso o kaya eh manuntok nalang ng taong makakasalubong mo. Feeling mo lahat ng kulay sa crayon box, may shade of black. Dark red, dark green, dark blue, dark orange, dark pink, dark brown, dark black tsaka dirty white.

MINSAN DARATING SA BUHAY MO 'YUNG ISANG TAONG HINDI MO KAYANG TIISIN. KAPAG DUMATING SYA, MAGIGING MASAYA KA. YAKAPIN MO ANG BAWAT SANDALI NA MAGKASAMA KAYO. HANGGA'T KAYA MO, 'WAG MO S'YANG PAKAWALAN AT IPAGLABAN HANGGANG KAMATAYAN KASI ALAM MO NAMAN NA SA KANYA KA PINAKA-MAGIGING MASAYA. Higit sa lahat, mabuhay kang masaya sa bawat umagang kasama s'ya dahil hindi mo naman alam kung hanggang kelan lang s'ya sa tabi mo. Masakit marinig pero iyan ang katotohanan ng buhay. Maaaring dumating na s'ya sa buhay mo, dadating palang o naka-alis na. Maghanda ka lang, maligo araw-araw at mag deodorant. 

Ayan na s'ya, magdodoor bell na. Patutuluyin mo ba?

*Ding-Dong*


Monday, 28 May 2012

[R-13] Usapang "Binyagan"

Pasukan na naman ng mga bata. Tuwing magpapasukan, talagang excited ang mga bagets sa pagbabalik eskwela. Kanya-kanyang payabangan ng bagong notebook, pantasa, ballpeng nailaw, mabangong pambura at palakihan ng baon. Kwentuhang walang katapusan na naman tungkol sa mga nangyari noong bakasyon. Andyan yung mga kwento tungkol sa pagpunta s probinsya, mga na-miss na crushes, nanganak na pusa, at swimming na nai-upload na sa facebook.


Pero ang pinaka malupit paring kwentuhan after ng mahabang bakasyon ay yung kwentuhan at payabangan tungkol sa pagpapa-TULE. Yup, uso sa mga kalalakihan ang kwentuhang tuli. Hindi ako nakasabay sa kwentuhang yan noong grade 6 ako dahil before 1st year high school ako nagpa "binyag". Ang kaso, yung mga kabarkada ko nung elementary, grade 5 ng summer palang nagpa tuli na. So madalas kapag nag-uusap sila, nao- OP ako tsaka nakayuko lang. Tapos mang-aasar na yung mga damuhong kaibigan ko ng "Ayyy, supot supot supot!!". NAKAKA-ASAR! Kung alam ko lang, siguro kanya-kanyang iyakan yung mga yun nung tinutuli sila. Hehehe. Dahil dyan, hindi ako natakot na magpatuli ng sumunod na bakasyon. At highschool na ko nakipag kwentuhan tungkol sa topic na yan. :)


Iba-iba ang karanasan ng mga bata sa larangan ng "binyagan". 


Yung iba sa de-pukpok na tuli. Pupunta sila sa suking albularyo at dun gagawin ang ritwal. Ayon sa aking mapagkakatiwalaang source, una sa lahat, ngunguya ka ng dahon ng bayabas, maghuhubad ng shorts, tapos ipapatong daw yung *too-toot* sa labaha (pang-ahit ata to sa patilya pag nagpapagupit) tapos pupukpukin ni manong yung labaha na pinagpapatungan ng balat ng *too-toot* ng maliit na kahoy. Presto! Tuli ka na in less than a minute. Ibubuga mo yung nginuyang bayabas sa *too-toot* at itatali yung balat saka tatakpan ng tela tapos papatalunin ka sa ilog. Hindi ko sigurado yung part na papatalunin ka, siguro iba-iba naman ang trip nila dyan. Dahil sigurado naman akong hindi lahat ng ritwal ng "pagbibinyag" eh nagaganap malapit sa ilog. Tama? Tama! 


Yung iba ko namang kakilala eh sa mga medical mission ng barangay nagpunta. Mahaba daw ang pila tapos mainit. Kaso ang masama nyan, after mong matulian, tatatoo-an ka sa *too-toot* ng ganito: "A quality medical project of Governor Blah-blah-blah with partnership of Mayor Blah-blah-blah and the Councils". Ansaya. Kadalasang makikita mong may mga nakasabit na banners ang mga munisipyo pagdating ng bandang Marso hanggang Mayo. Ang mga banners ay karaniwang titled: OPERATION TULE.


Kapag medyo may pera kang panggastos, sa mga doctor ka pupunta. Sa halagang Php.500-1200 meron ka nang German Cut o kaya eh Normal cut (na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pagkakaiba). Matindi ang anesthesia, airconditioned ang room, well-lighted ang room at may sounds pa. Chillax. Sa doctor ako nagpatuli noon. Ok naman. Napanganga nga si doc eh. Hindi ko alam kung bakit. Pero habang tinutuli ako talagang pinipilit kong tingnan kung anong nangyayari sa sarili ko. Ayokong mamintis na masaksihan yung isang parte ng buhay kong hindi ko na mauulit at mababalik pa. Ok naman, enjoy ako. Gusto ko nga ulitin eh. :)


After ng tuli, isa ka nang ganap na binata. Iyan ang pinaka matinding sign na ang isang bata ay papunta nang pagkabinata. Ritwal para sa mga Pilipino yan. Hindi mahalaga kung pano mo na-achieve, ang mahalaga lang, Tuli ka.
Yun yon! Makakapag-share ka na ng kwento mo sa kapwa kalalakihan at hindi na mao-OP. Pumili lang nang paraang hiyang sa'yo at enjoy-in ang experience na yan.


You can now stand up and hold your head up high. Isigaw mo ng may pagmamalaki (habang sumisinghot-singhot ng sipon).


"TULI NA AKO! BWAHAHAHA"


Wow, how sweet naman :D


Ikaw? Tuli ka na ba??

Thursday, 24 May 2012

Kung Pipili ng "the Best" Partner, dapat..

Medyo magiging matigas na ang muka ko sa pagbibigay ng payo kung anu-ano ang batayan sa pamimili ng "the best" na partner in life. Pero para sa kwentuhang masaya, magbibigay ako ng ilan.


Mga Pamantayan sa pagpili ng partner ayon sa AKIN. Maaaring medyo gasgas na pero effective parin naman. Kalimitang base on experience yan.
(Note: Ang mababasa mo ay nasa men's perspective)






1.Dapat Single!
Pinaka-importante sa lahat. Huwag manlandi ng babaeng may BF na. Masama ang gawaing yan. Maraming dalagang single, sa kanila ka mamili. Sa panahong 1:5 ang ratio ng lalaki sa babae, wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa me syota na. Bukod sa naninira ka na ng relasyon ng may relasyon, kapag nagtagumpay kang agawin sya hindi ka din naman patatahimikin ng konsensya mo at agam-agam na baka gawin nya din sayo yan pagdating ng araw. Hindi ka rin magiging masaya promise.


2. Pumili ng mabuting partner. 
Gasgas na ang number 2 pero tingin ko isa padin yan sa pinaka-importante. Totoong madaling ma-fall ang kalalakihan sa itsura at katawan, pero ang pinag-uusapan natin ay "the best partner" at hindi panandalian/panlandian lang. Huwag pumili ng babaeng seseryosohin base sa kulay ng mata, braces, vital statistics, nakakahalinang samyo at nakakalibog dumila. Maniwala ka, hindi din kayo magtatagal ng kahit tatlong buwan kung ganyan lang ang basehan mo. 


3. Humanap ng babaeng may sense kausap.
Isa pa sa importanteng dapat hanapin sa isang partner. Masarap ba syang kausap? Nakakasabay sa mga usapan? May mga sense ba yung opinyon nya tungkol sa mga isyung napapanahon? Kahit masakit marinig, walang mas nakaka turn-off sa babaeng maganda at sexy nga pero walang sense kausap. Para kasi sakin, mas madaling mapalapit sa puso ng isang babae kung enjoy  kayo sa pakikipag-usap sa isa't-isa. Yung tipong hindi kayo magpapahanginan lang at mag-uusap ng tungkol sa mga magagarang koleksyon mo ng sasakyan o mga jewelry sets nya. Para kapag dumating na kayo sa puntong sawa na kayo sa paglalambingan/tweetums/sex/gimik/lakwatsa, uupo nalang kayo at mag-uusap over a cup of coffee and cookies. Promise, darating yan, kaya paghandaan mo. :)
NOTE: Panatilihin ang eye-to-eye contact at iwasan ang eye-to-boob connection pag nag-uusap kayo, mahiya ka naman huy! 


4. Dapat meron kayong Common Interest and common hobby.
Para sa mas masayang pagsasama nyo ng iyong partner, kailangan meron kayong interes na magkapareho. Halimbawa ay religion, paboritong flavor ng pancit canton, mga lugar na gustong puntahan, sports, pelikula, artista, kanta o paboritong banda. Hobbies tulad ng pagjojogging, pagtoma, pagtulog, pagbabadminton, hiking, pag reresto-hopping, at pag bubungee jumping. Bonding moments para sa inyong dalawa para hindi magsawa sa amoy ng isa't-isa..


5.Hangga't maaari, pumili ng.. (Isnabera o Mataray)
Hindi dahil sa thrill na binibigay ng babaeng may ganyang attitude. Wala lang, gusto ko lang ng mataray. Para hindi masyadong masakit sa ulo. :) 
Tip: Masarap magmahal ang mga isnabera at mataray. Malambing yang mga yan. Yun bang sa iba mataray sila pero sayo sobrang sweet nya. Mga ganyang tipo. Pwede ding ipalit sa number 5 yung katangian ng babaeng hinahanap mo talaga. Depende sa'yo. Ikaw naman makikisama eh. Kung gusto mong mahinhin, wild, kulot, nerdy, tomboyish, bookworm, emo, masayahin, tahimik, o hip-hop, nasa sayo na yan. Palitan lang yun naka parenthesis.


6.Faithful.
Hindi ko alam kung pano malalaman kung ang pipiliing partner eh magiging faithful sayo o hindi. Pakiramdaman mo nalang. Ipatawas mo(hindi yung kili-kili ha?!). Mararamdaman mo din yan kung yung partner mo magiging seryoso at faithful sayo pero suklian mo ng faithfulness din. Para ka namang tanga nun na hinihiling mong faithful sayo pero ikaw nambababae. Oo, gwapo ka at feeling na feeling mo talaga pero poota naman umayos ka. Wag nang dagdagan pa ang mga lalaking sakit sa ulo. May tip ako uli sayo: Kung hindi mo matiis ang kati, magpakamot ka sa Ermita. P250.00 lang. 


7.Marunong magluto
Dahil ang pinakamabilis na daan papuntang puso nating mga lalaki ay nasa tyan nyong malalaki, maghanap na agad ng marunong magluto para hindi na mapagastos sa pagpapa-enroll sa culinary schools na napaka-mahal. Hindi naman kailangang magaling magluto agad. Matututunan nya din yan, praktis makes perpek. At least interesado sya sa kusina. Karamihan ng babaeng magaling sa kusina ay magiging magaling na ina at mapagmahal na misis. Kapag dumating ang araw mag-asawa na kayo, wala ng tatalo sa umagang amoy tapsilog at misis na amoy bagong ligo.. Hmmm.. Sana araw-araw Linggo noh?


8.Friends kayo.
Hindi ko masyadong rekomendado to. Kadalasang nagagamit ang friendship na pantakip ng maitim na balakin. Hindi naman sa nilalahat ko pero ganon madalas ehh. Personally, kapag close friend ko yung babae hinding-hinding-hinding-hindi ko sya lalandiin. Kung friend ko, hanggang dun nalang talaga. :) Malay mo sayo gumana. Iba rin kasi ang relasyong nanggaling sa pagiging magkaibigan. Basta malinis ang intensyon mo, mas tumatagal ang relasyon. Kahit naman siguro saan. Tsaka maraming babae na aloof sa lalaki kung wala kayong common na friend. Baka mahirapan kang maka first move. :D


9.Mahal MO??
Kaya huli to sa listahan ko kasi para naman sakin napapag-aralan ang pagmamahal eh. Dapat nga tanggalin na to ehh. Basta maganda ang naging foundation niyo ng girlfriend mo, tutuloy-tuloy lang yan. Ma-fafall ka din sa kanya at sya din sayo. Wag kang masyadong maghanap ng spark AGAD, makukuha mo din yan pagdating ng panahon pag nakilala mo na sya ng lubos. Basta sa una, mag-enjoy lang kayo sa company ng isa't-isa. Isang araw magigising nalang kayo na in love na pala kayo. :) naks


*Actually, masweswerte ang lalaki dahil meron tayong liberty na pumili at ligawan ang babaeng tingin natin eh mahal natin o swak sa panlasa natin. Kaya pumili ng maayos, magmahalan kayo at maging tapat sa isa't-isa. Siguradong magiging masaya ka for the rest of your life kasama ang babaeng pangarap mo.

Saturday, 19 May 2012

Anything Under Ng Araw

Bukod sa mga Math quiz bee, Spelling bee, EPP, Hekasi, damath, Tulong dunong, mga workshops, na nasalihan ko mula Prep hanggang grade 6, may isa pa kong hindi malilimutang nasalihan nong bata pa ako. Ito ay ang. *drum rolls*.




Grade Five ako noong mapasali sa Journalism team ng eskwelahan namin. Hindi ko alam ang trip ni mam bakit nya ko napili. Basta ang alam ko, bago ang nangyaring selection ng participants na ilalaban sa Journalism Contest eh mga isa't kalahating buwan siguro kaming pinapasulat ng kung anu-ano. Mula sa maiikling kwento hanggang sa mga tula. Bandang huli, pito kaming napili para mag-represent ng eskwelahan namin. Hindi ko din naman alam kung anong meron nun. Susulat lang daw kami at magkakaroon ng maraming maraming free time at free foods. Doon ako naengganyong sumali talaga. Madaming categories ang sinubukan naming tirahin. Creative Writing (Filipino and English), News writing(Filipino and English), Sports writing(Filipino and English) atsaka Photo Journalism. Titingnan ni teacher kung san ka pinakamagaling o pinakabagay sa tingin nya at dun ka nya ilalagay bago kami isalang sa ibang planeta. Para umikli ng konti ang kwento ko sasabihin ko nang napunta ako sa News Writing english category. Pero hindi dahil magaling ako sa english o sa mga ganyang klaseng panulat (obvious ba?) kundi magaling lang akong manguha ng balita (noon), magrephrase tapos isulat uli. Instant work. Copy-Paste mode lang. Okay na ang mga participants. Nagbibigay na si mam ng mga pointers. Mga do's and dont's habang ngumunguya kami ng nilagang saging at umiinom ng malamig na Jolly juice. Nagsimula ang "training" at natapos ng tatlong linggo. *Ting* Ting* LABAN!!
Ganito ang buod ng pangyayari:


Nakalimutan ko na kung anong eksaktong naging structure nung competition pero dalawang beses akong nakatsamba. Isang 6th placer(Round 1) tapos isang 4th placer(Round 2). Bawat isang round, sampu ang pinipili. Yung pangatlo, ayun laglag. Biruin mo yung swerte? Iba rin kung tumama eh. 


Hindi ko rin naman inaasahan kasi talagang mas trip ko yung creative writing. Bago yung 1st round nagkaroon pa ng parang qualifier. Entitled lahat ng contestants na magparticipate sa kahit anong category nilang matripan. Gumawa ka lang at magpasa. Kapag nagustuhan nila ang gawa mo makakapasok ka sa Round 1(without the round girls). Dun ko Pinaghusay talaga. Capital pa ung letter "P" dyan. Wapakels nga ko sa tunay na category ko eh. Ang kaso, nung nasa competition for creative writing na kami, ang bilin nung judge, "Write anything under the sun". Pucha, kahit alam ko kung anong ibig sabihin ng "anything under the sun" na yan, nagulantang padin ako. Masyadong malawak yun. Parang Karagatan ng Pacific. Wala talaga kong maisip na isusulat non. Parang tinangay din ng alon yung utak ko. Dapat makatapos na kami sa loob ng dalawang oras pero parang isang oras mahigit ata akong nag-isip ng magandang topic pero walang nag-hello sakin. Habang yung ibang contestants puspusan yung pagsusulat at pagrerevise na ng final works, ako magsisimula palang. 





Natapos din ang dalawang oras na delubyo at sa awa ng Diyos eh may nasubmit akong gawa. Nagpasa ako kahit alam ko na kung anong resulta nung akin. Isang malaking "SCRATCH PAPER". Sayang. Sa sobrang desperado kong makatapos ng obra, naging TAE yung gawa ko. Sabagay, yung topic kasi na naisulat ko tungkol sa Septic Tank. Siguro nabahuan sila. Dapat pala nag kwento nalang ako ng tungkol sa sarili ko o mga bubuyog o kaya yung crush ko dati o mga taong malalakas humilik. Nanalo bilang 1st place yung kaklase kong babae at ang kwento nya tungkol sa mga aswang. Tapos sumali uli ako sa dalawa pang category ( News Writing ) na kung tutuusin eh parehas lang, kasi yung isa sa Filipino tapos yung isa sa English. 


Pagkatapos ng mahigit sampung taon, nagpilit ulit akong magsulat. Gumawa ng blog tungkol sa mga iba't-ibang bagay sa mundo at mga kwentong alang wenta. 


Binabasa mo na ngayon ang scratch paper ko.


Alam mo na ang dahilan kung bakit ang mga nababasa mo ngayon ay dirty?


Kasi lahat ng bagay sa mundo ay nasa ilalim ng araw.