Search for Me

Saturday 19 May 2012

Anything Under Ng Araw

Bukod sa mga Math quiz bee, Spelling bee, EPP, Hekasi, damath, Tulong dunong, mga workshops, na nasalihan ko mula Prep hanggang grade 6, may isa pa kong hindi malilimutang nasalihan nong bata pa ako. Ito ay ang. *drum rolls*.




Grade Five ako noong mapasali sa Journalism team ng eskwelahan namin. Hindi ko alam ang trip ni mam bakit nya ko napili. Basta ang alam ko, bago ang nangyaring selection ng participants na ilalaban sa Journalism Contest eh mga isa't kalahating buwan siguro kaming pinapasulat ng kung anu-ano. Mula sa maiikling kwento hanggang sa mga tula. Bandang huli, pito kaming napili para mag-represent ng eskwelahan namin. Hindi ko din naman alam kung anong meron nun. Susulat lang daw kami at magkakaroon ng maraming maraming free time at free foods. Doon ako naengganyong sumali talaga. Madaming categories ang sinubukan naming tirahin. Creative Writing (Filipino and English), News writing(Filipino and English), Sports writing(Filipino and English) atsaka Photo Journalism. Titingnan ni teacher kung san ka pinakamagaling o pinakabagay sa tingin nya at dun ka nya ilalagay bago kami isalang sa ibang planeta. Para umikli ng konti ang kwento ko sasabihin ko nang napunta ako sa News Writing english category. Pero hindi dahil magaling ako sa english o sa mga ganyang klaseng panulat (obvious ba?) kundi magaling lang akong manguha ng balita (noon), magrephrase tapos isulat uli. Instant work. Copy-Paste mode lang. Okay na ang mga participants. Nagbibigay na si mam ng mga pointers. Mga do's and dont's habang ngumunguya kami ng nilagang saging at umiinom ng malamig na Jolly juice. Nagsimula ang "training" at natapos ng tatlong linggo. *Ting* Ting* LABAN!!
Ganito ang buod ng pangyayari:


Nakalimutan ko na kung anong eksaktong naging structure nung competition pero dalawang beses akong nakatsamba. Isang 6th placer(Round 1) tapos isang 4th placer(Round 2). Bawat isang round, sampu ang pinipili. Yung pangatlo, ayun laglag. Biruin mo yung swerte? Iba rin kung tumama eh. 


Hindi ko rin naman inaasahan kasi talagang mas trip ko yung creative writing. Bago yung 1st round nagkaroon pa ng parang qualifier. Entitled lahat ng contestants na magparticipate sa kahit anong category nilang matripan. Gumawa ka lang at magpasa. Kapag nagustuhan nila ang gawa mo makakapasok ka sa Round 1(without the round girls). Dun ko Pinaghusay talaga. Capital pa ung letter "P" dyan. Wapakels nga ko sa tunay na category ko eh. Ang kaso, nung nasa competition for creative writing na kami, ang bilin nung judge, "Write anything under the sun". Pucha, kahit alam ko kung anong ibig sabihin ng "anything under the sun" na yan, nagulantang padin ako. Masyadong malawak yun. Parang Karagatan ng Pacific. Wala talaga kong maisip na isusulat non. Parang tinangay din ng alon yung utak ko. Dapat makatapos na kami sa loob ng dalawang oras pero parang isang oras mahigit ata akong nag-isip ng magandang topic pero walang nag-hello sakin. Habang yung ibang contestants puspusan yung pagsusulat at pagrerevise na ng final works, ako magsisimula palang. 





Natapos din ang dalawang oras na delubyo at sa awa ng Diyos eh may nasubmit akong gawa. Nagpasa ako kahit alam ko na kung anong resulta nung akin. Isang malaking "SCRATCH PAPER". Sayang. Sa sobrang desperado kong makatapos ng obra, naging TAE yung gawa ko. Sabagay, yung topic kasi na naisulat ko tungkol sa Septic Tank. Siguro nabahuan sila. Dapat pala nag kwento nalang ako ng tungkol sa sarili ko o mga bubuyog o kaya yung crush ko dati o mga taong malalakas humilik. Nanalo bilang 1st place yung kaklase kong babae at ang kwento nya tungkol sa mga aswang. Tapos sumali uli ako sa dalawa pang category ( News Writing ) na kung tutuusin eh parehas lang, kasi yung isa sa Filipino tapos yung isa sa English. 


Pagkatapos ng mahigit sampung taon, nagpilit ulit akong magsulat. Gumawa ng blog tungkol sa mga iba't-ibang bagay sa mundo at mga kwentong alang wenta. 


Binabasa mo na ngayon ang scratch paper ko.


Alam mo na ang dahilan kung bakit ang mga nababasa mo ngayon ay dirty?


Kasi lahat ng bagay sa mundo ay nasa ilalim ng araw.

2 comments:

  1. Sumali din ako nun grade 6 sa mga presscon, sa feature writing ako, parang creative writing din.. Ansaya ko nun kasi nanalo ako sa district at division level. Nun regional level na, sa Lipa Batangas na yun contest, ang topic ba naman about Vilma Santos as a mom and as a mayor?? Kamusta naman, wala akong facts about her, ayun talo, bitter mode ako, hahaha! Ayoko nun ng news writing, boring para sa murang isipan ko nun e, hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha paborito ko din yung category na creative writing. wow, same experience! hahaha malas lang talaga. :)

      natalo din ako, wala kasing dating yung news writing. hindi ko nagustuhan. tama ang sabi mo, borrriiinnnggggg....

      hahahaha

      Delete